Chapter 9:The Party
Nagising ako bigla Ng may marinig akong ingay
It's raining
Tinignan ko ang orasan sa kwarto ko at 4:23 PM na pala
Inaantok pa ako
Matutulog na Sana ako ulit ng maalala ko na may pupunta nga pala samin dito para ayusan kami
F*ck
Malapit nang mag alas-singko
Dali-dali akong naligo para pagdating nila mamaya ay aayusan nalang nila ako
F*ck muntik ko nang makalimutan yung party
Mabuti nalang talaga at nagising ako
Nakatulog pala ako kanina dahil sa masyadong pag-iisip at sa pagod
Umupo nalang muna ako sa kama ko at hinintay Yung mag-aayos sakin
Ilang minuto ang lumipas ay may kumatok sa pinto
Yan na siguro Yung mag-aayos
Pagbukas ko ng pinto ay may tatlong babae
Yung isa ay may dalang parang make-up kit
Yung isa Naman ay may dalang suklay at kung ano-ano pa
At Yung pinakahuling babae ay walang kahit na ano mang dala
"Hi,ikaw ba si Ella?Kami ang mag-aayos sa'yo"-sabi nung babae na walang kahit na ano mang dala
Pinapasok ko na sila sa kwarto para simulan na nila Kung ano man ang kailangan nilang gawin
Tumaas naman ang kilay ko Nung parang kilatisin nung isang babae ang katawan ko
Sinusukatan niya ba ako?
"Unahin niyo muna ang make-up niya,kukuha lang ako ng babagay na damit at mga alahas sa kanya"
Pagkasabi nung babae nun ay lumabas muna siya sa kwarto ko
"Umupo po muna kayo"-sabi Naman nung babaeng may dalang make-up kit
Umupo nalang ako sa kama ko at humarap sa kanila
Lumapit Naman sila sakin saka may nilagay na Kung ano-ano sa mukha ko
F*ck
Hindi pa Naman ako sanay sa mga ganitong bagay
Ilang minuto ang lumipas ay may Kung ano-ano na silang ginagawa sa kilay ko at sa mata ko
Kasabay naman nun ay ang pagdating nung babae na umalis kanina
May dala na siyang isang black na dress at mga alahas
Yan ba ang susuotin ko?
Ngayon palang ay alam ko nang Hindi ako magiging komportable
Tinignan ako nung babaeng may dala ng damit saka ngumiti
Hindi ko nalang siya pinansin at tinignan ko nalang yung orasan na nasa harap ko
"Tapos na Ang pagmimake-up namin sayo"-sabi nung babaeng may hawak na make-up kit
Baka Light Make-up Lang Ang ginawa nila
Madali Lang silang natapos eh
"Isuot mo na to Ella"-Sabi Naman nung babaeng ngumiti sakin
"Okay"-Sabi ko
Tumayo agad ako at kinuha sa kanya Yung damit
Pumasok agad ako sa cr at Doon to isinuot
![](https://img.wattpad.com/cover/248253486-288-k921825.jpg)
YOU ARE READING
Fearless:The Death League
FantasyIn a world marked by sacrifice and suffering, In a realm where magic and power reign, In a place where perfection appears within reach, There lies a town shrouded in poverty's grasp. Then arrives a girl, determined for change, Recoiling from the sol...