Napahiga ako sa niyebeng lupa dahil sa pagod. Nasa tabi ko din si Four, mabuting hindi na ito masyadong maputla.

"Blaire? Leader? Ayos lang ba kayo?" nag-alalang tanong ni Scarllet at tumango naman ako. Nasa gilid kami ngayon ng pader dahil ito lang ang tanging hindi nabitak.

"Ang bato?" tanong naman ni Sophie.

Itinaas ko ang aking kamay at agad dumikit ang hawak kong bato sa pader. Nakahinga kami ng maluwag nang unti-unti ng bumukas ito. Kahit hindi pa ito lubusang nabuksan ay agad kami nilang inalalayang tumayo at walang pag-aatubiling pumasok.

Bumungad naman sa amin ang masukal na gubat ngunit nababalutan parin ito ng mga niyebe at makakapal na hamog. Humiwalay naman ako sa kanilang Aubrey at Lucy sa kanilang pag-alalay sa akin. Nilibot ko ang paningin at masasabi kong napakadelikado ng lugar na ito.

"Let's go and be careful" seryosong saad ni Four. Mabuting nagbalik narin ang dati niyang lakas, alam ko yun dahil nararamdaman ko siya.

Tumango naman kami at nagsimula ng naglakad. Para kaming naglalakad sa hangin dahil kahit anong tunog ng aming mga yapak ay di mo maririnig. Di na ako nagabalang magpalit ng damit dahil wala ng oras, kaya mas lalong lumamig ang aking katawan.

Kanina pa kaming hindi kumakain at pahinga kaya nakaramdam narin ako ng gutom at sobrang pagod. Hindi kami maaring tumigil dahil hinahabol namin ang oras. Pagnagtagal kami sa mga entrance na ito ay maaring mas manganganib ang aming buhay.

"Hey guys, alam kong gutom narin kayo at pagod kaya tanggapin niyo ito ay kainin" mahinang saad ni Scarllet at isa isa niya kaming binigyan ng isang maliit na bagay.

Tiningnan ko kung ano ito. Isa itong makulay na kendi. Dahan-dahan ko itong sinubo at nang nasa dila ko na ito ay parang binuhay ang aking dugo. Agad ko itong nginuya at natikman ko kung gaano ito ka tamis. Nang natunaw ko ito ng tuluyan ay namangha ako dahil hindi na ako nakaramdam ng gutom. Wala na din ang pagod ng naramdaman ko.

"Scar anong klaseng candy ang binigay mo sa amin?" manghang usal ni Aubrey. Ngumiti naman si Scarllet.

"Tinuro iyan ng Ina ko nung bata pa ako. Sabi niya isa daw ito sa abilidad kong makagawa ng kendi na may kapangyarihang makapag tanggal ng pagod at gutom kaya sinanay niya ako" taas noong salaysay ni Scarllet at napatango-tango naman kami.

"Cool" usal ni Miles at halos naman kasing pula ng kamatis ang mga pisngi ni Scarllet. Napailing-iling na lamang ako dahil sa inakto niya.

Agad kaming napahinto nang itinaas ni Four ang kanyang kamay, hudyat iyun para huminto kami. Agad akong naglibot ng paningin at may naramdaman naman akong mga presensya. Marahas akong napalingon sa likod nang may narinig akong kaluskos. Nanliit ang mga mata ko habang nakatingin sa unahan. May isang nilalang na nakatayo sa likod ng malaking katawan ng puno. Ang laki ng nilalang na ito kaya hindi ito lubusang natatabunan. Napaatras ako nang umalis ito sa pinagtataguan. Mga puting lobo.

"Mga lobo" seryosong usal ko.

"Takbo!" sigaw ko nang nagsimula itong tumakbo sa gawi namin. Lumabas na din ang ibang lobo sa mga pinagtataguan nila.

Binilisan ko ang pagtakbo at agad kong pinalabas ang aking pana na gawa sa yelo. Ang dami nila, kung lalabanan namin ito ay paniguradong matatagalan lang kami. Naglabas naman ng mga sandata ang iba kong kasamahan.

Agad akong nagtambling nang dakmain na sana ako ng lobong nasa aking likod. Mabilis akong tumakbo muli at buwelo ng talon sa katawan ng puno. Mabilis akong lumingon sa likod habang nasa ere at agad kong pinakawalan ang palaso. Tumama iyun sa mata ng lobo kasabay ng paglanding ko sa lupa at tumakbo muli. Narinig ko pa ang pagbagsak nito sa lupa.

Nakita kong agad nagpadulas si Four nang may tumalon na lobo sa dinadaanan niya. Habang nagpapadulas siya ay agad niyang hiniwa ang tiyan nito gamit ang nagliliyab niyang espada at bumagsak naman ito sa lupa. Tumakbo naman siya kaagad nang nakabawi siya sa pagkakadulas.

Nakita kong pinatumbahan ni Scarllet ng puno ang lobong haharang sana sa dadaanan niya. Agad naman siyang tumalon doon at nagpatuloy sa pagtakbo. Agad ko namang binato ng Ice shard ang lobong tumatakbo sa aking gilid. Tumalsik naman ito sa malaking at agad namatay.

Nakita kong nag summon si Four ng kanyang Phoenix at agad siyang sumakay dito para lumipad. Naglabas din siya ng kanyang nagliliyab na pana at pinagpana ang mga lobong nasa baba niya. Samantalang ang kanyang Phoenix ay nagbubuga din ng mga bolang apoy.

Nagsummon din si Parker ng kanyang guardian na Hippogriff at agad din siyang sumakay dito. Lahat ng nasa baba niya ay inaatake sa kanyang guardian, sa pamamagitan ng pagsipa at kalmot. Tinuluyan din niya ito ng kanyang espada.

Nilabas din Acel ang kanyang guardian na Griffin at sumakay siya dito habang nagkokontrol ng hangin at ibinalibag ang mga lobong nasa baba niya.

Bakit walang pagkaubos-ubos ang mga lobong ito?

Nagsummon din si Kade ng kanyang Peryton at sumakay siya dito. Mas piniling tumakbo ang kanyang guardian kaysa lumipad. Pinag suwag nito ang mga humaharang sa kanilang mga lobo at pagkatapos ay pinagbato ni Kade iyun ng poison.

Isinumon din ni Scarllet ang guardian niyang Vulpid para maging katulong niyang patayin ang mga humaharang sa kanya. Di na din iba ang kanyang guardian sa mga lobo ngunit mas makapangyarihan nga lamang ito sa mga kabalan.

Nilabas din ni Miles ang guardian niyang Nanaue at mabangis nitong pinagkagat ang mga humaharang sa kanya.

Sa tagal ng aming pagtakbo ay di parin namin narating ang pader.

Nilabas din ni Lucy ang Salamander niya at pinag saksak nito ang mga lobo gamit ang buntot nito. Pinagkagat din at pinag kalmot, samantalang si Lucy naman ay pinagsaksak ng kanyang espada ang mga humaharang sa kanya.

Samantalang ako ay hindi ko mailabas ang aking guardian dahil sa sobrang laki nito at napaka agrabyado pag nagkakataon. Kaya ang ginagawa ko ay nagpatuloy lang sa pagpana habang tumatakbo.

Nakita kong nakalmutan si Alexis sa braso ng lobo kaya pinalabas niya ang kanyang guardian na Caladrius para gamutin siya.

Nilabas din ni Sophie ang kanyang Enfield at pinagkagat ang mga lobo. Kahit hindi ito kalakihan ay natatalo din naman ang mga kalaban dahil sa kilos nitong napaka liksi.

Pinalabas din ni Aubrey ang kanyang Halcyon at sumakay siya dito. Gamit ang buntot nitong umiilaw ay nasisilawan ang mga lobo kaya hindi sila nito nakikita. Ginamit ni Aubrey ang pagkakataon na iyun para patamaan ng mga kidlat ang mga kalaban.

Agad akong tumalon sa ere sabay pana ng lobo sa daan ko at sumalpak naman ito sa lupa. Lumapag ako sa lupa at agad akong umilag nang may palasong dumaan sa aking gilid. Tamama iyun sa lobo na nasa aking likuran. Kung hindi ako nakailag ay maaaring natatamaan na ako. Napatingin ako sa kalangitan at may naaninag akong mga palasong pabagsak sa aming gawi.

"Avoid the arrows!" sigaw ni Four. Agad akong gumawa ng Ice shield kasabay ng pagbagsak ng mga palaso kaya ito lang ang natatamaan.

Dinig ko ang mga hiyaw at ungol ng mga lobong natatamaan. Wala parin akong tigil sa pagtakbo habang nakataas ang shield ko. Nakita kong may pader na nakabukas sa unahan kaya mas binilisan kopa ang pagtakbo. Unang nakapasok ang mga kaibigan ko samantalang ako, tumatakbo parin.

Ngunit bakit nakabukas na ang pangatlong pader?

Laking ginhawa ko nang narating ko nga ito at tumambad naman sa akin ang puting paligid dahil sa mga niyebe. Agad akong napalingon sa likod nang sumara ang pader. Nangunot ang noo ko at lumingon sa harapan. Nakita kong humihingal din sila dahil sa pagod. Naglaho narin ang mga guardian nila. Agad akong napatingin sa unahan nang may naramdaman ako mga malalakas na presensya. May naaninag naman kaming mga taong naka kapa.

Ice Elves?

@Missloorh

Hope you enjoy! Lovelots!

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Where stories live. Discover now