Chapter 21

4.7K 71 0
                                    

*Gab’s POV*

[A/N: *sings* For the first time in forever hihohihohiho 😂]

Honestly, kinabahan ako sa sinabi ni Ice kanina. Akala ko iiwanan nya na ako. Natatakot ako. Halos wala akong kinakatakutan. Pero ang alam ko lang ngayon, takot akong mawala sya. I love her. Yes, I do love her. Hindi ko alam kung kelan at kung paano. I just woke one day realizing na what I feel for her is something more than just how a friend is supposed to feel. Never pa akong nagkagirlfriend. Feeling ko kasi may hinihintay pa ako eh.

All this time sya lang pala yung hinihintay kong kokompleto sa akin. Tae, ano ba yan, ang corny-conry ko masyado.

Nung moment na nagising ako at nalaman na may nangyari sa amin, natuwa ako. Alam kong ang selfish nun masyado. Alam kong hindi sya natuwa sa nangyari. Pero ako, gusto kong ganun ang mangyari eh. Excited na akong magkaanak. Excited na akong makabuo ng pamilya kasama sya.

Wala akong alam sa pagbubuntis at mas lalong wala rin akong alam sa pagiging ama. Kung may libro lang talaga tungkol sa pagiging magaling na asawa’t ama, bibilhin ko yun kahit magkano pa. Pero wala eh. Kung magkakaanak na kami, gusto ko kahit hindi ako ang maging pinakamagaling na ama’t asawa sa buong mundo, ipagmamalaki pa rin ako ng mag-ina ko kasi alam nilang ginawa ko lahat ng makakaya ko.

Tiningnan ko si Ice habang natutulog sya. Buntis nga sya pero hindi mo yun mahahalata sa kanya. Hindi pa naman kasi lumalaki yung tyan nya eh. Sabi naman ni Mommy, may mga ganyang cases daw talaga. Baka daw maliit lang talaga yung bata. Tsaka isa pa, magti-three months pa naman yung bata eh. Siguro normal lang na hindi pa sya ganun ka laki.

I kissed her forehead. “You just don’t know how long I’ve waited for this. Tiniis ko lahat ng sakit kasi alam kong in the end, worth it naman ang lahat. I love you.” I whispered.

Nung mga panahong magkaMU pa sila ni Alec, hindi ko alam kung ba’t naiinis ako sa t’wing nagkukwento sya sa akin tungkol sa kanilang dalawa. Pero nung malapit na kaming makagraduate, dun ko lang narealize na selos na pala ang nararamdaman ko. At hindi ko lang mahal si Ice bilang kaibigan. Pero hindi ko yun sinabi sa kanya. At kahit kelan, hindi ako nangahas na sabihin yun sa kanya kasi bukod sa may Alec na sya, ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Kung yun lang ang kaya nyang ibigay sa akin, ok lang. As long as I have her. Hindi ko man sya pwedeng angikinin ng buo, at least alam kong may puwang pa rin ako sa puso nya. At yun lang ang panghahawakan ko.

At ngayong nasa akin na sya, hinding-hindi ko na sya pakakawalan, magkamatayan na. Balak ko na ngang magpropose sa kanya. Ngayong gabi sana yung balak ko kaya lang tinulugan nya naman ako eh. Siguro next time nalang. Hahanap nalang ulit ako ng lakas ng loob. Actually, matagal ko ng balak to eh. Remember nung nagpunta kami sa mall tas iniwan ko sya kay Manong Ice Cream? Naghanap ako ng singsing nun. Balak ko nga ring ibigay sa kanya yun nung araw na yun mismo kaya lang wala akong sapat na lakas ng loob.

Bahala na nga lang si Batman. Kung kami, kami talaga. Lame, I know. But I do believe in that. Tiwala lang.

*Ice’s POV (na ulit)*

Patuloy na nagrereplay yung sinabi ni Gab kagabi. Lang’ya, mas lalo tuloy akong do makatulog.

