Pumungay ang aking mga mata. Hindi ko inakala na maging siya ay ganuon din. Na nagdodoubt din sa sarili kung deserve namin ang isa't isa. He's too good to be true for me, at nalaman kong ganuon din pala ang tingin niya sa akin.

"But, gagawin ko ang lahat to be deserving" sabi niya at marahang hinaplos ang aking pisngi.

"You'll always have me Frank" madiing sabi ko. May kung anong bumara sa aking lalamunan.

Kita ko ang panginginig ng luha sa kanyang mga mata. "I will protect you, our son...I will protect this family kahit anong mangyari" paninigurado din niya sa akin kaya naman kaagad akong yumakap ng mahigpit sa kanya.

Binabawi ko na ang sinabi ko nuon na papakasal ako kay Frank kung may susunod ngang buhay. Ngayon, desidido na ako. We will fight for our love this lifetime.

Hindi man sinasabi ni Frank sa akin ang totoong nangyayari sa companya ay ramdam na ramdam ko naman ang pressure sa kanya ng mga sumunod pang araw.

"Hihiwalayan ko na yang si Sergio, wala ng time sa akin" nakabusangot na sabi ni Sandra ng magkita kami.

Tipid ko siyang nginitian. "Intindihin muna natin, kailangan nilang magtrabaho" sabi ko sa kanya pero mas lalo lang humaba ang kanyang nguso.

Nang makabawi ay humalukipkip siya sa aking harapan. "Ikaw, baka napapabayaan ka na ni Frank" puna niya sa akin.

Marahan akong umiling. "Hindi pa din siya nawawalan ng oras sa akin, sa amin ni Baby" sagot ko sa kanya pero mas lalo akong natawa ng maningkit ang kanyang mga mata.

"Hindi ka magaling magsinungaling" banta niya sa akin kaya naman para itago ang pagiging guilty ay inirapan ko na lang siya.

"Naiintindihan ko naman, ang kailangan ni Frank ngayon ay ang supporta ko" pangaral ko sa kanya kaya naman napabuntong hininga na lang siya.

"Alam mo, Stella. Masyado kang mabait, nakakatakot. Gusto mong kunin ni Lord ng maaga?" pananakot niya sa akin kaya naman pabiro ko siyang hinampas sa braso.

Matapos iyon ay natahimik nanaman siya, hindi nagbago at mahaba pa din ang kanyang nguso.

"Miss ko na si Sergio, miss ko na siyang utusan" pagmamaktol niya. Ganyan lang siyang magsalita pero alam kong mahal niya naman talaga si Sergio.

May pasabi sabi pa siya nuon na gagamitin lang niya ito at igoghost din. Pero ang totoo ay hindi naman talaga nawala ang pagmamahal niya para dito, siguro nga ay nagkagusto siya kay Cedrick, pero iba pa din talaga ang lalim ng pagmamahal niya para kay Sergio.

Lumipat ako ng upuan para tabihan siya. Dahil sa aking ginawa ay kaagad siyang yumakap sa akin na parang bata.

"Paano bang support? Maghahanda na ba ako ng pompoms at cheerdance?" malungkot na tanong niya pero natawa ako. Ang isip talaga ng babaeng ito!

"Bakit hindi? Para naman mawala ang stress ni Sergio" natatawang pangaasar ko sa kanya.

Mas lalo niya akong nginusuan. "Ano siya, siniswerte? Sus..." inis na sabi niya pa.

Buong araw kaming magkasama ni Sandra. Naghiwalay lang kami ng makareceive siya ng message mula kay Sergio na nasa condo niya ito. Dahil sa nalaman ay kaagad din akong umuwi sa pagaakalang nanduon na din si Frank, pero nabigo ako.

"Hay naku, magoovertime pa ata!?" inis na sagot ni Sandra sa akin mula sa kabilang linya.

Nang malaman kong wala pa si Frank sa condo namin ay kaagad kong tinawagan si Sandra para magtanong kay Sergio.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin