Chapter 2: Wondering

6 3 1
                                    

GAVINA

Namamalikmata lang ba ako?

Pero hindi ako pwedeng magkamali, nakita ko talaga.

Kumain ka na lang nga muna Gavina!
Muling paalala ko sa sarili ko.

Tama, dapat kumain muna ako. Masamang paghintayin ang mga alaga ko sa loob.

"Ang lalim ng iniisip natin ah!"

Napatigil sa ere ang siomai na isusubo ko na sana nang biglang may sumulpot sa harapan ko. Napasimangot na lang ako at saka siya inirapan. Istorbo.

Naiinis na ibinalik ko na lang muna ang siomai sa lalagyan nito. Mamaya na nga. Hindi ko ito pwedeng kainin sa harap niya. Baka mabawasan pa.

"Oh? Ba't nandito ka? Hindi pa naman tapos ang klase ni Sir ah?" tanong ko at saka pasimpleng inilapit sa akin ang siomai plate.

Mahirap na. Baka mabiktima ako ni lastikman.

"Huwag kang mag-alala, hindi ako manghihingi" natatawang sabi niya.

"Baka humaba bigla ang kamay mo!"

Napailing naman siya habang natatawa at saka napasandal sa upuan habang humihikab.

Hmmm... Ngayon parang alam ko na kung bakit nasa labas na ang lalaking ito. Inaantok eh. At hindi na rin ako magtataka kung paano siya nakalabas. Kung hindi kasi naiihi, natatae naman ang idadahilan niya.

Nice!

Pero minsan, hindi ko rin maiwasan ang magtaka. Bakit parang hindi man lang siya pinapagalitan ng mga Professor namin? Lalo na ni Sir Rodolfo. Eh halata namang nagpapalusot na lang 'to eh para makalabas.

"Bakit ka ba nandito?" tanong ko.

Sympre kung inaantok siya, dapat sa lugar na pwede siyang makatulog pumunta.

Tulad ko, nagugutom ako kaya sa food court na ako dumeretso pagkalabas ng room.

Mamaya pa naman kasing 3 pm ang sunod na klase namin eh. 1 pm pa lang naman.

Hindi ako makapaniwala, 1 pm pa lang pero napalabas na agad ako ng room. Pero mas hindi ako makapaniwala na napalabas ako nang dahil sa wattpad.

"Wala lang. Masama bang pumunta
rito sa food court?"

Palusot 101.

"Hindi" maiksing sagot ko.

Napasulyap ako sa siomai na nasa harap ko. Nakakatakam! Nagugutom na ako.

"Alam mo, kung ako sa'yo, hindi na ako magbabasa tuwing may klase" bigla niyang sabi.

Napaangat naman ako ng tingin.

Nakakrus ang mga braso nito habang nakasandal.

Bakit parang nakikita ko sa kaniya si Sir Rodolfo?

"Bakit naman? Ang saya kaya. Ang sayang mag-imagine at mangarap na ikaw ang Prinsesa ng isang Prinsipeng Bampira. Oh my god!"

Hindi ko na napansin na nakapangalumbaba na pala ako habang ini-imagine muli ang isang scene sa utak ko.

"Hindi naman totoo ang mga bampira. Umaasa ka lang sa wala"

Nawala ang ngiti sa mga labi kong binalingan siya. Hindi man lang ako sinuportahan.

"So? Totoo man sila o hindi, mangangarap pa rin ako. Pakialamero 'to!"

Kanina pa 'yan sa loob ng room eh. Hindi na nga ako sinusuportahan.

"Sa ayaw at gusto mo, makikialam ako Gav. Kaibigan mo ako, 'di ba?"

Tears of a Healing BloodWhere stories live. Discover now