Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba habang papalapit sa kinauupuan niya. Hindi naman ako pasmado pero parang namawis rin ang magkabilang palad ko. Siguro dahil ito lang uli ang una naming pag-uusap ng personal pagkatapos ng nangyari? Siguro dahil sa ginawa niya sa akin noong kaarawan niya?

I decided to disregard all of those negative thoughts and continued walking straight. Tumingala siya nang marahil maramdaman ang aking presensiya.

"Hi."

"Sorry ha na-late ako ang traffic kasi," dahilan ko kahit hindi naman, natagalan lang talaga ako sa paglilibot sa lower floor.

Napangiti siya. "Ok lang.. hindi naman ganu'n katagal."

Napangiti rin ako at mahinhing hinila ang upuan.

"I missed you," sabi niya.

Pumirmi ako sa upuan at pinakiramdaman ang sarili, kaso wala naman akong naramdaman 'di tulad ng dati. Noon, para akong bulateng binudburan ng asin pag nakakarinig ng mga ganoong bagay sa kaniya; ngayon, para lang akong nakikipag-usap sa isang kaibigan, kakilala. Gusto ko pa rin naman siya. Siguro. Pag tinanong niya ako ngayon na maging kami mayroon pa ring parte sa utak ko ang sasagot ng oo.

"I missed you, too."

We talked about stuff while eating medium-rare steak over candle light dinner. The usual afternoon practice with his teammates, the upcoming exams, the nagging professors. I totally forgot the doubt I felt upon coming here and find myself smiling at his stories.

"Egarb sugat ni Calvin nung nakaraang practice, baby!"

"Talaga?"

"Yeah," tango niyang maangas, "We even joke about his bruise. Lalabas kamo ang pari sa sugat niya kasi sobrang laki."

Napakurap ako. Naalala ko bigla iyong biro rin sa akin ni Gino nang tumakas ako noon kung saan nasugatan ako ng bubog. Napaisip tuloy ako kung anong pinagkakaabalahan ng buwisit na iyon ngayon sa mansyon.

Galit pa kaya siya?

"Rhian." boses ng kaharap ang nagpagising sa akin sa realidad.

"H-hm?"

"You spaced out. You ok?"

Napatuwid ako ng upo. The jerk just infiltrated my thoughts.

"Uh, o-oo. Sorry 'no uli nangyari kay Calv?"

Tumitig na lang siya. He looked handsome with his white polo and brushed-up hair plus those chinky-eyes. The colors of our clothes also made us look like real couples going on a date. Bumaling ang mga singkit niyang mata sa kapaligiran ng kainan.

"This place hasn't changed a bit, right? Ganu'n pa rin gaya ng unang punta natin."

Bumaling rin ako.The romantic wall lights, the well-lit chandelier, the fancy music. Napangiti rin ako dahil totoo ngang wala ni isang pinagbago rito sa parati naming pinagkakainan noon.

Sa ganitong mamahaling kainan rin kaya niya dinadala girlfriend niya?

"Rhian." I spaced out, again.

"Hm –" taranta ko pero una ko nang naramdamang dumampi ang labi niya, at sa sobrang okupado ng isip ko ni hindi ko namalayang kumiling na pala siya sa lamesa.

Hindi ako nakapagsalita maski lumayo na ang labi niya sa akin.

"Sorry but you just look so pretty today. I had this sudden urge to kiss you 'coz it's been a while. I missed you so much."

Napakurap na lamang ako. Mabuti na lang at medyo pribado ang puwesto ng nakuha naming lamesa kundi kanina pa kami nakaagaw ng atensyon. Napansin ni Renzo ang pagiging tahimik ko at nangingiti niyang sinakop uli ang kaliwang kamay ko.

"I love you," sabi niya at naniil ng mahinang pisil. "I'm really sorry about last time."

"I know."

The following days were just normal. Wala akong ginawa kundi abalahin ang sarili sa pagbabasa ng mga libro para sa darating na quarter exam. Hindi dahil sa gusto ko talagang mag-aral. Wala lang talaga akong magawa rito sa mansyon. I'm still grounded at it's really boring the freak out of me.

Isa pa 'yan si Gino na nagsusungit sa akin mula pa noong Sabado. Madalas iniinis niya ako sa harap ng mesa o kung saan niya ako maabutan, pero nitong mga nakaraang araw ang suplado niya sa akin. Naalala ko na naman ang ginawa niyang pag-snob sa akin kanina!

"Good morning Gi –" bati ko nga sana sa kaniya nang sabay kaming lumabas sa cuarto, kaso dumiretso lang siya paibaba ng grandstaircase.

Hindi ko naman talaga dapat pag-aaksayahan ng oras ang buwisit na iyon at ang pagsusungit niya sa akin, kaso nananaig ang takot ko na baka iparating niya sa tatay ko ang bina-blackmail niya nung nakaraan. Malala pa baka gawin niya sa mga oras na maisipan niya.. sa mga oras na hindi ko napaghandaan!

Bumangon ako ng higaan. Lumabas ako ng cuarto at hinayaan ko ang sariling mga paa na dalhin ako sa tapat ng cuarto ni Gino. Tumambol ang puso ko habang nakatitig sa kaniyang pinto.

I shouldn't be doing this, but I need to salvage myself. Gosh!

Bumukas ang pintuan niya nang katukin ko; at nang masilayan ako mabilis na kumunot ang kaniyang noo.

"Hi, gutom ka ba?" tanong ko, hindi alam kung tunog nang-iinsulto, pero sana naman hindi.

He stared at me for a good couple of seconds. The stud earring on his left ear really made him look like some rebel bad boy.

"G-Gino!" tawag ko nang makitang isasara niya na uli ang pinto at madali kong pinigilan iyon.

The door swung open again. Bumungad na naman sa akin ang mukha niya kaso ngayon parang may aliw na naglalaro sa mga mala-uling niyang mata. I even saw a hint of smile but it quickly disappear before I even began to notice.

"Bakit na naman ba, brat? Wala ka sigurong magawa."

"I'm going to cook my lunch na kasi. Want me to cook for you?"

"Wala sa itsura mong marunong magluto." sabi niyang walang halong biro sa tono.

I faked a laugh and a part of me got insulted. Pasalamat ka talagang damuho ka kailangan kong gawin ito!

"I can, 'no! Well, basics nga lang."

"Prito?" usisa ni Gino.

Tumango ako ngunit 'di sigurado.

The last time I did cooking almost burned our whole kitchen. Naalala ko pa ang taranta ng mga katulong nang mapansin nilang mausok sa kusina at nakitang lumiliyab na 'yung niluluto ko. Papa got even mad at me for cooking dish unsupervised. Nag-alibi na lang ako na prito lang naman kasi ang niluto ko para bantayan pa ng mga katulong.

Hindi na naman yata kailangan pang malaman ni Gino iyon, 'di ba? It was long ago and it was shameful.

"Paano kung hindi ako masarapan?" he warned, but I chose to disregard it and grabbed his arm.

"Gosh, Gino. Hindi mo ba alam na luto ko ang pinakamasarap na lutong matitikman mo? I bet hihiling ka pa ng kasunod," pagmamayabang ko, tangay siya sa pasilyo; at sa kalagitnaan ng paglalakad naming iyon, narinig ko ang mahina niyang halakhak sa likod.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now