1. Application Process

Start from the beginning
                                    

Ano na? Tell me something about myself na ba? Magsisimula na ba 'kong magsalita? Binabasa ba niya yung résumé ko behind that tall chair? Ano na?

"You think you're qualified to be my secretary?"

Torn between iisipin kong demon personified yung CEO na 'to o talagang ganito lang ang boses niya. Pangit ba siya? Bakit ayaw niyang humarap sa applicant?

"I'm competent enough to be your secretary, sir," sagot ko agad na may kaunting confident nang slight sabay hugot ng hininga.

"How competent are you, Chancey?"

Bigla akong napaatras sa sandalan ng upuan ko nang biglang may humarang sa harapan ko. Shit! Saan siya galing?! Wala pala siya sa may upuan sa harapan ko! Whut?

Hindi ko siya maaninag nang sobrang linaw kasi madilim at nakatalikod siya sa lampshade, pero base sa silhouette niya, gusto ko nang bawiin yung demon personified description ko para sa kanya.

Yumuko siya hanggang matapat siya sa mukha ko. Lalo tuloy akong napaatras para makalayo.

Wow, grabe naman, ser. Kung buksan mo kaya yung ilaw at nang di mo idukdok 'yang mukha mo sa mukha ko para makita ako? Di uso common sense?

"Sir, farsighted ka ba?" tanong ko habang lumiliyad palayo sa kanya. Napalingon ako sa kanan para hindi magtama ang mga mukha namin. Shit, yung amoy, amoy-vanilla siya! Nagmemeryenda ba siya bago ako dumating? Naabala ko ba siya sa pagkain? E di sana, hindi muna niya 'ko tinawag.

"Look at me."

Sinulyapan ko siya saglit. "Sir, it's too dark here. I can't see you."

"I said look at me."

Grabe, demanding. Sige na nga kahit di ko siya makikita.

Tiningnan ko siya kasi sabi niya. Nakikita ko naman siya nang slight, pero sobrang dilim talaga. Nakatabing pa siya sa kakarampot na liwanag na meron ang office niyang super dark. Kung emo siya, sabihin na niya agad para hindi kami mukhang timang dito na nagtitinginan sa wala.

Snap!

Biglang lumiwanag sa buong office kaya mabilis akong napapikit dahil sa pagkasilaw.

Grabe naman siya, ano bang klaseng interview 'to? Gusto ko lang namang magkatrabaho! Ihe-hazing ba 'ko?

"Now, look at me."

Dahan-dahan akong dumilat at mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang magsalubong ang tingin naming dalawa—nitong CEO. Nitong maputlang lalaking may matangos na ilong at mapungay na mga mata. Wow, tapos ang lalim pa ng boses niya. Wow na wow. Kaya pala kung makapagpaganda yung mga kasabay ko kanina, ganito pala ang sasalubong sa kanila rito sa loob.

"Did you hear me?"

"Ha?"

"Narinig mo ba 'ko?"

Dahan-dahan akong sumimangot. Shit, may sinasabi ba siya?

"Sir?"

"Repeat what I said."

Anak ng palakang malaki, ano yung uulitin ko? OMG, may sinabi ba siya? Hindi naman ako sobrang na-out of zone, malamang na maririnig ko naman kung may sinabi siya, grabe naman.

"Ano yung sinabi ko?" pag-uulit na naman niya.

"N-Narinig mo ba 'ko? Iyan po?"

"Before that."

"D-Did you hear me?"

"Before that."

"Uhm . . ." Ngumiwi na ako. "Look at me?"

Prios 1: Contract with Mr. PhillipsWhere stories live. Discover now