The First Wish

28 2 0
                                        


The First Wish

Felrone's PoV:

Nagising ako mula sa masamang panaginip, hindi ko masyadong maalala dahil blurred ang paligid. Parang totoo ang panaginip kong iyon, damang dama ko ang sakit ng tagiliran ko, animoy nabaril ako sa isang labanan, nanghihina ako at hindi makahinga. May katabi ako ngunit diko matukoy kung sino, sa palagay ko ay patay na ito. Tumingala ako at tinignan ang maliwanag na buwan, muhkang nasa kagubatan ako. Sumakit muli ang aking ulo at nakatulog. Nagising ako sa panaginip kong iyon, nasa kwarto ako at naramdaman kong namamanhid ang aking kamay. Tinignan ko kung bakit, may naka dantay sa braso ko at mahimbing na natutulog, isa itong babae, tsk, hindi ko matandaan ang ginawa ko matapos magpakalasing sa bar kagabi, baka nag dala ako ng babae dito sa bahay. Marahan kong inalis ang ulo ng babae, at nagtungo ng banyo upang maligo. Napansin kong may benta ang tagiliran ko, tangina, baka nakipag away ako sa bar at napuruhan, siguro ay hintid at inalalayan ako ng babae kanina. Mabuti nalang, kung may nangyare man sa amin ay ala na akong pake elam duon, pero kahit ganuon, nirerespeto ko padin naman ang mga babae. Ipinalinis ko ang sugat ko kay Kuya Art, nasa ibaba kasi ito at naghahanda ng almusal. Pero bago ako bumama ay dinampot ko ang salamin ko at isang libro na aking babasahin mamaya sa pool area. Nabigla si kuya art nung bumaba ako, tinanong nya kung ano nang yari at sinabi ko ang pinaghihinalaan kong nangyare. Itinanong ko din kung sya ba ang naglinis ng sugat ko, sabi nya oo daw, kahit di nya alam ang nangyari ay nilinis nya ito at hinayaang bantayan ako nung babae sa itaas. Itinanong ko kung ano pangalan nung babae, Marya daw o Maryan, hindi naman ako pamilyar sa pangalan kaya hinayaan ko nalang. Pumunta na ako sa likod ng bahay kung nasaan ang pool, umupo ako sa upuan malapit dito at pinadala ang almusal ko. Kumain ako habang nagbabasa ng libro, sinabihan ko na din si Kuya Art na ipaghanda ng makakain yung babae at ipahatid ang pasasalamat ko dito, kung sakali mang manghingi ito ng pera ay bigyan ito, yun ang bilin ko.

Introvert ako, Oo, pero hindi dahil nahihiya o takot ako sa tao, ayoko lang talaga silang kausap,gusto ko ng tahimik na school life, pero alam kong di yun mangyayari dahil may sakit ako. Kaya ko binabasa ang librong ito, "Stay Awake Agatha", dahil pareho kami ni Agatha, takot matulog, dahil baka pag gising ko, ilang araw na ang lumipas. Gustong mawala tong sakit na ito, pero hindi tulad ni Agatha, hindi ako nananatili sa hospital para mamonitor, nasa bahay lang ako at ginagawa ang gusto ko, dahil ganun ko gusto mamuhay.

Takot din ako magmahal kaya nagtatago ako sa salamin na ito at mga libro. Tinignan ko ang phone ko, dalawang araw, dalawang araw akong tulog. Marahil ay dalawang araw nadin ang babaeng yun dito. Napabuntong hininga naman ako tumayo na matapos maubos yung kinain ko, dumeretso ako ng garahe, kinuha ang pulang kotse ko at nagmaneho paalis, gusto kong maghanap pa ng ibang librong mababasa, gusto ko trahedya ang katapusan dahil alam kong ganun ang mangyayari sa buhay ko kapag nagwakas na ito. Wala kasing happily ever after sa isang tulad ko.

Miracle's PoV:

Nandito ako ngayon sa Underground Arena, kung saan nakikipagpatayan ang mga kalahok para sa premyo. Dalawa ang premyo, pera at karangalan. Sa ngayon nasa two hundred million ang nakalapag na premyo, maliit pa ito kumpara sa premyo kung sa Hell's Arena ka makikipaglabanan, pero dahil ang mga may kapit lang sa Mafia ang nakakapasok at pwedeng lumahok duon ay walang ibang pagpipilian ang iba kung hindi ang manood nalamang. Oo, pwedeng manood, pero wag kang papahuli na hindi ka Mafia member dahil hindi ka na makakalabas ng buhay sa lugar na iyon. Sa Underground Arena, may tatlong palapag, mula taas pababa, kada palapag may limang kang makakaharap. Kapag nabuhay ka matapos ang limang yun, bababa ka sa susunod. Sa unang palapang kapwa mo baguhan ang makakalaban mo, pero sa ikalawa naman, sila yung mga katulad mong nanalo sa unang palapag. Pero sa dulong bahagi ang apat duon ay ang mga nanalo nung nakakaraang laban at pinalitan ang mga natalo nila, at ang ikalima at huling makakalaban mo sa Arena na ito ay ang 'Silver Plague', hindi ko pa nakikita itong lumaban o nakita man lang. Kung kaya, sinadya ko talagang sumali sa katarantaduhang ito para lang makilala ang Aluminum foil na sakit na iyon. Nasa ikalawa nakong palapag at ang makakalaban ko ay ang ikalima at huling hadlang para makapunta ako sa susunod na palapag. "For the last round! Destiny against Faith!" Agad akong pumunta sa ring, ako yung Faith, wala akong maisip eh, tas sya destiny? Biglang pumasok sa ring ang isang napakalaking lalaki, at mukhang ito ang makakalaban ko. Bakit naman Destiny ang pangalang naisipan nya? Mas baduy pa sa naisip kong code name. Walang kahit na anong weapon ang pwedeng gamitin dito sa Underground Arena, pero sa Hell's Arena? Survival talaga dun, kasi ang mananalo lang ay ang mabubuhay. Talagang patayan duon, pero may ibang maswerteng nabubuhay matapos nilang makipaglaban duon, at iyon ang mga nababaldado o nawawalan lang ng bahagi ng katawan, nabubulag o kahit ano basta magiging walang saysay na ng buhay mo, ang matindi ay baka comatose ka. Narinig ko na ang pito na naging hudyat para mag simula ang laban. Dahil malaki ang katawan nang kalaban ko ay mabagal ang kanyang galaw, sinipa ko sya sa balikat pero inismiran nya lang ako na parang wala syang naramdamang kahit ano, lumalayo ako sa kanya dahil alam kong kapag nasapak o nasipa nya ako ay madudurog ang buto ko. Sa ngayon ay inaalam ko pa ang kahinaan nya, bigla syang tumakbo papunta sa akin at akmang susuntukin nya ako, tumayo lng ako duon at inintay ang papalapit nyang tira, pinagmasdan ko ang alang depensa nyang tyan, yumuko ako at tyaka ko sa inambahan ng suntok sa sikmura, kamuntik na din akong masapak buti nalang yumuko ako. Malambot ako sikmura nya, kumbaga pinagtuunan nya ng pansin ang mga braso at binti nya kesa sa tiyan... Paulit-ulit ko syang sinipa sa bandang tiyan hanggang sa manghina na sya, napaluhod sya sa harap ko pero hinila nya ang isang paa ko papalapit sa kanya, agad akong bumangon at kinuha ang pagkakataong iyon para sumampa sa balikat nya, ipinulupot ko yung binti ko sa mga braso nya at ang tyaka ko sya sinakal, nagwawala sya at idinadamba ako sa gilid ng ring, dahil sa mukhang kulungan ang ring ay matigas na bakal ang natatamaan ng likod ko, kung saan damang dama ko ang sakit. Napaluhod naman sya dahil mukhang nauubusan na sya ng hininga, gusto ko na sanang baliin ang leeg nya pero hindi pede, may rule din kasi dito, at yun ay bawal pumatay, kaya inuntog ko nalang ang ulo nya sa sahig ng dalawang beses. Nang hinidi na gumalaw ay tumayo na akong agad. Nagbanda ako sa sulok at sumalampak, hiningal ako sa mokong na iyon.

He's Nerd, I'm NotWhere stories live. Discover now