Thirteenth Chapter

1.8K 35 4
                                    

“Mom aalis na kami! Mga hapon na po kami uuwi!” Sabi ko kay mommy habang inaayos ang buhok ko sa harap ng salamin. Pupunta kami ni MJ ngayon sa school ko para mag-enroll magta-transfer na rin siya doon kaya sabay na kami.

Incoming third year na ako, habang siya ay fourth year. Nakakalungkot na isang taong lang kami magkakasama sa school, dahil planado na daw ang college niya. Sa Ateneo daw siya mag-aaral, habang ako ay maghihintay ng UPCAT at aasang makapasa, kung hindi naman ay sa UST mag-aaral.

Pagkatapos magpaalam ay naglakad kami palabas ng village at nag-abang ng masasayang bus.

Sa Mapua ako nag-aaral, Makati campus siyempre masyadong malayo kung sa Intramuros. May kalayuan ito sa bahay namin pero isang sakay lang naman.

Matapos namin makapag-enroll ay dumiretso kami sa mall. Mabuti nalang at hindi mahaba ang pila sa Admission kaya natapos kami agad, though mas mahaba ang proseso kay MJ dahil nga transferee siya.

Kumain muna kami ng lunch at nag-gala, first date namin ito as official couple pero nothing so fancy. Parang normal na gala lang which is I’m not disappointed of, kasi mas gusto ko ‘yung normal lang na relationship. I don’t need fancy dates, fancy food, fancy restaurants. Basta kasama ko siya at kumakain kami okay na.

Today is April 14th, our monthsary would be on the every 13th of each month pero sa April 16th ang birthday ni MJ and I’m preparing something big for him. I want to make it up to him from all the efforts he showed for me, gusto ko maging memorable ang birthday na iyon para sa kaniya.

But, I don’t have any ideas na pwedeng gawin sa birthday niya! I need help, can you?

Nag-ikot ikot pa kami sa mall at umuwi na rin, boring man pakinggan pero masaya pa rin kasi magkasama kami!

Saktong pagdating namin sa bahay ay nandoon si ate Mike, naisip ko na magpatulong sa kaniya.

Iniwan namin silang lahat sa sala at umakyat kami sa kwarto para sa girl talk namin.

“So anong pag-uusapan natin?” Tanong niya sa akin. “Kasi diba birthday na ni MJ in two days so gusto ko siyang i-surprise pero wala akong maisip na idea!” Sabi ko sa kaniya tapos hinimas-himas ang tiyan niya, gusto ko nang lumabas ang baby nila feeling ko kasi super cute niya! Wala pang one month ang baby nila kaya hindi pa halata na buntis si ate.

“Well, may naisip akong idea.”

Nagkatinginan muna kami ni ate at tinanong ko sa kaniya kung ano ang plano niya. Ang ganda nga ng idea niya, naghanap ako ng notebook na pwedeng pagsulatan ng mga kailangang bilhin at planuhin nang maigi. Isang oras rin kaming nagkulong sa loob ng kwarto, bumaba lang kami nang sabihing kakain na ng dinner at pagkatapos noon ay umuwi na rin sila dahil nga gabi na at baka mahamugan raw si ate Mike.

Ako naman ay kinausap ang mga magulang ko at si kuya Art para sabihin ang plano, si ate Mike naman ay kakausapin ang mga magulang nila para rin sabihin kung ano ang dapat nilang gawin.

Lahat sila ay natuwa sa naisip namin at excited na rin kami! Kahit halos isang araw lang ang preparation namin ay alam naming magagawa ito nang maayos.

**

Kinabukasan ay planadong hindi kami magkikita ni MJ, si ate Mike na raw ang bahala doon. Abala kaming lahat sa pagpa-plano, si kuya Art ang bibili ng mga pagkain, ang mga magulang ko naman ang bahalang kakausap sa mga kakuntsaba namin. Habang ang mga magulang nina MJ ang bahala sa decorations sa venue.

“Dad! Naka-ready na lahat ng mga kinausap niyo?” Tanong ko agad pagkakita ko sa kanila. “Of course! Pumayag sila sa plano, ako pa!” Sabi ni daddy. I’m so excited sa mga mangyayari bukas!

**

Eto na! This is the moment of truth! Inaayusan na nila ako, pagkatapos ay pupunta na ako sa venue! Andoon na ang mga magulang namin para ayusin ang final touches sa venue. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, naggo-glow ang mukha ko! The look of in love! And I love the make up!

Pumasok na ako sa sasakyan, si kuya Art ang magda-drive sa akin papunta doon. Kinakabahan ako dahil si kuya ang magda-drive wala akong tiwala dito, mabilis kasi magpatakbo at malakas pa magpa-music!

**

“MJ... Si K-kaye nasa ospital” Sabi ni ate Mike sa akin, kalalabas ko lang ng CR dahil kakaligo ko lang nang biglang may tumawag sa cellphone ko, at si ate nga iyon.

“Ha? B-bakit? A-anong nangyari?” Naguguluhan kong tanong sa kaniya. Dali-dali akong nagbihis habang nage-explain sa akin si ate.

“Na-aksidente siya habang hinihintay niya si Art sa loob ng kotse. Bumaba muna ang kuya niya para bumili ng pagkain, si Kaye kasi natutulog ginising lang siya para sabihing bibili muna. Tapos bigla raw may lasing na driver at nawalan ng control yung sasakyan niya. Nabangga niya yung kotse nila, naipit si Kaye sa loob.” Umiiyak na sabi ni ate sa akin.

Napa-upo ako sa gilid ng kama ko, nanghina ako sa narinig ko. Dalawang araw pa lang kami! Birthday ko pa ngayon!

“Saang ospital siya dinala?” Tanong ko, hindi ko kailangang mag-panic! Matapang si Kaye, maabutan ko siya.

Sinabi ni ate kung saan siyang ospital dinala, nagpaalam na ako at dali-daling lumabas ng bahay at nag-abang ng masasakyan.

Sa kamalas-malasan traffic pa! Sobra sobra na ang kaba ko! Gustong gusto ko na murahin ang dahilan ng traffic, pero baka may kinalaman ito sa aksidenteng nangyari!

Please Kaye be strong.

Love Story Of A Wattpad AuthorWhere stories live. Discover now