Kabanata 6

16 4 2
                                    

"Magandang umaga. Ako si Amari ang pinunong tagabantay at tagapangalaga ng seguridad ni pinunong Ramiel," pagsisimula ng dalaga sa harap ng mga kabataang lobo na gustong maging kawal ng Seperus. "Una sa lahat kung sino man ang napilitan lamang maaari nang lumabas ng kastilyo dahil hindi ko kailangan ng kawal na isang duwag at mang iiwan sa gitna nang laban,"

"Tandaan n'yong ang pagiging kawal ay hindi isang laro bawal ang tatamad-tamad, bawal ang lalampa-lampa at higit sa lahat walang kawal ang duwag!"

"Mga bata pa kayo. May pagkakataon pa kayong pag-isipan ang kinabukasan na nanaisin n'yo. Paalala na rin na sa oras magsimula ang inyong pagsasanay ay magiging mahigpit kami sa inyo. Walang anak, kapatid, kaibigan at kamag-anak. Lahat kayo dadanas ng matinding pagsasanay. Huwag kayong mag-alala bukas naman ang tarangkahan sa mga nahihirapan at sumusuko na," mahabang litanya ng babae. Nanatili namang walang imik ang mga dalaga't binata at nakinig lamang rito.

"Para sa pagsasanay ay narito ang aking mga kawal na personal na nagsisilbi kay pinunong Ramiel," pagkasabi niya ay isa-isa namang dumating sina Gino, Hano, Keno, Kai, Hero, Janus, at Anton. "Sila ang magiging guro n'yo. Sa tuwing matatapos ang limang buwan ay magkakaroon ng duwelo ang bawat isa sa inyo. Pipili kami ng sampong malalakas sa inyo bilang potensyal na maging kasapi ng aking pangkat."

"Maghanda ang lahat sa pagsisimula ng pagsasanay! Bibigyan ko kayo ng dalawang oras na dalhin ang inyong mga kagamitan sa inyong silid. Iyon lamang at... suwertehen sana kayo". Pagkatapos ng oryentasyon ni Amari ay may mga kasambahay na lumapit kina Selene at tinulungan silang mahanap ang kanilang mga silid.

Bago pa man sila makalayo ay tinawag siya ni Amari.
"Selene!"

Kaagad naman siyang lumingon sa dalaga. "Bakit po, Binibini?"

"Saan ka punta?"

"Sa kwarto pong ibinigay sa akin, Binibini," aniya na ikinakunot ng noo ng dalaga.

"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan iyong kwarto ko?"

Umiling siya. "Naku, hindi po, Binibini. Naisip ko pong mainam na pong makakasalamuwa ko ang iba at magkaroon ng mga bagong kakilala. Ayoko rin pong iba ang isipin nila sa akin,"

Napangiti si Amari sa sinabi niya. "Sige, kung iyan ang nais mo. Kausapin mo lang ako kung may kailangan ka, ha?"

"Opo," aniya saka nagpaalam sa dalaga.

...

"Narito na tayo," anunsyo ng babae nang marating nila ang isang pinto. "Ito ang iyong sariling susi sa silid na ito," ibinigay nito ang isang susi.

"Salamat," aniya. Tumango lamang ito saka siya iniwan.

Binuksan naman niya ang nakasarang pinto at bumungad sa kaniya ang tatlong babaeng makakasama sa silid na iyon ng ilang buwan.

Bumaling ang tatlo sa bagong dating.

"Magandang umaga. Ako nga pala si Selene," pakilala niya sa mga ito.

"Kumusta! Ako pala si Yana," pakilala ng dalaga na may mahabang itim na buhok at may kulay asul na mata. "Siya naman si Lara," turo nito sa babaeng may kulay kayumangging buhok.

Kumaway ito sa kaniya na nginitian naman niya pabalik.

"At siya naman si Siki," turo naman sa babaeng seryosong nakamasid sa kaniya. Nginitian niya ito pero umirap lang ito sa kaniya. "Pagpasensyahan mo na maldita talaga kasi iyan, e," napakamot sa kaniyang batok na ani Yana.

"Ayos lang," nakakaunawang turan niya sa sinabi nito. "Magkakakilala ba kayo?"

"Ah, oo. Magkababata kaming tatlo. Himala ngang sa iisang kwarto lang kami," natatawang sabi ni Yana.

Napangiti nalang si Selene. Hindi siya makasabay sa sinasabi ng kausap. Wala naman kasi siyang naging kaibigan dahil sila lang naman ang nakatira sa gubat at hindi rin naman sila lumuluwas ng bayan dahil mayroon naman sa gubat mga pagkain.

"Sige, ayusin ko lang mga gamit ko,"

"Oh, sige lang," sabi naman ni Yana.

Malaki ang silid, may apat na kama. Pangdalawahang kama, isa sa taas at isa baba, sa kanan at sa kaliwa. Dahil may nag mamay-ari na nila Yana at Lara ang isa dito kaya naman ang sa ibaba nalang ng higaan ni Siki ang sa kaniya.

Ilang minuto nalang matatapos na ang dalawang oras kaya napagpasiyahan nilang maagang pumunta sa parang para doon na lamang hintayin ang kanilang magiging unang guro

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ilang minuto nalang matatapos na ang dalawang oras kaya napagpasiyahan nilang maagang pumunta sa parang para doon na lamang hintayin ang kanilang magiging unang guro.

Pagdating nila sa parang ay naroon na din ang iba pa nilang mga kasama sa pagsasanay.

May ibang nakamasid sa kanila partikular sa kaniya na kaniya naman ipinagtaka.

"Doon tayo," ani Yana sabay turo sa lugar na medyo malayo sa karamihan. Sumang-ayon naman ang tatlo sa kaniya at saka naglakad papunta doon.

"Taga saan ka pala, Selene? Pansin ko kasing wala akong koneksyon na maram sa iyo," wika ni Lara habang tumango-tango naman si Yana at nagtataka ding nakatingin sa kaniya. Samantala si Siki ay tahimik lang at walang pakialam

"Hindi ako dito lumaki. Sa totoo lang ay naligaw lamang ako at napadpad rito sa inyong bayan. Si pinunong Amari ang nakakita sa akin sa pamilihan at ako ay kaniyang kinupkop dito sa kastilyo," pagku-kuwento niya sa mga ito.

"Ang swerte mo naman. Nakasalamuha na si pinunong Amari. Alam mo ba siya ang pinakahinahangaan namin lalo na ng mga kababaihan? Siya kasi ang patunay na hindi lamang mga lalaki ang pweding lumaban at mamuno sa mga kawal para protektahan ang aming bayan," bulong pagmamalaking sabi ni Yana.

"Tama ka d'yan, Yana. Siya din ang inspirasyon namin kaya kami dito sumali," si Lara.

"Tama ka, nakakahanga di lang sa kaniyang lakas kundi pati sa kaniyang kabaitan," nasabi ni Selene.

Matapos ang dalawang oras na kanilang pagpapahinga ay nagsilinya na din sila nang makitang paparating na ang pangkat ni Amari at patungo ang mga ito sa kanila.

"Sige, bago tayo magsimula ay hatiin niyo sa apat ang inyong bilang pagkatapos ay lumapit kayo dito--" turo nito sa apat na upuan na kakalagay lang sa kanilang harapan. "-- at ng magupitan kayong lahat."

Nagulat naman si Selene sa sinabi ni Amari. Hindi pa niya nararanasan na magupitan kaya naman napakahaba na ng kaniyang buhok. Ngunit hindi na lamang niya ito isinatinig.

Napapangiwi na lamang ang mga kababaihan habang nakamasid sa mga babaeng ginugupitan, nanghihinayang sa mahaba nilang buhok.

"Sunod!" sigaw ng naggugupit. Lumapit naman si Selene dito dahil siya na ang kasunod.

Unang paggupit ng kaniyang buhok ay narinig niya ang pagsinghap ng mga nasa paligid niya.

"PINUNONG AMARI!" sigaw ng lalaki.

Nagsilapit naman sina Amari dahil sa sigaw nito.

Napatanga silang lahat sa nakita habang kanina pa naguguluhan si Selene sa mga reaksyon nila.

"Pinunong, Amari? May problema ba?" tanong niya sa babae.

"Pinuno, ginto," di makapaniwalang sabi ni Anton.

"Isa lang ibig sabihin nito," seryosong turan naman ni Gino.

Tumango-tango si Amari habang namamanghang nakatingin kay Selene na may ginintuang buhok.
"Siya nga...




Siya nga ang nasa propiseya".

______________________________

Good day!

SELENE: Daughter Of The Moon GoddessWhere stories live. Discover now