Kabanata 7

30 4 2
                                    

Naguguluhang nakatingin si Selene
sa mga taong nasa tapat niya ngayon.

Matapos ang nangyari kanina nang tukuyin siya ni Amari na kung ano tungkol sa isang propesiya ay bigla na lamang sila napunta sa silid ni pinunong Ramiel.

Mahika

Iyon lamang ang paliwanag sa nangyari, pero sino ang gumawa? At bakit parang ganoon na lamang ang pagkagulat ng lahat sa pag-iiba ng kulay ng kaniyang buhok. Ngunit siya din ay nagulat ng maging kulay ginto ang kaniyang buhok. Ang akala niya ay tanging ang kaniyang lobo lamang ang may ginintuang buhok o balahibo.

"Tama nga ang aking hinala," ani pinunong Ramiel na nagpabalik sa kaniyang diwa. "May kakaiba sa iyo, hija. Ngunit hindi ko akalaing ganito kagulat-gulat ang malalaman ko sa iyong pagkatao," Nangingislap sa pagkagalak ang mga mata ng pinuno.

"Ikaw ang itinakda," dagdag pa nito.

Itinakda? Ako? Itinakda para sa ano?

"Paumanhin pinunong Ramiel, ngunit hindi ko maintindihan ang iyong sinasabi. Anong ibig ninyong sabihing ako ang itinakda?"

Sumagot naman ang pinuno habang hindi pa din nawawala ang kislap sa mga mata nito at malaking pagkakangiti nito. "Ikaw ang tagapagligtas ng mundong ito at ang tagapangalaga ng mga nilalang na nilikha ng iyong ina, ang diyosa ng buwan."

"A-ang aking i-ina?" gulat niyang tanong. "Isang diyosa... ang a-aking ina?" Nalilitong palipatlipat ang kaniyang tingin kina Amari na natiling tahimik mula nang mapunta sila sa silid na iyon.

"Oo, si diyosa Artemis ang iyong ina," wika ni pinunong Ramiel.

"P-paanong nangyari iyon? Imposibleng isang diyosa ang aking ina. Isa simpleng may bahay lamang siya? Ang aking ama, isa lamang siyang pangkaraniwang lobo. Kaya imposible ang inyong sinasabi," di matanggap ng batang si Selene ang sinasabi ni Ramiel, ngunit hindi din mawala sa kaniyang isip ang posibilidad na may kinalaman ang paulit na pagsalakay sa kanila ng mga nilalang sa katauhan ng kaniyang ina at sa propesiyang tumutukoy sa kaniya.

Nakakaunawang tinitigan siya ni Ramiel. "Nauunawaan kong naguguluhan ka pa sa ngayon. Subali't iyon ang totoo. Ang iyong buhok ang patunay sa iyong katauhan dahil tanging may dugong diyos at diyosa lamang ang maaaring damtan ng ginto sa katawan,"

Nakatanga lang siya sa lalaki at pilit isinisiksik ang kaniyang mga nalaman.

Kung siya ay isang diyosa, bakit niya hinayaang mawala sa akin si ama? Bakit siya nawala? Bakit niya kami iniwan?

Hindi namalayan ni Selene ang pagdaloy ng mga luha sa kaniyang pisnge kung hindi pa lumapit si Ramiel at masuyong pinahid ang mga luhang ito ay hindi pa niya malalaman.

Napatitig siya sa mukha ng lalaki at nagtanong. "Kung isa ngang diyosa bakit niya kami pinabayaan ni ama?" may hinanakit sa tinig niya nang itanong niya ito.

"Paumanhin, diyosa. Ngunit ako man ay hindi alam ang iniisip ng mga diyos at diyosa. Ang alam ko lamang ay nangyayari ang mga bagay-bagay dahil ito ay may dahilan na makakabuti sa hinaharap," ani ng lalaki.

"Pero bakit? Para saan ang propesiya? Dahil sa nakikita ko ay tahimik naman ang inyong bayan. Maliban sa mga pagsalakay sa amin, may kaguluhan bang lihim na pinaglalabanan ng kaharian?" nagtatakang tanong ni Selene.

Namangha si Ramiel sa bilis makaanalisa ng sitwasyon ng dalaga.

Tumango si Ramiel. "Mayroon. Mga rebelding lobo at bampira mula sa mundo ng mga tao."

"B-bampira? Tao? Anong mga nilalang ang iyong tinutukoy, pinuno? Hindi ko alam na may iba pang mga nilalang sa mundo?"

"Hindi, diyosa. Hindi sila taga rito sa ating mundo. Gamit ang mahika ng mga Calabis ay gumawa sila ng ritwal na gagawa ng isang daan upang magtawag ng mga malalakas na nilalang mula sa ibang mundo. Isang lobo din ang utak at ang pinuno ng mga rebelde, si Lazaro. Si Lazaro ay kapatid ng hari na may lakas na pantay sa lakas ng hari.

"Ayon sa isa pang propesiya, darating ang paghuhukom. Magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng mga rebelde, kasama ang mga bampira, at ng kaharian ng Hemrous. At ikaw ang itinakda na mamagitan at magliligtas sa pagkawasak nitong mundo, ang magiging tulay sa kapayapaan ng Hemrous," mahabang salaysay ni Ramiel.

Parang mas lalo siyang nalula sa kwento nito, lalo na sa kaalamang nasa kaniyang kamay nakaatang ang responsibilidad na panatilihing payapa at matiwasay ang mundo na tinitirahan ng mga nilalang na nilikha ng diyosa ng buwan, ng kaniyang ina.

"Sa ngayon kailangan muna nating isekreto ang iyong katauhan sa lahat. Hindi pa ito ang tamang panahon, diyosa--"

Pinutol naman ni Selene ang sasabihin ni Ramiel at bahagyang napangiwi sa itinawag nito sa kaniya. "Pakiusap, pinunong Ramiel. Tawagin niyo nalamang po akong Selene."

Ngumiti ang lalaki at saka tumango. "Sige, Selene. Sa ngayon ay dapat nating ikubli ang iyong tunay na pagkatao dahil nasisiguro long kapag nalaman ni Lazaro kung nasaan ka ay maaaring salakayin niya itong bayan at patayin ka," napahinga ito ng malalim bago nagpatuloy. "Alam kong may alam ka sa pakikipaglaban pero kung itatapat ka sa mga tauhang personal na nakadikit kay Lazaro at kay sa kaniya ay hindi ka magtatagal. Kailangan mo ng matinding pagsasanay."

Napatango-tango na lamang si Selene pero agad ding nagtanong ulit. "Paano naman po ang mga nakakita sa akin kanina?"

"Huwag kang mag-alala. Si Janus na ang bahalang magbura ng kanilang mga alaala," sagot nito.

Gulat at naguguluhang napatingin si Selene kay Janus. "Isa akong kalahating lobo at kalahating mangkukulam. May kakayahan akong humanity ng mahika dahil sa aking ina. Karangalan sa akin na pagsilbihan ka, diyosa," ani Janus at saka bahagyang yumukod pa sa kaniya.

Muling napangiwi si Selene. "S-Selene nalang po. Pakiusap tawagin niyo akong lahat ng Selene."

Napangiti naman sila maliban kay Gino na nanatiling seyoso.

Tumayo ng tuwid si Ramiel at hinarap ang pangkat ni Amari. "Amari, inaatasan ko ang iyong pangkat na maigi niyong bantayan ang pagsasanay ni Selene. Aasahan ko ang pagtatagumpay niyong palakasin ang anak ng diyosa ng buwan. Maliwanag?" maawturidad na wika ni Ramiel sa kanila.

"Makakaasa ka, pinuno!" sabay-sabay namang tugon ng walo.

...

Gaya nga ng napag-usapan tinanggal ni Janus ang alaala ng mga nakakita sa kaniya kanina. Pero bago sila makabalik sa parang ay ginupitan muna siya at binasahan ng isang ritwal upang manatiling itim sa paningin ng iba ang ginto niyang buhok.

Nagkasundo silang mananatiling kasama sa mga nagsasanay na kaniyang mga kaedad habang pagkatapos ng kanilang pagsasanay maghapon ay palihim siyang binibigyan ng espisyal na pagsasanay ng pangkat ni Amari at maging ang babae ay kasama sa mahirap na pagsasanay na ibinigay sa kaniya.

"Ilang segundo nalang, Selene, matatapos ka na!" sigaw ni Amari habang patuloy na nakatayo samantala nakataas ang isa niyang binte.

"sampu.."

Nangangalay na siya.

"Siyam.."

Gabi na pero nandito pa din siya, nagsasanay kasama ang walo. Nanonood lamang ang pito habang tinitignan naman ang kaniyang postura kung tama ba.

"Dalawa.."

"Isa."

Nahahapong napahiga si Selene matapos magbilang ni Amari. Mas matindi pa ang pananakit ng katawan niya kaysa noon na pagsasanay niya kasama ang ama.

Lumapit si Amari sa kaniya at naupo sa tabi niya.
"Gusto mo bang kumain kasama ko?" tanong ng dalaga.

Pagkasabi nito niyon ay saka naman tumunog ang tiyan niya. Napatawa ng mahina ang babae sa nakuhang reaksyon.

"Gutom na yata mga alaga mo," anito saka tumayo at inilahad ang kamay sa harap niya. "Tara!"

_______________________

Good morning!

SELENE: Daughter Of The Moon GoddessWhere stories live. Discover now