Eighteenth Chapter (Ending of LSOAWA's First Half)

1.6K 27 3
                                    

Weeks passed, naging normal naman ang naging takbo ng buhay ko pagkatapos ng break up na iyon. Hindi ako masyadong na-depress katulad ng nangyari sa amin ni Rus, siguro dahil hindi pa masyadong developed ang pagmamahal ko sa kaniya.

As of now, studies and my career ang nasa utak ko. Tuloy-tuloy ang success ng dalawa kong libro, sa PHR at sa Summit. Nagkusa na akong nagsabi sa mga magulang ko na ako na ang bahala sa allowances ko dahil may pagkukuhanan naman ako, pero ang sabi nila ay ipunin ko nalang daw iyon para sa future ko.

Si ate Mike ay three months pregnant na, at si kuya naman ay naka-graduate na at ngayon ay nagta-trabaho na sa isang sikat na kumpanya, pinag-agawan siya noon ng mga kilalang kumpanya dahil sa naka-graduate siya ng Magna Cum Laude at pinili niya siyempre ang pinaka-sikat at may pinakamalaking offer para raw madali siyang makakapag-ipon para sa pamilya niya.

Sa isang buwan na naging kami ni MJ, marami akong natutunan. Hindi ibig sabihin na nagugustuhan mo na ang isang tao ay naka-move on ka na nang tuluyan sa nakaraan mo, dahil ako; hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan na maalala si Rus at mai-kumpara siya kay MJ.

At mas lalong hindi ibig sabihin na nakita mong nage-effort siya para makuha ang matamis mong “oo” ay mahal ka na talaga niya, baka naman ay na-challenge lang siya sa’yo.

May mga bagay na pinaghihintay, katulad ng pagmamahal. Hindi lamang pagmamahal ang nagbibigay ng kaligayahan sa’yo. Andiyan ang pamilya at mga kaibigan mo, ang career at mga taong bagong kakilala mo pa lamang.

Dahil sa naging dahilan ng paghihiwalay namin ni MJ, ang hindi ko makakalimutang aral ay ang ‘wag kalilimutang kilalanin muna nang maigi ang isang tao bago mo ibigay ang tiwala mo sa kaniya, dahil baka magsisi ka kapag may nalaman ka tungkol sa kaniya.

**

First day of school na namin ngayon, third year highschool na ako; magkikita nanaman kami ng nag-iisa kong kaibigan na si Cordelia. Ang buong pangalan niya ay si Cordelia Beatrix Mendoza, ayaw niyang tinatawag na Cordelia dahil pang makaluma raw, pero dahil best friend niya ako ay ako lang ang nakakatawag sa kaniya nun dahil gustong gusto ko ang pangalan niya. It reminds me of Cordelia sa Montecarlo na ginanapan ni Selena Gomez.

Nakaupo ako ngayon sa isang bench sa may school garden, kitang kita mula rito ang school’s main gate na kung saan lahat ng estudyante ay dito nadaan kahit pa nakasasakyan ka, doon ka lang pwedeng bumaba.

Hinihintay ko si Cordelia dahil lagi itong nale-late kapag may usapan kami. Actually, tatlo kaming magkakaibigan; ako, si Cordelia, at si Carla pero umalis na nga ang huli dahil nag-migrate na sila sa ibang bansa.

Naiinip na ako kakahintay sa babaeng iyon kaya nilabas ko nalang ang pinaka-iingat ingatan kong libro, ang Mrs. Peregrine’s Home for Peculiar Children. Ayaw na ayaw ko itong madumihan o magasgasan dahil hardbound ito at ito rin ang pinaka-paborito kong libro sa lahat.

Busy akong nagbabasa nang biglang may tumapon na ice cream sa mismong pahina ng libro ko!

Tiningnan ko kung sino ang gumawa noon, at nakita ko ang isang lalaki sa gilid; patagong tumatawa, nang makitang nakatingin ako nang masama sa kaniya ay tumigil na rin siya at lumabas na sa pinagtataguan niya.

Unti-unti akong lumapit sa kaniya para pagalitan siya, kaso nabigla ako nang makita ang mukha niya.

“Rus?”

Love Story Of A Wattpad AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon