"Ayos na"
Habang nakatingin sa maliwanag na buwan,
Ang mga alaala natin ay nagsisibalikan.
Ako ay lubos na nasasaktan,
Sa iyong paglisan, na wala man lang paalam.•
Mga gabing kasama ka sa ilalim ng buwan,
Nakakulong sa bisig mo, habang kinakantahan.
Nagkukwentuhan, Nag-aasaran at nagbabangayan.
Nasaan na ang dating magkasintahan?•
Mali! matagal na palang natapos ang pinagsamahan.
Pagmamahalang akala ko pang walang hangan,
Ngunit, siguro nga ay tama ka!
Di lahat ng bagay, nagtatagal...•
Ating pangako sa isa't isa ay napako na.
Sa iba mo na naman naisipang ipangako.
Ayos lang! Hindi ako magrereklamo.
Siguro nga ay iba na ang tinitibok ng puso.•
Ayos lang, Ayos na ako!
Hindi ko itatanging nandyan parin ang kirot,
Ngunit dati kong irog, maayos na ako.
Ayos na ayos na ako!•
Nagagawa ko nang tumawa ng 'di pilit,
Nagagawa ko nang gumala, kasi walang higpit,
Nagagawa ko nang gawin ang mga bagay na dating nakagawian,
Nagagawa ko nang maging masaya at ngumiti.•
Salamat! Dahil ako'y manahal mo dati,
Salamat! Dahil naranasan kong masaktan,
Pero ayos lang! Natuto naman ako,
At ayos na ako ngayon...✍️writer_lhey
YOU ARE READING
My Moon (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)
PoetryEvery night, I look at you Seeking your light outside my window Hoping that you'll show up once more While I'll write a poem as you glow. Poems live in this book Ones of unsaid emotions When I'm with you. When I'm alone. Love that won't end soon No...