Laurence? Angelo? Laurence Angelo Ramos ba ang tinutukoy nila?
"Hindi ko rin po alam"
"Drea, paalisin mo ang pinsan mo dito. Madadamay siya sa gulo"
Napakunot ang noo ni Athena, as if wondering kung sino talaga ang nag-uusap sa kabila.
Nagsimula siyang umusog pakanan para makalapit siya sa corner ng wall.
May naramdaman kasi siyang corner sa kanan niya kaya umusog siya dun, nagbabakasakaling tama ang hinala niya.
"Ma, si Athena"
Napahinto siya sa pagkilos at nagpretend na tulog ulit pero huli na ang lahat dahil tinanggal na ni Liezl ang blindfold ni Athena.
"Boo" sabi niya at nagsmirk dahil agad na napapikit si Athena.
"Masyado atang takot yang alaga mo, mommy"
Napadilat bigla si Athena dahil sa narinig niyang boses.
"A-Andrea?" Tanong niya.
"Bakit? Were you expecting somebody else?" Sabi ni Andrea at hinablot yung buhok ni Athena.
"A-a-aray! A-a-aghhh!" Sigaw ni Athena sa sakit.
Inawat naman agad ni Liezl ang dalawang bata at pinakalma si Andrea.
"Chill muna nak. Hindi pa ito ang tamang oras" sabi niya sa anak at hinaplos ang balikat nito.
Andrea's POV
I breathed heavily. Control muna, Andrea. Control.
"Ano bang gagawin natin sa kanya ma? Naiinip nako" sabi ko at nagpapadyak.
Ayoko talagang hindi ko nakukuha ang gusto ko. What Andrea wants, Andrea gets.
"Oo na, oo na. You can do whatever you want to do with her dear. Wag mo lang papatayin. Okay?" Ngumiti ako at tumango kay mama.
"Iwan ko muna kayo. Careful ha? Dadalhin ko muna ang mama niya sa kabila" sabi ni mommy at kinuha paalis yung mama ni Athena.
"WAG! WAG NIYONG SASAKTAN ANG MAMA KO! AKO NALANG! Maawa kayo... Ako... Ako nalang... *sobs*" sabi niya habang naiyak.
"Awe. Kawawa ka naman pala talaga. Pero, mas kawawa kami" sabi ko sabay sampal.
"Thats for hurting my mom. *slap* that's for stealing Eros away *slap* that's for brainwashing my friends *slap* and that. That's for being Athena Chandria Lopez that everyone loves so much" sabi ko habang sinasampal sampal yung pis gi niya.
I stopped nung medyo nangalay nako.
"Alam mo. Okay naman sana eh. Payag naman sana akong maging magkaibigan tayo. Kaso lang, masyado ka yatang eager na inuna mong kunin ang mga kaibigan ko. Hindi ko naman sana gagawin to eh kaso, ikaw kasi. Pinipilit mo ata akong gawin to, gusto mo talaga sigurong maging damsel in distress para isesave ka ni Eros. Well, mali ka! You are not a damsel in distress! You are a thief! YOU GET THINGS WHICH ARE NOT YOURS AT SA LAHAT NG TAONG PWEDE MONG KUNAN, AKO PA TALAGA. LAHAT NG MERON AKO INAGAW MO NA, SINO PAANG KASUNOD? Mama ko? Too bad, ayaw nya rin sayo kasi malandi ka! Malandi ka! Malandi ka! TALANDE KAAAAA!" Sigaw ko at sinabunutan siya.
"Ano ba! Andrea, ano ba! Tigilan mo ko!" Sigaw niya habang sinasabunutan ko siya.
Tumigil ako at tinitigan siya sa mata.
"Titigilan lang kita kung magpapakalayu layo kayo at ang pamilya mo. Kung hahayaan niyo kaming bumalik sa dati. Baka sakali, titigilan na namin kayo. BAKA SAKALI" sabi ko at one,phasize ang 'baka sakali'
Status 30 -- part 2
Start from the beginning
