Part 2...
Andrea's POV
Sumenyas ako sa mga tauhan ni mommy na itigil na ang pagbugbog sa pinsan ko. Hindi ko siya nililingon dahil alam kong magiguilty lang ako pag ginawa ko yun.
Naglakad lang ako papasok at dumiretso sa kwarto kung nasaan sina mommy.
"Ma..." Tawag ko kay mama.
Lumingon siya sakin at pinalapit ako.
Tumingin muna ako sa paligid ko, wala si Athena at yung mama niya.
"Asan sila?" Tanong ko.
"Sa sulok. Pinatakpan ko muna yung mga mata at bibig, magpapakilala ka na ba?" Tanong ni mommy, umiling ako.
I think its not yet the perfect time to tell her na kasabwat din ako ng mommy ko.
Anikka's POV (ate ni Athena)
Tumawag si papa ng pulis.
"Sigurado ka ba dito, pa? Baka mas lalong ikapahamak nina Athena 'to?" Sabi ko kay papa.
Natatakot ako para sa kapatid ko at sa mama ko.
Bakit kami of all people?
Hindi ako pinansin ni papa at diniscuss na yung nangyari sa mga pulis.
"Sr, kailangan niyo pong manatili dito sa bahay niyo para masigurado naming hindi na po kayo madadamay. Babalitaan nalang po namin kayo" sabi nung officer.
"Hindi pwede! Dapat kasama ako, kailangang andun ako para mapanatag ang loob ko na okay talaga sila" object ni papa sa kanila.
"Pero sr, hindi po pwede"
"Sasama ako. That's final" stern na sabi ni papa at naglakad na papunta sa sasakyan.
"Pa, sama po ako" sabi ko habang sinusundan si papa.
"Chrys, alam mong delikado. Mapapahamak ka lang. I cant risk it"
"Hindi rin po ako mapapakali dito. Pa, my sister needs me. I have to be there for her, and para na rin kay mama. Its the least I could do"
"Chrys..." Pinutol ko si papa.
"I will stay in the car. Promise" sabi ko sabay taas ng kanang kamay as if reciting the Panatang Makabayan.
"Okay. But you know the consequence of this one. Matanda ka na Chrys, okay?" I nodded at pumasok na sa sasakyan.
Papa decided na sasakyan namin ang gagamitin para hindi masyadong halata na we brought the police.
Kasya naman kaming lahat kasi van ang sinabi ni papa na gagamitin namin.
I just hope buhay pa silang lahat pagdating namin doon.
Narrator's / Author's POV
Habang nag-uusap ang mag-ina sa kabilang sulok, nakikinig lang si Athena.
Kahit na naka blindfold siya, she's trying to make her senses work.
'If I am blind, how will I know every corner of the room? I should use my senses' sabi ni Athena sa isip niya as if pretending she is blind.
Habang nag-iimagine siya sa position ng kwarto, nakarinig siya ng pag-uusap.
"Ma, nasundan tayo"
'Sino kaya yun?' Tanong nanaman ni Athena sa sarili.
"Sino?"
"Si Angelo. Nasundan tayo ni Angelo, ma"
"Ano?! Paano nakasunod si Laurence dito?"
