Iyak pa rin ako ng iyak.
"Sorry ma..."
"Ma'am, may van na dumating"
"Sino ba yan? Patayin niyo!" Utos ni Liezl sa tauhan niya. Nagsilanasan naman agad sila para sugurin yung van na dumating.
*pow*
*boom*
*boogsh*
*crack*
*tssssk*
*dugsh*
Binaon ko yung ulo ko sa may bandang leeg ni mama.
"Ma, natatakot ako" sabi ko.
Sinilip ko si Liezl.
Sinisilip niya yung mga tauhan niya sa labas. Mukha siyang busy.
"Nak, kalagan mo ko. Chance na nating tumakas" sinunod ko ang utos ni mana at kinalagan siya.
Tumakbo kami papalabas para makatakas.
Biglang bumukas ang isang pinto.
"AAAAAAHHH!!" Sigaw ko sa gulat.
"Rence?! Anong nangyari sayo?" Tanong ko kay Rence na puno ng dugo yung damit at sugat sa mukha.
"Mahabang kwento. Dito tayo, may daan dito papalabas" sinunod namin si Rence papalabas.
Dumaan kami sa may likod.
Umikot kami papunta sa harap, dun sa van na dumating para makatakas at maligtas.
Andrea's POV
"They're getting away! Sundan niyo sila! Patayin niyo ang dalawang babaeng yan! Bilis!" Utos ko sa mga tauhan ni mommy.
Lumabas ako at hinanap si mommy.
Ma, asan ka na ba?
Narrator's / Author's POV
Habang hinahanp ni Andrea ang mama niya, nakarating na sina Athena sa bandang harap ng bahay at nagmamadali nang lumakad papasok ng van nang biglang...
"Waaaaaaaaaag!" Sigaw ng papa ni Athena at tumakbo para saluhin ang bala na pinakawalan ng isang tauhan ni Liezl papunta kay Athena.
Napansin ni Liezl ang sigaw ni Carlo kaya lumingon siya at agad na sinangga ang bala.
*BOOOOOOOOM*
Natahimik ang lahat at parang nag slow motion ang mga pangyayari.
Natumba sa sahig sina Liezl at Carlo.
Napalingon lahat sa kanila.
Napahinto si Andrea sa paghahanap sa mama niya nung nakita niya ito sa sahig.
Napahinto sa pagtakas sina Athena nung narinig nila ang malakas na tama ng baril. Sabay silang lumingon at nakita ang nakahigang katawan ng kanilang padre de pamilya.
Kanya kanya sila ng takbo papalapit sa dalawang nakahiga sa sahig.
"Mommy!" Sigaw ni Andrea at hiniga ang mama niya sa lap nito.
Natamaan ang mama niya. Sa bandang puso.
"Andrea...*cough* *cough*"
Hindi sumagot si Andrea. Tumango kang siya habang patuloy na tumutulo ang luha niya.
Sa gilid...
Nilapitan rin ng pamilya ni Athena ang kanyang ama.
Tinignan nila ito ng maigi.
Status 30 -- part 2
Comenzar desde el principio
