C34

69 8 1
                                    

Chapter 34
Rule number 10

PAGKATAPOS ng party, umuwi agad kami. Ang sabi ko tatapusin ko yung mga school paper assignments ko na pinaniwalaan naman nila. Si Esang na halatang gusto pa maki jamming ay napilitang umuwi kasama ako. Pagdating sa bahay, humiga lang ako sa kwarto. Hindi ko ginalaw ang mga nasa study table ko na mga assignments ko. Mas pinili kong titigan ang kisame.

I want you to know, I like someone

I want you to know, I like someone

I want you to know, I like someone

I want you to know, I like someone

I want you to know, I like someone

I want you to know, I like someone

I want you to know, I like someone

I want you to know, I like someone

Parang sirang plaka na paulit-ulit na nag-e-echo sa ulo ko. Sa sobrang inis ko, ihinagis ko ang maliit kong notebook sa ilalim ng study table ko. Doon ko sinusulat ang mga kaartehan, kalandian at way para i-crushback ako ni Winston.

Expired na yata. Di na tumalab.

Maaga akong pumasok kinabukasan. Hindi dahil naeexcite ako sa interview ko sa kanya o ano. Maaga lang talaga akong nagising na pabor naman sa akin para sa akin dahil para di ko s'ya maabutan. Usually kase, 25 minutes before the time s'ya dumadating.

Pero malas. Kasabay ko s'ya pumasok sa gate. Buti na lang hawak ko yung folder na naglalaman ng project ko. Nagkunwari akong nagbabasa habang naglakakad papunta sa grade 10 building.

Narinig ko s'yang nag fake coughed pero di ko alam kung nauubo lang talaga s'ya kaya di ako tumingin.

"Uh... Pau."

Napatingin naman ako sa kanya. I smiled and wink at him. Ayokong ilahalata na affected ako.

"Yes?" Malambing na sabi ko.

"Anong oras mamaya?" tanong nya.

"After lunch."

Tumango sya at naunang maglakad. Ibinalik ko na lang ang tuon ko sa folder.

Pagdating sa classroom, naabutan ko si Wendell na may dalang box.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Christmas decor, pandagdag. Tutulong ka ulit?"

Tumango at lumapit sa kanya.

Pinaghiwalay namin ang mga garlands, Christmas Balls, Christmas lights at anu pa ng checheburetche na designs para sa pasko. Naabutan kami ng iba naming kaklase. Nang dumating na si Esang at BM ay inaya ko sila sa Canteen. Lately talaga sabay silang umuwi at pumasok sa school. Well, di na ako magtataka kung isang araw sila na..

"Anong plano n'yo sa Christmas?"

I shrugged my shoulders. "Fam."

"Ay busy si Pau." Saad ni BM.

"Kayo na lang. May aasikasuhin kase ako."

"Saan naman?"

"Nagsisitayuan na ang buhok ng EIC dahil wala pa akong article. And busy din sa ibang bagay."

Tumango tango naman sila.

"Sama n'yo si JM. PG pa naman yon. Matutuwa yon." Saad ko.

Tumago ulit sila saka uminom ng tubig.

Paano ka magiging crush ng crush mo? ✓Where stories live. Discover now