Status 1

285 5 0
                                        

First day of my highschool life. New year. New stuffs. New teachers. New people to meet everyday.

First day ko ulit sa Sky Academy. Pero iba na ngayon kasi Highschool nako. First year highschool to be exact.

Naglalakad nako papunta sa pagmemeetan namin ng bestfriend kong almost 3 years ko ng di nakikita dahil lumipat ako ng school nung mag Grade 5 kami.

Di pa nga ako nakakalapit sa may AVR corridor eh dinig na dinig ko na ang boses nya kasama sina Tina, Ysa at Ela. Ang iingay talaga nila hanggang ngayon. Haha.

"Oh ayan na pala ang forever late" bungad sakin ni Lyn, ang pinakabestfriend ko since Grade 1.

"Sorry naman. Layo kaya ng bahay namin sa school na to" explain ko naman.

Tinawanan lang ako nung tatlo at nagpaalam na sina Lyn at Tina na pupunta na daw sa quadrangle pero ihahatid muna si Ysa dahil siya lang naiiba saming lima.

"Tara na Cha" aya ni Ela. Tumango lang ako at dumiretso na kami sa gym. Nakakatamad pumunta sa quadrangle eh lahat naman diretso na sa gym eh.

At kung sineswerte ka nga naman, nasa stools nalang yung class namin. 2nd to the last out of 8 sections ba naman kayo diba?

Maswerte na sina Tina at Lyn na nasa bleachers pa rin. Ba't ba kasi naging Simplicity pa ako at hindi nalang Charity kasama si Ysa o kaya Purity kasama si Tina at Lyn?

Buong umaga nag orientation sila at kami dito ni Ela panay usap lang. Di kaya sila masyadong malita dito kaya ano pang silbi ng pakikinig?

Tawa kami ng tawa ni Ela ng bigla kaming nilingon ng isa naming weird na kaklase. Panigurado new student to, di kasi siya familiar eh.

"problema nya?" tanong ni Ela sakin.

"Ewan ko. Pake ko ba?" masungit kong tugon. Ang weird nya talaga kasi, iba makatingin.

Di nalang namin siya pinansin at nag-usap ulit.

"Naalala ko lang Cha, new student ako dito nung Grade 3 tas ikaw naman at yung tatlo magkakaibigan na, pinakilala lang ako ni Ysa sa inyo. Hahaha" sabi ni Ela. Nagtothrowback ang loka.

"Oo nga eh tas ndi talaga tayo magkaibigan nun. Ngayon lang talaga dahil sumasama sama ka na rin sa kanila since nawala ako. Parang ikaw yung pumalit sakin kumbaga. Hahaha" sabi ko naman. Totoo kasi yun, hindi nga rin kami masyadong close hanggang ngayon pero kami yung nagsasama dahil classmates kami.

Biglang naputol pag-uusap namin ng biglang nagsalita si Princ-EPAL. Hahaha.

"Since its already 12nn, we will have our lunch break and at exactly 1pm you will already proceed to your classrooms for the class orientation okay?" salita nung Principal naming matanda pero Ms. pa rin. Hahaha.

At since lunch na nga, nagsitayuan na lahat at lumayas sa gym para kumain. Nakakagutom din yun noh lalo na't ang boring.

Dahil barkada kaming lima, sabay kaming kumain malamang. Dun lang naman kami sa Kiosk kumain since alam naming crowded na sa canteen.

Tahimik lang kumakain ang mga gutom. Hahaha. Nagdadala kasi kami ng lunch dahil sa situation ng canteen namin. Mainit na, mahaba pa pila, siksikan pa at minsan nauubusan ka pa ng pagkain.

Sa totoo niyan dapat sa St. Roque pa rin ako mag-aaral kaso sabi ni mama na mas maganda daw sa Sky Academy at agree naman ako dun. Eh kasi dati, napilitan lang akong lumipat dahil lumipat din kami ng residency sa malayo sa Sky.

Medyo strict rin dito sa Sky kasi dapat naka English kayo the whole time from morning to afternoon. Pero dahil first day, pwede pang hindi kaso bukas simula na ng English Drive. Na orient naman na lahat ng freshmen at new students bago magstart ang classes kaya wala ng kaso sa students yung rule na yun.

STATUS: Its ComplicatedWhere stories live. Discover now