Chapter 4:The Others

184 21 22
                                    

Chapter 4:The Others

Ella's POV

Pagkagising na pagkagising ko sa umaga ay naaalala ko na naman yung nangyari kagabi.

Tinignan ko ang katabi ko at nakita ko yung bata na humingi ng tulong sa amin kagabi. Dito na namin siya pinatulog dahil wala naman siyang makakasama sa bahay nila dahil patay na nga yung nanay niya.

Wala na rin kasi siyang tatay,patay na rin daw pati na ang mga kamag-anak nito.

Nakakalungkot isipin na limang taong gulang lang siya pero nararanasan na niya ang mga ito.

Ang nanay niya ay ililibing na ngayong araw at sa tingin ko ay hindi ako makakapunta dahil may kailangan pa akong gawin. Isang bagay na sana ay hindi ko pagsisihan.

"Ella?"-rinig kong tawag ni Nieves sa'kin na gising na pala.

"Nagising ba kita?"-tanong ko

"Hindi naman, pero ang aga mo atang nagising ngayon"

"May isang bagay kasi akong dapat gawin"

"Ano ba yang bagay na yan?"

Inisip ko muna kung sigurado na ba talaga ako. Bahala na nga.

Kung mamamatay man ako, hindi ko yun pagsisihan dahil alam kong gagawin ko 'to hindi para sa sarili ko kundi para sa bayan ng Cora, ang bayan ko.

"Hoy' Ella!"-tawag sakin ni Nieves nang mapansin niya sigurong tulala na naman ako.

"Bakit?"-Tanong ko

"Sabi ko, ano ba yung bagay na gagawin mo?"

"Papayag na ako sa gustong mangyari ng Cora Committee. Makikipagtulungan na ako sa kanila"

"Seryuso?"-Di makapaniwalang tanong niya

"Oo, narealize ko kasi na tama ka. Hindi sa lahat ng bagay ay kailangan kong maging mag-isa, may mga problema na kailangan kong harapin na may kasama."

"So ano?Pupunta na ba tayo sa Cora Mansion?"

"Sasama ka sa'kin?"

"Oo naman, walang iwanan"
Napangiti agad ako dahil sa sinabi niya.

Dahan-dahan kaming umalis sa kwarto dahil baka magising yung bata. Pagkalabas na pagkalabas namin ng kwarto ay boses na agad ni Tito Hans ang narinig namin ni Nieves.

"Ang aga niyo atang nagising"

"Pupunta kami sa Cora Committee at papayag na kami sa gusto nila"-sabi ni Nieves

"Kung ganun ay kailangan niyo nang maghanda"

Pagkasabi ni Tito Hans nun ay naligo na agad ako pati na rin sa Nieves pagkatapos ko.

Kumain muna kaming dalawa bago mapagpasyahang pumunta na sa Cora Mansion.

Naglalakad kami sa gubat ng makasalubong namin yung lalake na sumundo sa'min kahapon.

Sa tingin ko ay papunta siya ng bayan.

Cold expression and eyes with no emotion.Ganun pa rin siya.

Tinignan niya lang kaming dalawa at nagpatuloy lang siya sa paglalakad na para bang hindi niya kami kilala.

Fearless:The Death LeagueWhere stories live. Discover now