Chapter 11: Questions

8 2 4
                                    

GAVINA

"Telepatiya"

Halos matampal ko ang sarili kong noo nang marinig ang sinabi niya. Oo nga pala!

Bakit ko ba nakalimutan 'yon?

Isa nga pala talaga sa mga kakayahan nila ay ang makapagbasa ng iniisip ng iba at makipag-usap gamit ang isip nila.

"Tila marami kang nalalaman patungkol sa aming kakayahan..." biglang usal niya.

Wala sa sariling napangiti naman ako.

Wattpader ata 'to.

"Wattpader? Ano ang ibig sabihin ng salitang iyon?"

Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Nakangiti ang mga labi kong sinagot siya.

"Sikretong malupit!"

"Pwede ba, tigil-tigilan mo na ang pagbabasa sa isip ko? Kanina ka pa eh!" naiinis nang dagdag ko.

Bwiset na bampirang 'to! Manyakis na, chismoso pa!

Mahina naman siyang natawa.

"Kung 'yan ang iyong nais, sige. Hindi naman ako ang mapapaslang ng wala sa oras" napangising saad niya.

Mapapaslang ng wala sa oras?

"Ihanda mo na ang iyong leeg. Dahil sa oras na lisanin ko ang iyong isipan, paniguradong mag-uunahan sila papunta rito. Pag-aagawan ng mga baliw na bampira ang iyong nakakatakam na leeg hanggang sa maputol ito" nananakot ang boses na saad niya.

Pag-aagawan ang leeg ko hanggang sa maputol ito?

"S-Saan ka pupunta?" kinakabahang tanong ko nang akmang tatalikod na ito.

"Pagbubuksan sila" sagot niya na ikinanlaki ng mga mata ko.

Pagbubuksan sila?!

Oh my God!

Bago pa man niya mahawakan ang pinto para buksan, ay agad na akong napatayo at tumakbo papalapit para pigilan siya. Mabilis kong iniharang ang sarili sa may pinto.

"S-sige na! Basahin mo na nang basahin ang isip ko!" napilitang saad ko habang nakatingala sa kaniya.

Napangisi naman siya.

"Salamat!"

Napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. Salamat?

"Pu*ang*na ka talaga Trein!"

---

"Binibining Gavina, bawiin mo ang iyong sinabi kanina"

"Sige, gawin mo... Iyon ay kung nais mo na talagang mapaslang!"

"Huwag kang maniwala sa mga pinagsasasabi niya. Nais ka lamang niyang paglaruan at isama sa kaniyang mga kalokohan"

"Nararamdaman ko na sila. Naaamoy ko na ang mabahong hininga ng mga baliw na bampira!"

Kasalukuyan kaming nasa parang sala ng bahay nila. Nakaupo kami ngayon sa kahoy na upuan nitong bilog na lamesa, na siya ring gawa sa kahoy. Magkakaharap kaming tatlo, na tila ba bumubuo ng hugis tatsulok dito.

Mahigit kalahating oras na ang nakalilipas nang mangyari ang pananakot sa akin nitong manyakis na bampira doon sa silid. At mahigit kalahating oras na rin akong nasa ganitong posisyon at sitwasyon.

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa mag-ama. Sa tuwing magsasalita si Mang Lucas, nasa kaniya ang mga mata ko. Pero sa tuwing magsasalita naman itong manyakis niyang anak na si Trein para sumabat, nasa kaniya naman ang atensyon ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tears of a Healing BloodWhere stories live. Discover now