"Saan ka magwatch ng movie mo, sa garden o sa room?" tanong niya.

"Room po, Yaya"

I've been in our house for 2 days now. Palagi lang akong nasa room, at kung hindi naman ay nasa garden. Nagbabasa ng mga princess book ko or nagnunuod ng movies.

"Senyorita Gertie, nasa labas ang Tita Elaine mo" sabi ni Yaya. Sandali siyang kumatok, dahil sa aking narinig ay mabilis akong umayos ng higa para magkunwaring natutulog.

Mas mariin akong napapikit ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng aking kwarto.

"Oh, kanina ay nanunuod pa ito ah" gulat na sabi ni Yaya Esme.

I'm scared. I don't know how to pretend that I'm sleeping. Baka mahuli nila akong nag papanggap.

"May sakit po ba, Yaya Esme?" marahang tanong ni Tita Elaine.

Naramdaman ko ang paglunod ng kabilang gilid ng aking kama, maya maya ay naramdaman ko na din ang paghaplos ng kanyang kamay sa aking ulo.

"Wala naman po, Ma'm. Medyo matamlay lang po, umiyak pa nga po sa akin iyan..." malungkot na kwento ni Yaya sa kanya. Si Yaya talaga, so chismosa. Sabi niya bad ang chismosa.

Maingat na humilig si Tita Elaine palapit sa akin then naramdaman ko ang pag kiss niya sa aking ulo.

"Nagtataka nga ako at ilang araw ng hindi nagpupunta duon" si Tita.

"Eh Ma'm bad daw po siya kaya walang may gusto sa kanya. Baka po may naka away na bata...o baka napagalitan po iyan" si Yaya pa din.

Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod nilang pinagusapan dahil ang pagkukunwari kong natutulog ako ay nauwi sa totohanan.

"Senyorita Gertie..." paggising ni Yaya sa akin ng bandang hapon.

Dahan dahan akong nagmulat ng aking mga mata. Nagulat ako ng makita kong itinapat niya sa aking mukha si Princess.

"Princess!" tawag ko sa kanya.

Mabilis ko siyang kinuha kay Yaya Esme at niyakap. "Buti nag visit ka sa akin..." nakangiti pa ding sabi ko.

"Dito daw muna si Princess sayo, para daw may kalaro ka" sabi pa ni Yaya.

Dahil duon ay kaagad ko siyang inilabas sa may garden. Naglatag si Yaya ng picnic cloth para duon kaming umupo na dalawa ni Princess.

"Na miss mo ba ako? Ako miss na miss na kita" pagkausap ko sa kanya habang marahan kong sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang barbie comb ko.

Kahit sa pagtulog ay katabi ko ito. Nagpabili pa talaga si Yaya ng diapers para hindi siya umihi sa aking kama. Kinaumagahan ay masigla pa din ako dahil sa kanya.

"Bawal pa po maligo ang tuta?" tanong ko sa kanya. Gusto ko sanang isama si Princess sa bath tub at maglaro ulit kami ng madaming bubbles.

"Baby pa iyan" sagot ni Yaya.

Pagkatapos kumain ng almusal ay bumalik ako sa aking kwarto para sana maglaro ulit kami na dalawa, pero bumagsak ang aking magkabilang balikat ng sabihin ni Yaya sa akin na susunduin na si Princess.

"Sino po ang kukuha?"

"Si Sir Eroz, nasa nay garden" sagot ni Yaya sa akin kaya naman kaagad na nanlaki ang aking mga mata.

"Oh, ihatid mo na siya" utos niya sa akin.

"Ikaw na lang po, Yaya" sabi ko at mabilis na ibinigay si Princess sa kanya.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now