LSOAWA Special Chapters: [2] Silence Means Wrong

487 10 1
                                    

Kanina pa ako kinakabahan dahil kanina pa tahimik sa tabi si Kaye. Hindi niya ako pinapansin simula kaninang paggising namin. Baka naman masyado siyang na-trauma dahil sa nangyaring insidente kahapon.

Si Stace ay naka burol na ngayon at si Rylan ay nakakulong na. Nilapitan ko na si Kaye na nanonood ng tv pero halata namang wala ang isip niya dito.

"Kaye? May problema ba?" Mahinahong tanong ko sa kaniya. Tumingin lang siya sa akin pero bumalik lang rin siya sa panonood sa tv.

"Kaye?" Tawag ko ulit dito. Bigla naman itong yumuko at nagulat nalang ako nang bigla itong humikbi.

"Kaye? Babe? Anong nangyayari sa iyo? Sumagot ka naman." Sabi ko habang pinapatahan ito.

"Gusto ko nung niluluto niya." Sabi ni Kaye at tinuro pa 'yung palabas sa tv.

"'Yun lang pala eh, 'di mo na kailangan pang umiyak. Ano ba niluluto niya?" Sabi ko at tumingin na sa tv para mapanood ang palabas.

"Babe? Saan mo naman ako pabibilhin niyan? Kulayorange lang ang kwek-kwek na binibenta sa kanto. Walang kulay rainbow."

Lumakas naman ang pag-iyak nito dahil sa mga sinabi ko.

"Kung ayaw mo edi hindi!" Sabi ni Kaye at padabog na tumayo at naglakad papunta sa pintuan.

"Babe, sige na ako na bibili." Sabi ko at lumabas na para maghanap ng rainbow kwek-kwek.

Nakarating ako sa kung saang lugar para lang makabili ng kwek-kwek, buti at may nakita akong tindahan na angry birds ang specialty. Colorful kwek-kwek for short.

"Kaye? Babe? Eto na 'yung pinapabili mo sa akin." Sabi ko nang makapasok na ako ng bahay.

I saw her peacefully sleeping on the couch habang yakap-yakap ang elephant stuff toy na bigay ko noon sa kaniya.

I kissed her in the forehead at dahil doon ay nagising siya.

"Kain ka na." I said at inihain na ang binili kong kwek-kwek.

Kain lang siya nang kain habang nanonood sa TV shopping channel. 'Yung mga nagbebenta ng kung ano-ano with a special discount kapag bumili ka habang ipinapakita 'yung product sa TV.

Nagulat nalang ako nang biglang binagsak ni Kaye ang bowl na may laman ng pagkain niya.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya dahil mukhang iiyak nanaman siya.

"Ayoko na, hindi na ako kakain! Baka tumaba ako!" She said at tuluyan na nga siyang umiyak.

"No, hindi ka tataba, okay? Kain ka lang."

Bigla naman itong napatakbo sa banyo at sumuka ng rainbow.

Love Story Of A Wattpad AuthorWhere stories live. Discover now