31

10K 624 280
                                    

lab ka ba?

MON AT 12:14 PM


Benjamin:

@ John nasa canteen ka ba?

John:

Oo bakit?

Benjamin:

pabili naman ng pagkain HAHAHA

John:

Ayoko

Bryle:

HAHAHAHAHA #rejected

Benjamin:

GRABE PERO PAG SIYA NAGPAPABILI ANG LAKAS MAGPAAWA

DALI NA KASI

John:

Ano?

Benjamin:

yes!!! thank you pogi!

papicture na lang ng mga ulam tapos pabayad muna hahaha bayaran ko rito sa lab

John:

Parang may patabi ah?

Benjamin:

BABAYARAN KO NAMAN!

Andrea:

may mauupuan pa ba dyan @John?

Bryle:

dyan john HAHAHA

ang sarap sabihin bakit ganon

dyan john??? dyan john!!!

John:

Yup. Solo ko yung table

Bryle:

yown baba na nga rin ako

Benjamin:

ASAN NA YUNG PICTURE NG MGA ULAM?!

wait dyan kayo kakain?! paano pagkain ko?

SANA NAGREREPLY KAYO DI BA

Bryle:

seen

Andrea:

seen

John:

seen


MON AT 12:23 PM


Bryle:

Hindi mo nakikita ang nakikita ko B2!!!

Benjamin:

Bakit anong nangyayari?!

Bryle:

naaalala mo pa ba si Jasper? yung classmate natin sa elective noong college?

Benjamin:

ah yung mamaw na naka-uno

Bryle:

HAHAHA OO

Benjamin:

anong meron?

Bryle:

Binati niya ako. Nakakaalala pala siya ng mga normal na tao

Parang kilala niya rin si John, o baka namukhaan pero dun siya sa babaeng kasama nakatingin

Andrea:

correction, nakatitig lol

Hoy Bryle wag mong kunan yung plato ko ha! Baka pagbalik ko dyan may bawas na yan!

Benjamin:

AY ANO YAN

Magpapaparty na ba tayo dahil may crush na ang ating litol boy John?!

Bryle:

di ako yung kumuha ng isang sausage mo ah! si john yun!

nasaan ka na ba kasi? bat ang tagal mong mag-cr? tumatae ka ba?

anyway, eh kaso di ba may long-time gf yun si Jasper? Baka siya yung kasama?

Benjamin:

tumatae yang si Andrea, parang dito sa 2nd floor nag-cr eh HAHAHA

ay bat naman ganon John, bat sa may jowa ka nagkagusto?

Andrea:

hoy pucha paano nyo nalaman hahahahaha

ang sakit ng tiyan ko shet

hoy di niya yun girlfriend, na-stalk ko na yung facebook nung jasper

Benjamin:

BAKIT ANG BIBILIS NG MGA BABAENG MANGSTALK NG PROFILES?!

parang pati tita ng pinsan ng kapitbahay nila nalalaman nyo?! how???

Bryle:

ultimo naging past relationships may timeline na yang mga yan

nasa genes na yata nila yan

Andrea:

anuba fundamental skill yan ng isang scientist

scientific method, remember? second step? do background research/gather data?

Benjamin:

Ge ilusot mo pa! Hahaha! Tsismosa ka lang talaga!

Pero ibig sabihin may pag-asa ang ating pambato @ John

Nastalk mo na rin ba yung babae @ Andrea? Patingin nga!

John:

Di na kita bibilhan ng pagkain

Benjamin:

HOY GRABE NAMAN TO

Bryle:

HAHAHAHAHAHA

B2 di ka nga binilhan, nagligpit na ng kinainan niya hahaha

Andrea:

hoy wag muna kayong aalis, di pa ako tapos!

Benjamin:

BASTOS AMPUTEK BILHAN MO AKO!

JOHN POGI

JOHN MAGKAKAGIRLFRIEND NA

JOHN DYAN

John:

seen


Hello, (Not) Almost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon