Kabanata 5

20 4 3
                                    

"Magandang umaga, Binibini," bati ni Selene kay Amari na ngayon ay nasa may Teresa ng silid na kanilang inuukupa habang sumisimsim ng kape sa kaniyang gintong tasa.

Lumingon ito sa kaniya at matamis na ngumiti. "Magandang umaga rin sa'yo, Selene. Nakapagpahinga ka ba ng maayos?"

"Opo,"

"Mabuti naman dahil magsisimula ka ng mag-ensayo," sabi ni Amari.

Nalito naman ang dalaga sa sinabi nito. "A-ano ho? Ensayo?"

Humarap si Amari kay Selene,

"Ito ang isa pang rason kung bakit kita dinala rito, Selene. May nakikita akong potensyal sa'yo na magiging pakinabang sa pangkat ko," anito.

"Pakinabang? Sa paanong paraan?" tanong ng dalaga.

"Iyon ang hindi ko pa alam,"

"Hindi ka ba nangangambang baka isa akong espiya?"

Matamang napatitig sa kaniya ng ilang segunda at napangiti, "Iyon ang aking aalamin," sagot nitong may kaakibat na babala.

"Ano ang iyong pasya?" tanong ni Amari.

Napaisip si Selene. Baka paalisin ako sa kastilyo kapag humindi ako. Isa pa mapo-proteksyunan ko ang aking sarili sa mga humahabol sa'kin. Tama! Malaking bagay ang mapabilang sa pangkat nina Binibining Amari lalo pa't sasanayin niya ako sa pakikipaglaban. Maari ko iyong magamit upang maipaghiganti ko ang aking mga magulang. Naging buo ang pagpapasya ni Selene at sumagot ng,

"Tinatanggap ko po, Binibini" sagot niya rito.

Nasiyahan naman ang babae sa sinagot niya. "Halika sa kusina ng makapag-almusal na tayo," aya ni Amari.

Lumabas sila sa kanilang kwarto at kaagad na nagtungo sa kusina. Pagpasok niya room ay bumungad sa kaniya ang abalang mga taga-luto ng kastilyo. Pinupuno rin ang buong kusina ng mababangong amoy galing sa mga pagkaing niluluto roon. Kumalam ang kaniyang sikmura dahil sa sarap ng aroma ng mga pagkain.

"Anong gusto mong almusal, Selene," tanong ni Amari sa kaniya.

"Kahit ano nalang po, palagay ko naman pong mabubusog ako dahil amoy palang napakasarap na ng mga ito," aniya.

Mahinang napatawa ang kasama sa sinabi niya, "Sige," anito saka lumapit sa isang may kaedarang babae.

Kinausap ito ni Amari pagkatapos ay bumalik rin ito sa tabi niya.

"Halika na sa hapag para mag-almusal," anito.

"Oh, mabuti't gising na kayo," bungad ni pinunong Ramiel nang makita sila nito sa may pintuan.

"Magandang umaga, pinuno," sabay na bati nila sa lalaki.

"Magandang umaga, sa mga magagandang Binibini," bati sa kanila ni Kai.

Natawa si Amari sa sinabi ng kaibigan. "Salamat, Kai. Hindi ka talaga sinungaling," ani ng dalaga.

"Oh, narinig niyo iyon, hindi ba? Sabi sa inyong laging totoo ang aking sinasabi, e," ani naman ni Kai sa mga kaibigang nasa hapag.

"Binubola ka lang ni pinunong Amari," sabi ni Hano.

"Hindi iyan totoo!" depensa nito saka bumaling muli sa dalagang pinuno. "Hindi mo ako binubola, pinuno, di ba?"

Nakangiti lang napailing-iling lamang ang dalaga at hindi ito sinagot.

"Magandang umaga, pinunong Amari, Selene," pormal naman na bati sa kanila ni Gino na tinanguan naman ni Amari.

SELENE: Daughter Of The Moon GoddessWhere stories live. Discover now