”You just don’t know how long I’ve waited for this. Tiniis ko lahat ng sakit kasi alam kong in the end, worth it naman ang lahat. I love you.”

Ano naman kayang ibig nyang sabihin dun? Matagal nya na rin naman akong sinasabihan ng I love you kahit nung magbestfriend pa lang kami. Hindi ko lang talaga maintindihan kung anong ibig nyang sabihin. May mga naiisip akong theory pero ayokong mag-assume. Mahirap na. -,-

At dahil matagal akong nakatulog kagabi, matagal rin akong nagising. Nagtangka si Gab na gisingin ako pero binalaan ko sya na hindi na sya sisikatan nga araw pag ginising nya ako. Buti nalang talaga’t masunurin sya. XDD

Mag-aalas dos ng hapon na nang magising ako.

“You’re finally awake, Ice ng buhay ko.” He grinned.

“Eww! Sa’n mo na naman napulot yan ha?” Kagigising ko lang yan na agad ang bungad nya.

“Yan naman talaga ang meaning ng buko eh. *sings* Ikaw pa rin ang buhay ko.”

“Manahimik ka Gabriel ah? Kagigising ko lang kaya wala ko sa mood. Umayos ka.”

“Sorry po Captain.”

“Tsk. By the way. Why are you here? You’re supposed to be on your review.”

“Tulog ka pa kasi eh, walang magbabantay sa’yo kaya I decided na samahan ka muna.”

“Muna? Eh hindi ka na makakahabol nyan. Mag-aalas dos na kaya?!”

“Alamo ko.” At nagsmile pa ang loko.

“O, tapos?”

“Masaya naman ako dito eh. Tsaka mas gusto ko yung mga nalelearn ko dito kesa dun sa review.”

“Haaa? Eh ano namang nale-learn mo dito, aber?”

“Nale-learn ko kung pa’no ka matulog. How often you change you position. I also learned that even when you drool, you still look pretty cool. O di ba? Rhyme! XD”

“Drool ka dyan. Sapukin kita eh.”

“Chill ka lang Ice. Seryoso, ang ganda mo kahit tulog ka. Dinraw pa nga kita eh.”

“Owwws?”

“Totoo nga. Ayaw mong maniwala? Ipapakita ko sa’yo.” Then pinakita nya sa akin yung sketch nya. Tulog ako tapos...

“Teka, ba’t katabi kita dito?”

“Para kunwari may picture tayo habang tulog ka. Ampangit naman kasi kung magselfie ako habang tulog ka eh. So, yan nalang. Tsaka pinaphotocopy ko pa yan.”

“Seriously???” Ang adik ng trip nya ngayon, seryoso.

“Ayaw mong maniwala ulit? Ito oh.” Tas ipinakita nya na naman sa aking ang photocopiessssss ng sketch nya. Plural yun ah? Dinamihan ko pa yung S para plural na plural talaga. -_-

“Ang adik mo.”

“Adik sa’yo.”

“Ewan ko sa’yo.”

"Talaga? Alam mo, may nabasa ako ma story sa wattpad. Sabi dun, ang ibig sabihin ng ewan ko sayo is I love you. Siguro hindi mo lang maamin ng derecho sa akin noh? Ok lang yan Ice-buko. Obvious na naman eh. HAHAHAHA."

"SHUT. UP."

Tumalikod na ako bago nya pa makita ang pamumula ng pisngi ko. Alam kong napakaselfish nitong ginagawa ko pero gusto kong sulitin muna ‘tong mga panahong ‘to habang kasama ko pa sya. Masakit mang isipin at tanggapin pero alam kong hindi na ‘to magtatagal. Hindi rin naman pwedeng magstay dito sa tabi nya kahit alam kong hindi talaga ako buntis kasi alam kong kelangan ko syang palayain. I am not the right one for him. He’s gonna find someone someday who is a lot better than me. Someone na maibibigay lahat ng hindi ko kayang ibigay sa kanya.

A Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon