XLIV- Angioplasty

Start from the beginning
                                    

"Mukha kang pikon kahit walang nag-bago sa facial expression mo." she pointed out, checking my face. I rolled my eyes as I turned left, sumunod padin siya.

"Because I am, so don't piss me off."

Tuloy tuloy lamang kami sa pag-lalakad nang makita ko kaagad si Hurricane na kakapasok lamang sa hospital, hawak hawak ang attached case niya habang kasabay si Barb at Patty. They were talking casually.

"Dba yan yong babae na reason ng break-up niyo? Yong naka ponytail?" Janella asked nang mapansin kung saan na ako nakatingin.

Hindi ako sumagot, nagtuloy tuloy lamang ako sa pag-lalakad. Akala ko, hindi na sila nag-uusap dahil sa nakita ko nong wake ni Miguel but I think I'm wrong. Well, like it is possible na mag-end ang friendship nila.

He couldn't.

"Uy sis! Nakatingin na sayo ex mo!" kinikilig at puno ng malisyang saad ni Janella. "Ang exciting naman neto!"

Hindi ko padin siya pinansin. Tuloy tuloy lamang ako sa pag-lalakad habang makakasalubong ko din sila. I can feel someone's eyes on me pero hindi ako tumingin pabalik. Dere deretso lamang ang mata ko hanggang sa makalampas kami ni Janella.

Doon ko lamang naramdaman na naka-hinga muli ako. I didn't even realized I was holding my breath.

"Girl, nilingon ka ng ex mo."

And I don't care.

I headed straight to medical ward, dumiretso kaagad si Janella sa isang pasyente. I think, patient niya. Tumakbo naman papunta sakin si doc Marinez, nagpa panic ang hitsura. "Doc," tawag niya habang nag-kakamot ng batok.

"What?"

"Doc, hanap kayo nong nanay ni Legarda."

"Legarda? Angioplasty patient?" I confirmed. Kakatapos lamang ng operation sa kanya almost 3 hours ago. "Why? What happened?" I asked. Thinking of the possible risks kahit confident ako sa naging operation.

Hindi pa nakaka-sagot si doc Martinez nang makatanggap ako ng hampas. Nanlaki ang mata ko at napalingon sa kung sino ang gumawa noon sakin! What the hell?!

"Ikaw yon dba?! Ikaw ang nag-opera sa anak ko kanina!" dinuro niya ako habang umiiyak. Napatingin ako kay doc Martinez na gulat na gulat din sa nangyari.

"Doc, bigla ka nalang hinanap e galit na galit. Di sabihin kung bakit."

"May I know ano pong nangyari Ma'am?" I calmly asked pero lalo lamang siyang nagalit at marahas akong tinulak. Agad akong nasalo ni doc Martinez dahilan para hindi ako matumba ng tuluyan.

She was in rage. Napapatingin nadin ang iba sa amin dahil sa biglang pag-sugod niya. "Doctor ka ba talaga ha?! Alam mo ba talaga ang ginagawa mo?! Marunong ka ba?! Anong klase ka!" she started screaming again, cursing me habang patuloy na nag-wawala at tinatanong ang credibility ko.

Hindi ko alam kung anong nangyayari.. hindi ko alam bakit siya nag-wawala ng ganito pero sobrang sakit marinig na kwestyunin ang trabaho ko. Gabi-gabi, inaaral ko bawat condition ng mga pasyenteng hawak ko. Pinag-aaralan ko ng mabuti ang dapat gawin, nag-dadasal ako bago pumasok sa OR. Sinisigurado kong maayos ang gawa ko. Halos ilang taon akong walang maayos na tulog at kain para lamang maging mabuting doctor..

"Ma'am, calm down. I'll check Miss Legarda right away." I tried to calm her down kahit nasasaktan ako sa loob loob ko pero isang malakas na sampal lamang ang natanggap ko. Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa sampal na'yon. Hindi lamang isa, kundi dalawa. Dalawang malakas na sampal.

Nakarinig ako ng mga singhap. Kahit ako, hindi nakapaniwala sa biglang pag-sampal sakin. Para akong lumulubog sa lupa habang minumura padin niya ako.

Winning HurricaneWhere stories live. Discover now