Status 30 -- part 2

Start from the beginning
                                        

"Bakit? Ganun na ba talaga kami kathreat sa inyo at kailangan pa naming lumayo para mamuhay kayo ng normal ulit? Ganyan ba kayo katakot? Wala ka naman pala eh, DUWAG" she said, spat in my face.

"Anong sabi mo?!" Sigaw ko at sasabunutan na sana ulit siya pero napahinto dahil sa sinabi niya.

"Duwag ka nga talaga. Kung hindi ka duwag, hindi mo ko bubugbugin na wala akong kalaban laban. Pakawalan mo ako dito at hindi kita titigilan" sabi niya.

Tumango ako sa mga tauhan ni mommy at kinalag na nila lahat ng nakatali sa kanya.

"Ano?! Duwag pa rin ba ako?" Tanong ko sabay takbo papalapitsa kanya.

Nagsabunutan kaming dalawa.

Sampal dito, sampal doon. Suntok dito, suntok doon.

Ginagawa ko lahat ng gusto kong gawin sa kanya.

Galit na galit na galit ako.

Nasa ibabaw ko siya ngayon habang nagsasabunutan pa rin kami.

"Hindi ka lang pala duwag, tanga ka rin. Akala ko pa naman matalino ka. Mali pala ako" sabi niya.

Binagok niya yung ulo ko sa sahig at tumayo tas tumakbo papalabas.

UGH!!! Naisahan niya ako!!!

Athena's POV

Natatawa akong inaalala yung pinaggagawa ni Andrea kanina.

Sobrang tanga.

Alam mo yun?

Tumatakbo ako sa corridor ng bahay at hinahanap ang kwartong posibleng pinagdalhan nung Liezl kay mama.

Masyado na atang action ang buhay ko.

Marami na akong masusulat next school year tungkol sa summer ko, kung makakaabot pa ko.

*slap* *slap* *slap*

Nakarinig ako ng tunog ng malalakas na sampal mula sa kabilang kwarto.

Baka andun sina mama.

Lumapit ako doon at dahan dahang binubuksan yung doorknob.

Nagulat ako nang makita ang mga dugo sa mukha ni mama.

Sumuka siya ng dugo.

Hindi ko kayang nakikitaang mama kong ganun.

Nilapitan ko siya at niyakap.

Wala akong pakiela, kung ikamatay ko pa to. Mas mahalaga si mama ngayon.

"Sorry ma. Kung hindi dahil sakin, hindi mangyayari to sayo. Im so sorry" sabi ko habang naiyak at yakap pa rin si mama.

"Wala kang kasalanan, nak. Biktima lang tayong dalawa dito, tahan na" iyak pa rin ako ng iyak habang yakap pa rin si mama.

"Kung kaya ko lang sana balikan ang mga nangyari, iiwasan ko lahat ng nangyari para hindi na ulit tayo humantong sa ganto. Im so sorry ma. Wala akong kwentang anak" paghihingi ko ng tawad kay mama habang naiyak pa rin.

"Ba't ba ang dadrama niyo? Tapusin na natin to! Hindi na ako nag-eenjoy" sabi nung Liezl at pinaputok yun baril niya sa bintana.

Nagflinch kami ni mama sa gulat at napayakap ako lalo sa kanya.

Nagsimula nanamang tumulo yung mga luha ko.

Lord, kung katapusan na namin ngayon, pakisabi po kina papa, ate at Andrew na mahal ko sila kahit hindi ko sinasabi. Salamat po sa temporary life na pinahiram niyo sakin. Guide my father Lord at sana, ako nalang kuninmo. Wag na si mama

STATUS: Its ComplicatedWhere stories live. Discover now