Fourth Chapter

3.4K 76 13
                                    

One week na ang nakakalipas mula noong naganap ang meet and greet ko, at isang linggo na rin ang nakakalipas pero wala pa rin bumabati sa akin ng happy birthday. I feel so abandoned, haha!

Hindi pa ako nakakapag-online dahil kagigising ko lang, four na ng hapon pero magla-lunch pa lang ako. Nag-email kasi ‘yung representative ng PHR at sinabing tanggap ang application ko! Best birthday gift ever! Kapag daw bumenta ang libro ko, may malaking chance na maging regular writer na rin ako! Pwede ko na ma-meet in person sina Martha Cecilia at Camilla!

Ginawa ko muna ang everyday routine ko, naligo ako at siyempre nag-toothbrush rin. Nagpatuyo ng buhok at nag-suot ng kumportableng damit at running shoes, lumipat ako sa kabilang kwarto; which is the ‘gym’ kung tawagin ni dad, andoon kasi lahat ng fitness equipments namin. Tumakbo ako ng eight miles sa treadmill at nag-abs workout, like crisscross, crossover crunches, flutter kicks, heel touches, at kung ano-ano pa. If you’re thinking na ginagawa ko ito para maging sexy, well partly yes, pero kasi kailangan kong gawin ito para sa cardio.

Actually, treadmill running lang naman kailangan ko pero para mas maging fit dinagdagan ko na rin ng abs workout. May four-pack abs na nga ako eh.

Pagkatapos ko mag-workout na tumagal ng mga isang oras, ay bumalik ako sa kwarto para magpalit ulit ng damit, at bumaba na ako para kumain ng super-late-lunch.

“Oh, gising ka na pala. Kanina ka pa kinakatok sa kwarto mo pero ‘di ka magising-gising.” Sabi ni mommy pagkababa ko ng hagdan. “Napuyat po kasi ako mom kaka-revise sa manuscript na pinasa ko sa PHR. Tanggap na ako mom!” Masiglang sabi ko sa kaniya.

“Very good! Ikaw na ang magpapaaral sa sarili mo!” Tuwang-tuwang sabi ni mommy, sinamaan ko lang siya ng tingin at tinawanan niya lang ako. Pumunta nalang ako ng kusina para maghanap ng pagkain. Puro carbs, fats, and oily foods ang niluto nila! Nate-tempt ako kumain pero hindi pwede! Sayang ang isang oras na workout kung kakain rin ako ng fats!

Gumawa nalang ako ng green juice or green smoothie-isa siyang healthy juice made out of vegetables and fruits. It is commonly composed of Kale, Spinach, Lemon Juice, and Apples. Kadiri man pakinggan or basahin, pero it’s very healthy pwedeng maging alternative meal or snack. You should try it! I be-blender mo lang naman silang lahat, pero hindi gagawing shake ha? Smoothie lang!

“Dapat Kaye gumawa ka na rin ng sarili mong Youtube channel eh, gumawa ka ng cooking show or tips kung pano maging sikat sa Wattpad.” Sabi ni mommy na pinaghainan ako ng bread at cheese. “Tama na ako sa Wattpad mom, kung pwede nga lang gawin trabaho iyon eh. Hindi na ako magca-college.” Sagot ko habang umiinom ng juice.

“Ayan ang hinding hindi mo gagawin Kristine! Kahit anong course kunin mo basta mag-college ka lang.” Panenermon nanaman, simula nanaman to ng GMRC! Great Machine Ratatat Combo!

“Of course mom magca-college ako! Psychology nga kukunin ko eh. Sige mom, manunuod lang ako TV.” Sabi ko at lumabas na ng kusina para iwas sermon.

Engrossed ako sa pinapanood kong Barbie, A Mermaid Tale nang biglang may tumawag. No hate guys, I’m still young at heart at pwedeng manood ng Barbie.

Pinause ko muna ang pinapanood ko at sinagot ang tawag, “Hello?” Bungad ko sa caller, “Hello dito po ba nakatira si HeyKaye?” tanong nung caller, sino ‘to? Wala naman akong pinagsasabihan ng telephone number sa bahay ah?

“Sino po sila?” Tanong ko pabalik, “Si Mika po.” Sagot ng babae sa kabilang linya, “Mika! Napatawag ka?” Biglang na-excite ako, may ka-phone pal na ako!

“Uy Kaye! Gala naman tayo!” Excited niya rin sabi sa akin, “Ha? Saan ka ba nakatira? Pati saan mo nakuha telephone number namin?” Takang tanong ko sa kaniya, “Sa kuya mo nakuha ko ‘yung number mo. Magka-usap kami kagabi sa Wattpad, ayun sinabi kong gusto kong gumala tayo kaya binigay niya number niyo. Pati dito ako sa may Pasay nakatira, punta tayo MOA!”

Love Story Of A Wattpad AuthorOn viuen les histories. Descobreix ara