Chapter 43:Deadly Night

19 5 0
                                    

******

Before reading this chapter please download the song Marikit by:Juan Caoile(acoustic version by:Juan,Gab,Kyle)

Enjoy!!!!

*****

Chapter 43:Deadly Night

Ella's POV

Lumipas ang hapon na yun na kasama namin si lolo Tino

Nagsibalikan nadin ang iba pang mamamayan sa mga bahay nila

Gabi nadin Kasi

Ang grupo nalang namin ang natira dito kasama si lolo Tino

We can't leave him alone lalo na dahil gabi na

It's still 6 pm kaya safe pang lumabas ngayon

Sa pagsapit ng alas-nwebe ng gabi ay paniguradong mapapalaban kami kapag nasa labas padin kami

Kailangan naming makahanap ng bahay na matutulugan

Or else hindi talaga kami makakatulog

"Bakit pa ba kayo nandito?Umuwi na kayong mga bata kayo,gabi na"-Sabi ni lolo Tino samin

"Wala naman kaming uuwian lolo eh"-sabi ni Nieves

"Abay pinalayas kayo?Ang lakas niyo sigurong sumagot sa presidente eh no"-sabi ni lolo Tino

"Eto po kasi ang training namin.Kailangan daw naming magsurvive dito ng isang araw"-Sabi naman ni Naomi

"Abay madali yun.Nakaya ko nga ng maraming taon"-Sabi ni lolo Tino

"Diba delekado po dito kapag gabi na,paano niyo po nakayanan yun?"-Tanong ni Arrow

"Nagtatago ako tuwing gabi.Ewan ko nga ba kung bakit walang ginawang solusyon ang Presidente tungkol dito"

Napatingin nalang kami nina Nieves sa isa't isa dahil sa sinabi ni lolo Tino

Bakit nga ba?

Kahit kami ay walang sagot sa tanong na yun

"Bakit nandito pa kayo sa labas?Dun nalang kayo sa bahay namin baka kung ano pang mangyari sa inyo dito sa labas"-Sabi bigla nung matandang babae

Siya yung lola ni Hazel

Napadaan siguro siya dito samin

"Sige na.Dun nalang muna kayo sa bahay namin.Palipasin niyo muna ang gabi lalo't napakadelikado"-sabi niya ulit

"Sige ho.Pasensya na Po kayo sa abala"-sabi ko

Kailangan din naman namin ng matutuluyan ngayong gabi

Magpapakipot pa ba kami?

Aalalayan ko na sana si lolo Tino sa pagtayo ng biglang magsalita si Prime

"Ako na"

Pagkasabi niya nun ay inalalayan niya agad si lolo Tino sa pagtayo at pati nadin sa paglalakad

Dinala naman namin yung mga gamit ni lolo Tino

"Yung gitara ko ay wag ninyong kakalimutan hija"-sabi ni lolo Tino

Fearless:The Death LeagueWhere stories live. Discover now