Chapter 1: Wattpad is Life

13 4 8
                                    

GAVINA

"Sir!"

Sana all may knight and shining armor.

"Yes, Mr. Matillano?"

Sana all may secret admirer.

"Math is the language of Physical Science"

Sana all binabantayan kahit sa pagtulog.

"Good! Another one?"

"Sir!"

"Yes, Mr. Suarez?"

"Si Miss Del Carmen daw po"

Oh my God! Sabi na eh, Vampire Prince talaga 'yung secret admirer mo, Helena!

"Sana all may Prinsipeng Bampira!"

"What did you say, Miss Del Carmen?"

"Sabi ko po, sana all may Prinsipeng Bampira!" napangusong sagot ko at saka lumipat na sa next chapter.

Mas lalo tuloy akong na-excite!

"Sana all may Prinsipeng Bampira? So, you're reading a vampire story? That's interesting, Miss Del Carmen!"

Oh my God, hala!

Mabilis kong nabitiwan ang cellphone ko at agad na tinakpan ito ng notebook. Mula sa pagkakayuko ay dahan-dahan kong iniangat ang mukha ko at halos matampal ko ang sarili kong noo nang mapagtanto ang sinabi ko.

Dapat nasa isip ko lang 'yon eh!

Halos lahat sa mga kaklase ko ay nagtataka ang mga matang nakatingin sa akin. May ilan namang natatawa at naiiling.

"Miss Del Carmen"

Para akong biglang hinabol ng aso nang malipat ang tingin ko kay Sir at magtama ang mga paningin namin. Ramdam ko ang biglaang paggapang ng kaba sa katawan ko.

"Ahh eh... A-Ano po... I-Isang chapter lang naman po sir" napakagat sa labing sagot ko dahilan para mapatango-tango siya ng ilang beses.

"Isang chapter..." pag-uulit niya.

Umalis ito sa harap ng table at saka tumalikod sa amin. Tinungo niya ang upuan ng kaniyang lamesa. Hinawakan niya ito at pansin ko ang mahigpit na pagkakakapit ng dalawa niyang kamay rito.

"Stand up!"

Nawala ang atensyon ko sa mga kamay niyang nakakapit nang bigla siyang magsalita.

Awtomatiko naman akong napatayo.

"Let me ask you, Miss Del Carmen"

Lagot na.

"Ano po 'yon, Sir?" pilit ang ngiting tanong ko.

"What is the connection of that Vampire Prince to our subject? Very interesting ang binabasa mo at gusto kong malaman kung may koneksyon ba 'yan sa asignatura natin ngayon, para basahin mo sa oras ng klase natin. Sige nga, sabihin mo sa akin".

Mula sa likod ng kaniyang upuan ay naglakad muli ito palapit sa white board at bahagyang sumandal doon. Pinagkrus niya pa ang kaniyang mga braso at muli akong binalingan.

Sa tindig, boses at ekspresyon pa lang ng mukha niya ay alam kong hinahamon ako nito.

Sasagutin ko ba?

Napakagat-labi na lang ako nang muling maisip ang tanong niya. Ano bang koneksyon ng Prinsipeng Bampira sa subject namin na Math?

Eh wala naman...

Tears of a Healing BloodWhere stories live. Discover now