C26

74 6 0
                                    

Chapter 26
Field Trip part 2


Nagkita kita kami ng naaayon sa napag-usapan. Tahimik lang akong kumain hanggang sa pagsakay ko sa bus.

Sunod naming pinuntahan ay ang science musuem. Habang papunta kami doon, kumakanta ang mga kaklase ko ng "The wheels of the Bus" na nursery rhymes na sinasabayan ng iba. Sila Esang naman ay nagkukwentuhan at ako naman ay nasa cellphone lang nakatengga sa social media app. Pagkarating sa science museum, nasasabi ko na doon naaliw ako. Natawa ako kay JM at BM na nasa bilog na bola na parang mga bakulaw na naka tayo ang buhok. Nag picture pa kami kuha ni Esang. May mga 3D illustration pa at diniscuss sa amin ang astronomy sa mas malinaw na paraan.

Sunod na pinuntahan namin ang mesuem ng manila. Doon kami nakakita ng madaming painting at anv spolairuim na kanina ay pinanonood pa lang namim si G. Antonio. Sunod na pupuntahan namin ay isang Manila Zoo.

Nasa bus kami ngayon at nagkukwentuhan.

"Kawawa kaya si Antonio don. Tas tama pa s'ya, ang totoong kalaban ng mga Pilipino ay ang kapwa nya Pilipino." Pagpapaliwanag ni JM.

"Ay sus, kunwari may natutunan talaga pero kanina ka pa nagsasalita ng Hijo De Puta sa daan. Kupal ka." Pambabara ni BM kay JM.

"Oo kase. Yun ang word of the day. Punyeta."

Sunod non nag-away na ang dalawa na inawat naman ni Esang.

Tiningnan ko naman si Winston na kumakain at busy sa cellphone n'ya. Kinuha ko naman ang cellphone ko saka sya palihim na chinat.

Pauline JMendoza: Huwag kang sumimangot baka mabunggo tayo.

Narinig ko naman ang pag pop up n'ya sa cp.

Hindi ko alam ang reaksyon n'ya dahil nakaharap ako kila BM at JM na hanggang ngayon ay nag-aaway pa din.

Hindi pa din s'ya nagrereply.

Pauline JMendoza: luh snobber

Pauline JMendoza: Galit ka?

Pauline JMendoza: Ginagawa mo?

Pauline JMendoza: Hey:)

Pauline JMendoza: ano yung vinyl record na hawak mo kanina?

Puro lang yan seen n'ya at hindi ako sinasagot kaya hinarap ko s'ya. Nakasalubong ko ang mata n'ya na natingin sa akin na para bang may krimen akong ginawa.

"Snobber." Saad ko saka tumalikod uli.

Inoff ko ang CP ko saka inabot ang inaabot na snack ni BM. Binuksan ko ito saka napansin ang pag pop up ng isang message.

winston luke: ang ingay mo.

Napangiti naman akong tiningnan sya at umayos ng upo.

Pauline JMendoza: weh, di naman ako nagsasalita.

winston luke: ahh ganon.

Halos gusto kong matawa sa pinagagawa ko. Kapag nililingon ko sya di naman sya tumitingin. Nakatingin lang sya sa cp nya.

Pauline JMendoza: joke lang naman.

Pauline JMendoza: so ano nga? Ano yung vinyl record mo kanina?

winston luke: mltr

Pauline JMendoza: huh? Ang ikli naman. Sing ikli ng pasensya mo

winston luke: *pag-asa mo

Pauline JMendoza: ansama. Magsalita ka na lang. Kakatamad mag type.

Paano ka magiging crush ng crush mo? ✓Where stories live. Discover now