My Moon #41

63 6 0
                                    

Kapag Nawala Ang Liwanag ng Buwan
Dedicated to Riiihiiina

Habang pinagmamasdan ko ang buwan ngayon sa kalangitan.
Biglang sumagi sa isip ang iyong pangalan.
"Kamusta na kaya siya?" Bulong ko sa aking sarili.
"Siguro'y tanaw niya rin ang buwan" na siyang akin namang kinangiti.

Naalala ko na naman ang nakakahawa niyang tawa.
Pati ang kanyang ngiti na sa akin ay nagpapasaya.
Naalala ko na naman ang usapan na mahaba.
Pati ang walang-katapusang kamustahan.

Para sa akin siya ang aking buwan.
Minsan ko man lang ito matanaw.
Iba naman ang saya na dulot niya.
Na kailan man ay hindi magawang tumbasan ng iba.

Nakakatawang pakinggan na mula sa aking bibig pa nanggaling ang katagang---
"Mahal kita, kahit malayo ka" habang nakatitig sa buwan.
Hindi ko mapigilang isigaw ang tunay na nararamdaman.
Kahit alam kong hindi mo naman ito mapapakinggan.

Sa bawat gabi, iba't-iba ang liwanag na naipapakita.
Liwanag na nakakasilaw,
Ngunit minsan ito ay kaunti lamang.
Nakakatakot nga lang na baka dumating ang gabi na---

Mawala na ang liwanag,
Liwanag na nagdulot sa akin ng kakaibang saya.
Liwanag na nagbigay pag-asa sa akin na magpatuloy pa.
Liwanag na gabi-gabi kong inaabangan.

Liwanag na tanging sa pinakamamahal ko lamang---
Matatanggap, makikita at mararanasan.
Kung talagang mawala nga ito ng tuluyan.
Huwag sanang kalimutan na---

Ako ang iyong minsan na pinag-alayan ng liwanag mo aking sinta.
Sana'y bumalik ang iyong liwanag,
Kahit paunti-unti hangang sa maging buo ulit,
Sana marinig mo ang aking munting hiling.

Mahal kong buwan...

✏Writer_Lhey

My Moon (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now