C17

85 7 1
                                    

CHAPTER 17
SAPUL

"HALA, MAY BUKOL!" bulalas ni JM

"Wag ka na kayang pumasok bukas." saad ni Esang.

"Kami na bahala bukas basta magpagaling ka para sa Friday." saad ni BM.

Nandito kami ngayon sa clinic nagpapahinga. At kung tinatanong n'yo kung ano man ang nangyari....

Well, tinamaan lang naman ako ng pag-ibig ni Winston.

Sobrang lakas nung impact, di ko keri.

Oo na, joke lang.

Ganito kase...


AFTER the incident on the canteen, naisipan ko na kunin ang cellphone ko saka minessage si BM na nasa may tapat ako ng building ng grade 7 kung saan matatagpuan ang booths. Kakalakad ko at kakaiwas sa nangyari, napadpad ako sa mga booths.

Balak ko sana umalis na kaso nakita ko Esang na nakatingin sa photo booth. Hindi naman ito nakabusangot pero ramdam ang kalungkutan sa mukha nito. Nakatayo s'ya sa isang lilim na bahagi ng kabilang side kung saan ako nakatayo. Mukha s'yang tulala dahil hindi n'ya napapansin ang presensya ko.

Pinuntahan ko naman s'ya at gaya nga ng inaasahan, hindi n'ya napansin ang presenysa ko. Kinalabit ko s'ya at saka bahagya s'yang nagulat nung nakita n'ya ako.

"Kanina ka pa tulala dyan. Alam mo kung ahas lang ako, natuklaw ka na." pabiro kong saad kahit na nakasimangot.

Mahina s'yang napatawa. "Huh? May balak kang maging ahas?"

Nagkibit balikat ako. "Oo. Pero yung version ni Taylor Swift."

Napakunot s'ya ng noo, senyales na di nya naintindihan.

"Be kind to everyone not until they step on you."

Nakipag-apir naman s'ya ng marinig ang sagot ko. Yan. Sige.

"Ginagawa mo dito? Akala ka ko ba nag-aasikaso ka ng groupings n'yo." pagsasalita ko ulit dahil alam kong mapuputol na ang conversation namin.

Bumuntong hininga s'ya saka tumingin sa Photo Booth. "Kakatapos lang namin. Bukas namin sasamahin lang ng ginawa namin. Tas nastuck ako dito sa Photo Booth."

"Pa picture tayo." pag-aanyaya ko.

Napatingin s'ya. "May pera ka?"

Tumango ako. "Nag-ipon ako para dito, tara."

Ngumiti naman s'ya. "Sige ba. "

Sakto naman sa pagkakasabi n'ya ay sumulpot ang dalawa. Sinabi ko sa kanila na magpipicture kami kaya tumango naman sila. Tutal mamaya pa naman magsisimula ang laro ni Winston, magpapapicture na kami.

Binulungan ko na ang Photographer ng Photo booth na si Kate na isa din sa mga Photo Journalist at kasama ko sa publication na kukuha kami ng apat na copy ng wallet size na photo. Hinanap ko si Red dahil balak kong sabinutan pero nasa field na daw ito nagtatrabaho. Tumango naman s'ya at pinesyuhan kaming 50 pesos sa halip na 80 pesos.

Haha! Perks of being a journalist slash may connection.

Inasist naman kami ng ibang nasa Photo Booth sa tatlong kahon na may lamang props na ginagamit pag pupwesto na sa Green na Background. Tuwang-tuwa naman si JM na pinaglalaruan ang wigs at pinahawak pa sa nagaasist ang gaming pods nya.

In the end, lahat kami ay nagsoot ng wig;si JM ay mahaba ang buhok, si BM naman ay baka Apro-african style, si Esang na naka Apro din matapos may pony tail at ako naman ay naka naka kulay green na long hair wig. Katabi ko si JM at katabi naman ni JM si Esang na katabi ni BM. Apat na shots ang kukunin sa amin kaya apat na pose din ang ginawa namin. Pagkatapos namin ay nagpasalamat kami kay Kate at talagang inantay namin na ma print yung picture namin. Kumuha kami ng kopya isa-isa saka tumawa dahil kay JM na mukhang babae sa picture. Ngumuso pa ito at ibinaling na lang ang atensyon sa gaming pods n'ya.

Paano ka magiging crush ng crush mo? ✓Where stories live. Discover now