C12

90 6 2
                                    

CHAPTER 12
CRUSH KO DAW SI BM


WALA na ako sa sarili ng lumipas ang mga araw. Ni hindi na nga din ako nakalampas sa bawat araw. Ang alam ko lang, bigla bigla ko na lang inamin kay Winston na crush ko sya at gagawin ko ang lahat para maging crush nya din ako.

Kinabukasan, ang sabi na lang sa akin ni BM na panalo daw sya sa pusta dahil totoo daw yung sinasabi ko. Napabusangot na lang si Esang sa nangyari at saka inako ang paburger sa byernes at saka pa coke.

Ako naman ay iniiwasan ko silang kausapin ng ilang araw at saka nakinig na lang ng klase.

Sumapit ang biyernes at totoo ang sinabi ni BM na maaga kaming pinauwi ng mga teachers. Bale, isang period lang sa hapon ang na consume namin at pinauwi na agad kami ng school.

Dahil sa nangako si Esang ng paburger ng at pa coke, pumunta kami sa plaza at tumambay sa ilang food court na matatagpuan doon. Marami din nagkalat na estudyante kagaya namin. At lahat sila, kanya kanya ng ginagawa.

Biyernes kase, bukas WEEKENDS na.

"Pauline bakit parang matamlay ka?" mukhang napansin yata ni Esang ang kondisyon ko dahil mabagal akong kumain.

"Ha?" tanong ko saka ngumiti at ngumuya.

"Ilang araw ka kayang wala sa sarili. Tapos nagjojoke si BM, di ka naman tumatawa." saad nya pa saka kumagat uli ng burger.

Uminom lang ako ng coke at saka tiningnan sila.

Paano ko ba sasabihin yung katangahang ginawa ko nung lunes ng hapon? Pano ba magsabi ng katangahn sa tropa?

"Nga pala, ano nangyari dun sa awarding?" pag-iiba ko ng usapan. Teka wala pa akong lakas ng loob kung paano ko sissimulang sabihin. Baka mabilaukan ng wala sa oras si Esang at kaltukin yung ulo ko.

"Second place ka, Pau. Ang alam ko, six points ang nakuha mo sa TLE." Nginitian lang ako ni BM saka ngumuya ng burger. "The great spoken poetry of pau for her crush becomes second place wow."

"Teka, speaking of awarding, anyare at bigla kang nawala non? Hindi ka naming mahanap ah. Di rin kita natanong these past few days dahil nagging busy sa exams at mukhang ayaw mo din magpaistorbo. Ngayon lang kami nakakuha ng chempo tanungin ka." Esang look at me while biting her burger and then look at BM.

They both glance at me with worried face.

Fine,mukhang kailangan ko na umamin ah.

Bago ako magsalita, nilunok ko ang nginunguya kong burger saka uminom ng coke. "Guys, wag kayo magugulat ah."

Hindi sila nagsalita, inaantay lang nila ang susunod kong sasabihin.

"Ano kase...diba pinapunta ako ni Winston sa Gym turns out inuutusan nya pala akong ilagay sa stock room yung isang kahon ng art props and pagdating ko don narinig ko si Dolly at Winston nag-uusap sa hagdanan ng rooftop." Lumunok ako ng laway pagkatapos ko sabihin yon.

Teka hindi ako mapakali kung- Ah! Ewan.

Bahala na.

"Narinig ko na nagcoconfess si Dolly ng feelings kay Winston." Pagpapaliwanag ko.

"WEH?! TOTOO?!" sabay nilang saad na halos mapatayo na sila. Wow?! Relationship goals?! Sabay dapat?

Ay wala pa palang sila.

Jusko namang mga chismosa toh, pahalata naman. Buti na lang mabilis kong nahatak mga damkit nila para umupo kundi napagtinginan na kami ng mga tao dito dahil sa mga bibig ng dalawag toh.

Paano ka magiging crush ng crush mo? ✓Where stories live. Discover now