2. Personal Secretary

Start from the beginning
                                    

"Bago ka mag-start, meron kang pagpipiliang dalawang contract." Itinuro ni Eul ang nasa kaliwa ko. "This is for the corporate secretary position. One hundred dollars for a day with health and insurance benefits. Three times a week ka lang papasok dito sa JGM, may sarili kang office, 12-hour duty. Gagawin mo ang lahat ng naiwang corporate duties ng naunang secretary sa 'yo. Three-month contract lang ito. After three months kami magbabase kung gagawin ka naming regular employee." Itinuro niya ang nasa kanan. "This is for the personal secretary position. Two hundred dollars per day, with health and insurance benefits, with car incentives, free housing accommodation, with meal incentives, and daily allowance. Personal kang magiging secretary ni Mr. Phillips for six months, and he'll decide if mare-regular ka o hindi. May mga araw na wala siya rito sa JGM, may mga araw na narito siya. So, if you're gonna choose to be his personal secretary, hindi mo kailangang pumasok dito pero paid ka."

Wow, grabe. Ang laki ng difference.

"Hindi ba ako uutusan ulit na patayin ang sarili ko kapag pinili ko yung personal secretary position?" tanong ko pa. Malay ko ba kung utusan ulit akong saksakin ang sarili ko ng Mr. Phillips na 'yon.

Tinawanan lang ako nang sobrang hinhin ni Eul. "Mr. Phillips will not ask you to do that again. Don't worry."

"Kung sakali palang mag-start ako ngayon, puwede ba 'kong mag-advance ng sahod?"

Ngumiti na naman siya. "For corporate position, that can't be. But for the personal secretary of Mr. Phillips, he can lend you money before you start working for him. Considerate naman siya para sa mga nangangailangan."

"Oooh . . . okay, dito na lang ako." Binuksan ko na ang folder for personal secretary position at pinirmahan ang lahat ng pages sa contract habang nire-review.

Bigla kong naalala kung bakit nga ba ako napunta rito.


***


"Chancey!"

Baag!

Baag!

Baag!

"Lumabas ka diyan! Magbayad ka na ng renta, tatlong buwan ka nang walang hulog!"

Patay lahat ng ilaw, patay ang electric fan, patay ang airpot, hindi na nga ako humihinga para lang hindi masabi ni Mrs. Fely na narito ako sa loob.

Paano nga ako makakabayad ng upa e wala nga akong trabaho? Ang hirap-hirap humanap ng trabaho! Palaging sinasabi na tatawag na lang daw sila, ilang buwan na, hindi pa rin ako tinatawagan!

Nakailang interview na 'ko, hindi man lang ako nakakapasa sa ibang initial interview.

Graduate ako ng Music. Kapag nababasa ng HR na Bachelor of Music ang tinapos ko, kadalasan, initial interview pa lang, hindi na 'ko pumapasa. Lagi nilang sinasabi na hindi raw ako qualified, hindi related ang course ko sa ina-apply-an kong trabaho—which I do understand kasi nga wala namang kakanta sa office.

Hindi naman ako nagsisisi sa course na kinuha ko. At dahil sobrang hirap ding makakuha ng trabaho sa conservatory, hindi ko na alam kung saan ako pupunta.

"Mrs. Fely, lumabas ho yata si Chancey, naghanap ng trabaho."

Napasulyap ako sa maliit na siwang sa ilalim ng pintuan nang marinig ko ang boses ni Zephy. Kapag talaga nangangalampag si Mrs. Fely, alam na agad niya ang linya niya.

"Dapat lang na maghanap na siya! Kung hindi, ibibigay ko na 'yang unit niya sa anak ng kumare ko sa Sabado!"

Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko, para akong binibira sa likod ng palo-palo.

Prios 1: Contract with Mr. PhillipsWhere stories live. Discover now