86

7.5K 459 58
                                    

lab ka ba?

FRI AT 3:37 PM


Andrea:

guyssss nasaan kayo haha

may pakain at painom daw mamaya sa college of science

punta tayooooo

Bryle:

anong oras?

Andrea:

6 or 7 PM daw

Bryle:

sama ako para libre na dinner

John:

Pass

Benjamin:

😏😏😏

Andrea:

BAKEEET?!

Benjamin:

di ko sinasadya pero may nasilip akong ka-chat kanina eh

Bryle:

tsismoso amputa

Benjamin:

DI NGA SADYA

Andrea:

si cayleigh ba yan hahaha

Benjamin:

parang may date sila mamaya

Andrea:

WHAT?! OH MY GOD

OMG JOHN NASAAN KA

SANDALEEEEE

KINIKILIG AKO BAKIT WALA KAYO RITO SA LAB WALA AKONG MAHAMPAS

Bryle:

buti na lang

Benjamin:

binata na talaga ang bata natin!

magkaka-lovelife na sa wakas

Bryle:

sana all

sana all

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


FRI AT 6:00 PM


Benjamin:

Paalis ka na ba? @John

Sabay na tayo!

Andrea:

Luh bakit ka sasama sa kanya?

Bryle:

Di ka pupunta sa pakain? Himala

Benjamin:

Sasabay lang! Susunod ako dyan! Pakisabi wag ubusin ang alak!

Pakatamad kasi ng kapatid ko lumabas. Nagpapabili ng pangkulay daw ng buhok.

Andrea:

hahaha utusan ka pala ng kapatid mo

Bryle:

oo tiklop yan dun

Benjamin:

mabait lang talaga akong kapatid 😌

John:

paalis na ako sa lab

Benjamin:

SAGLIT PAAKYAT NA AKO

John:

dalian mo

Benjamin:

OO NA ETO NA O NASA HAGDAN NA

John:

👍


Hello, (Not) Almost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon