Twenty-Third Chapter

1.4K 29 7
                                    

“Stop doing things that you know you will regret later.” Status update ko sa Wattpad, pagkatapos ng ilang minuto ay maraming readers ko ang nag-post sa Message Board ko kung ano raw ang nangyari.

Anong nangyari? Nangyari ang isang bagay na napakahirap tanggapin para sa akin at para sa lahat.

Wala na si Kaye.

Noong araw na nakipagkita ako sa kaniya sa gym para sabihing gusto ko makipagbalikan, nakatanggap si kuya Art ng tawag mula dito. Tawag na humihingi ng tulong.

Nahanap naman ni kuya Art agad kung nasaan ito sa tulong ng GPS na naka-install sa cellphone nito.

Hindi sinabi ng mga magulang nito kung ano ang totoong nangyari, sinubukan kong tumawag sa kanila pero walang sumasagot sa telepono. Pinuntahan ko sila sa bahay nila, pero wala na pala sila doon.

Tinanong ko naman si ate Mike kung nasaan nagpunta ang mga ito pero ang sabi lang nito ay maghintay na lamang daw siya na malaman ang nangyari kay Kaye sa tamang panahon. Hindi rin nito alam kung ano ang tunay na nangyari, hindi rin sila magkasama ni kuya Art ngayon pero babalik naman daw ito sa susunod na araw para sa kasal nila.

“Hey, iniisip mo pa rin ba ang babaeng iyon?” Sabi ni Stace sa akin, kami pa rin hanggang ngayon, pero balak ko na talagang makipag-hiwalay sa kaniya

“Stace, may gusto akong sabihin sa’yo.” Pagsisimula ko

“Alam mo ba, narinig ko na na-rape daw talaga si Kaye” Pag-iiba nito ng usapan dahil alam kong alam na nitong gusto ko na makipag-hiwalay

“Ano?” Gulat na tanong ko, “Halos lahat sa school iyon ang pinag-uusapan, kaya nga raw umalis na ito eh para hindi na mapahiya. Oh well, na-rape nga ba? Baka nga na-enjoy niya pa ‘yun. A slut will always be slut.” Sabi nito, dahil doon ay nag-pantig ang tenga ko.

“Binigyan mo lang ako ng napaka-gandang dahilan para mag hiwalay tayo.” Sabi ko habang hawak ko nang mahigpit ang kamay niya malapit sa pulsuhan

“MJ, nasasaktan ako!” Sabi nito at binabawi ang kamay nito, binitawan ko naman siya.

“She deserves all those words dahil isa talaga siyang slut! Inagaw ka niya sa akin!” Childish na sabi nito.

“Hindi siya slut at lalong hindi ka niya inagaw sa akin.” Sabi ko sa kaniya at dahil doon ay sinampal niya ako.

“I hate you!” Sabi nito, “Well, I hate you too.” Balewalang sabi ko at nagsimula nang maglakad palayo sa kaniya.

“Isa pang hakbang at break na tayo!” Galit na sabi nito at napatigil ako, tumingin ako sa kaniya at nakitang ngumiti siya. “I knew it! You just can’t resist me!” Nakangiting sabi pa nito habang naglalakad palapit sa akin.

Humakbang ako paatras at sinabing,”Pano ba ‘yan? Humakbang ako ng isa pa, so break na tayo ha?” Naka-ngising sabi ko at iniwan siya doon habang tumitili naman ito.

Napa-ngiti nalang ako dahil malaya na ako sa kaniya.

Pupunta ako sa may police station ngayon para tanungin kung ano ang nangyari kay Kaye.

“Pasensya na boy, pero ‘di kami pwedeng magbigay ng impormasyon sa mga hindi kamag-anak.” Sabi ng pulis na pinagtanungan ko, laglag ang mga balikat na umalis ako sa lugar na iyon.

Naisip ko bigla si Bea nang makita ko si Sean na dumaan sa harapan ko, “Pre! Asan si Bea? Gusto ko sana siyang maka-usap eh.” Sabi ko dito.

“Ang alam ko ay umuwi na siya sa bahay nila eh.” Sagot nito, “Sige tol, salamat.” Sabi ko at tinanguan niya lang ako at naglakad na ulit.

Pinuntahan ko si Bea sa bahay nila baka may alam ito, baka sila ang huling magkasama ni Kaye bago ito mapadpad sa lugar na iyon.

**

“Hindi ko nga rin alam kung anong nangyari sa kaniya MJ, nagsisisi nga ako at hindi pa ako nakakhingi ng tawad sa kaniya.” Sabi ko kay MJ, andito siya sa bahay ngayon para malaman kung anong nang yari kay Kaye.

“Bakit? Nag-away ba kayo?” Tanong nito

“Ako ang umaway sa kaniya, akala ko kasi inaagaw niya si Sean sa akin. May nag-bigay kasi sa akin ng mga pictures na magkasama sila sa Starbucks. Hindi ko nga alam kung sino eh, tapos pinagsalitaan ko pa siya ng mga masasakit na salita. Nagpatulong lang pala si Sean sa kaniya kaya sila magkasama.” Sabi ko dito.

Pagkatapos ng ilang minuto ay umalis na rin ito ng bahay.

Nagsisisi talaga ako dahil hindi agad ako nakahingi ng tawad, ngayon, walang kasiguraduhan na magkikita pa kami. Baka nga hindi na niya ako patawarin eh.

Maraming kumakalat na balitang na-rape daw ito at nahihiya na raw itong magpakita dahil sa nangyari kaya umalis ito.

Kinabukasan ay maraming mga poster at tarpaulin na may mukha ni Kaye ang nakakalat sa buong campus. May naka-sulat na “Slut”, “Whore”, “Flirt”, “Mang-aagaw” at iba pang mga masasakit na salita.

Naiinis ako sa gumawa ng mga iyon dahil hindi naman nila alam ang tunay na nangyari sa kaibigan ko!

Nakita ko sa isang banda si Stace at ang mga kaibigan niya na nakatingin sa isang tarpaulin na may mukha ni Kaye, pinagtatawanan nila ito at narinig ko pang sabi ni Stace na, “Serves her right, bitch.” Lumakas naman ang hinala ko na ito ang may kagagawan ng lahat dahil nalaman kong naghiwalay na sila ni MJ dahil sa pinagsalitaan nito si Kaye ng mga masasakit na salita.

Pagkarating ko ng classroom ay puro si Kaye pa rin ang pinag-uusapan nila, may ibang naaawa at may ibang masakit rin magsalita. Pero kapansin-pansin ang pananahimik ni Rylan sa upuan nito. Likas itong maingay at maharot kaya laging naiinis si Kaye dito.

Tumahimik ang lahat nang pumasok na ang adviser namin at nang mabuksan ang topic tungkol sa kaibigan ko ay ito lang nasabi niya, “Kung ano man ang nangyari kay Kaye, respetuhin nalang natin sila.”

Love Story Of A Wattpad AuthorWhere stories live. Discover now