C55 (Last Chapter)

168 9 8
                                    

Chapter 55
COMPLETION DAY

PAULINE

"Maging crush ng crush ko. Kanino ito? Mind to explain." sabi ni mam Tanya.

Lahat naman sila ay nakangiting tumingin sa akin. Yes, alam nila dahil meron akong maingay na bestfriend.

Proud akong naglakad sa unahan saka tumayo doon. This day, we are discussing about our other goal na nilagay sa fish bowl. May mga patungkol sa mga taong natutong tumugtog ng instrumento, may mga diet goals, may mga achievement na personal at may achievement na patungkol sa crush. Isa ako doon. Actually, hindi ko nga alam na lima pala kami. kaya naman nakangiti lang akong naglalakad. Umupo naman si mam sa gilid saka nakinig. Bakit ba ako pa yung huling nabunot?

"Dati, patingin-tingin lang talaga ako sa kanya. Walang araw na hindi ako motivated na hindi s'ya makita. Walang araw na hindi ako naka aim na maperfect ang score sa test at quiz para lang maging kaklase ko s'ya ulit. Gusto ko makita n'ya ako as a talented and smart Pauline pero mukhang ayaw yata akong maging kaklase ng tadhana sa kanya uli."

Nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Yung crush ko, kilala n'yo naman iyon. Snobber at grim looking guy. Minsan hindi matino kausap. Minsan pa nga masakit magsalita at nambabara. Ang akala ko nga noon eh idedetention n'ya ako sa sobrang annoying ko pero hala kayo...

"Umamin ako sa kanya na crush ko s'ya. Sabi ko sa bespren ko, kapag naging crush n'ya din ako, hindi na ako lilipat ng school. Pero mahihirapan ako kase may nakakagusto sa kanyang kaklase n'ya na mas maganda at mas brainy kesa sa akin.

"Iniyakan ko pa nga s'ya ng patago mam. Kase alam nyo po, kapag may crush ako, ginaganahan akong gawin ang mga bagay. Ginaganahan akong mag-aral. I always aim for the best. Lagi ko nga napeperfect yung exam sa Filipino eh. Kase gusto ko kapag binalita na ng common subject teacher namin sa kanila yung score ng kabilang Section gusto ko maririnig n'ya 'perfect na naman ni Ms. Mendoza yung 60 item test'. Nakakagana kaya. Nakakproud. Isa pa, honor student ang crush ko, member ng student council tas athlete pa. Kaya magpupursige ako talaga.

"May notebook pa nga akong sinusulatan ang mga mangyayari sa susunod na gagawin ko kung paano magpapansin sa kan'ya. Yung mga rules para mapansin n'ya. Pati pag spoken poetry inaalay ko na sa kanya kase gusto ko mapansin n'ya ako. Palagi s'yang may Gatorade sa akin ebery year na may laro s'ya sa intrams."

Naghiyawan ang mga kaklase at sumigaw si Wendell ng "Pauline lang malakas!"

"Best moment nakasayaw ko crush ko nung Promenade!"

Mas lalong umingay ang classroom at nag sana ol lahat. Pinatahimik naman sila ni mam.

"Tularan n'yo si Pauline. Kapag magkakacrush kayo, dapat para sa ikatatas ng grades hindi yung lalandi kayo tas mapapabayaan yung grades n'yo. Honor student pa naman si Pauline dahil doon sa determination n'ya sa crush n'ya." Sabi pa ni mam.

Nag-ingay naman sa classroom. Kesa mag hahanap na daw sila ng crush. Si Sarah daw mag hahanap na din ng crush pero pinigilan s'ya ni Yuri dahil baka daw ma ghost daw ito ulit. Inaway naman ni Sarah si Yuri saka kami nagtawanan.

"Ang tanong naging crush ka ba ng crush mo?" Tanong ni mam.

Hindi ako sumagot.

Yung mga epal kong kaklase ang nagsabi kay mam. Napangiti lang ako tas nagtatago ng mukha.

"Sino ba kase yang crush ni Pauline?" Tanong ni mam.

"SI WINSTON NG SECTION B MAM!" sabay-sabay nilang saad saka naglakad ako pabalik sa upuan ko na nahihiya.



Paano ka magiging crush ng crush mo? ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon