Chapter 16

4.9K 93 0
                                    

“Finally, gising ka na. Kung anu-ano na ang ginagawa ko para gisingin ka eh.” Sino pa nga ba ang nag-iisang kasama ko rito?

“Ba’t mo ba ako ginising eh ang aga-aga pa eh.” I murmured sabay pikit ulit.

“Aga? Eh mag aala una na eh!”

“Weh?”

“Tsk. Bumangon ka na dyan.” He ordered.

“Tsk. May lalakarin ba tayo ha?” dahan-dahan akong bumangon.

“Wala naman.” He grinned. “Parang gusto kong mag-mall ngayon eh.”

“Tsk. Ginising mo ako just because you want to go to the mall? Seriously?”

“Nakalimutan ko. Ikaw nga pala si Ice. But I don’t care. Maligo ka na at aalis na tayo.”

“Tsk. Hindi mo man lang tinanong kung gusto ko bang sumama eh.”

“Well, you don’t have any other choice. You have to go with me wheter you like it or not.”

“Yes sir. -_-“

Ayoko talagang pumunta sa mga mall. It bores me. Masyadong maarte pa man din to si Gab kapag bumibili. Akala ko nga dati bakla yan kasi di ba ang sabi nila, generally, ang mga lalake pag namimili sa mall, hindi choosy. Before going there, alam na nila kung anong bibilhin. Ibahin nyo si Gab. Parang babae yan kung mamili. Puputa yan dun nang hindi alam kung anong bibilhin. Tas dun na sya magdedecide kung ano ba talaga ang gusto nyang bilhin. Usually, nalalagpasan na namin yung gusto nya pala. So, kelangan pa namin yung balikan. Yeah, he’s so maarte. -,-

Ako kasi, kapag nagpupunta ako sa mall, usually may dala talaga akong listahan ng mga bibilhin ko. Tapos, pag hindi yan nakalista, hindi ko talaga bibilhin yan. I’m thrifty kasi eh. 😏 Pag wala naman akong dalang listahan ,iniisip ko lang kung anong kelangan ko or if I ever see something tas magustuhan ko yun, which is very unusual, binibili ko agad. Wala ng pili-pili. Pulot dito, pulot dun, then ok na. That’s how I shop.

Iniisip ko palang na magmo-mall ako kasama tong kumag na ‘to, sumasakit na ang ulo ko. Good luck nalang talaga sa akin. -_-

“ICE! Are you done? Don’t tell me you went back to sleep?!”

Kitams? Mas malakas pa nga syang tumalak kesa sa akin eh. Minsan tuloy naitatanong ko kung bakla ba talaga sya. Marami namang bakla dyan na nambubuntis ah? Maybe he’s one of them.

“Yeah. Tulog pa ako. Gisingin mo ulit ako kasi ayoko pang bumangon.” I sarcastically said habang papalabas ng room NAMIN. -,-

“Very good. Now, bilisan mong kumilos para mahaba-haba pa yung oras natin para mamili.” Then he stopped walking. “On second thought, wag ka na palang magmadali. Baka mapa’no pa yang baby ko eh.”

I smiled. Feel na feel nya ah?

Habang nasa sasakyan kami, I can’t keep my eyes off him. Uy, wag kayong ano ah? Walang malisya yun. Ngingiti-ngiti kasi yung gunggong. Parang siraulo lang.

“Ano na naman yang nasinghot mo?” I asked.

“Nothing. I’m just... I dunno. I’m glad?”

“Glad ka dyan. You’re creepy.”

“Thanks.” He looked at me and smiled.

“Magfocus ka na nga lang sa pagda-drive. Mamaya nyan mabangga pa tayo.”

“Ikaw kasi eh.”

"Ano na naman bang ginawa ko?"

"Inaagaw mo ang atensyon ko." Then he winked.

I just rolled my eyes. This guy is getting creepier each day.

After 58740725927 years, nakarating na rin kami sa mall. Pinili nya talaga ang MOA. Kahit may malapit naman na mall dun sa condo, dito nya talaga naisipang pumunta. Ang arte-arte talaga. Pagdating na pagdating namin dun, dinala nya ako dun sa may stall ng ice cream.

“Stay there, okay?”

I just stared blankly at him.

“Manong, babayaran ko po lahat ng ice cream na makakain nya.” Binigyan nya yun Mama ng 500 pesos. “Kapag po kulang yan, babayaran po kita pagbalik ko. Tsaka wag nyo pong paalisin to ah?”

“Opo sir.”

I don’t know kung dapat ba akong matuwa kasi hindi nya ako sinama sa pamimili nya, which is very tiring, o kung dapat ba akong mainis kasi iniwan nya ako dito, which is very boring. -_- Haisst. Mabuti nalang may Cornetto tong Mamang to. Kain lang ako ng kain. Ewan ko kung ilang Cornetto na yung naubos ko. Bakit ba? Eh sa wala akong breakfast at lunch eh. Kagigising ko pa nga lang di ba? At dahil saksakan ng pagkagentleman itong si Gab, hindi nya muna ako pinakain. Well, pinakain nya na pala ako, ng ice cream. -,- Pasalamat sya paborito ko to. Ugg. Hindo porket bestfriend ko sya at alam nya ang kahinaan ko eh pwede nya na yung gamitin against me. That’s just so unfair. T^T

After another 58740725927 years, bumalik na rin ang loko. Himala, wala yata syang dala ngayon.

“What’s up?” Nakangiti nyang bati sa akin.

“Kulang po kayo ng 120 pesos sir.” Bati din ni Manong. Yey! Ang nice ng timing mo Manong XDD

 “Manong, bakit po 620 lahat?” I asked.

“Nakaubos ka po kasi ng 16 na disc at 11 na hindi disc. Yung disc tig-25 yun. Tas yung hindi disc, tig-20 yun.”

“Talaga  Manong? Nagawa ko yun? HAHAHAHAHAHA. Ang galing ko talaga! Apir tayo Manong!” At nag-apir nga kami. Si Manong na talaga ang bago kong bestfriend  XD Honestly, hindi naman totoo na naubos ko yun eh. Kami ni Manong ang kumain nun. Tas minsan, namimigay ako sa mga batang dumadaan; that’s if naku-kyutan ako sa kanila. Hihihihi. Balak ko kasi talagang ubusin ang pera ni Gab eh. Pasalamat sya konti lang ang mga cute na bata ngayon sa mall. *o*

“Tsk. Ang takaw mo talaga. Eto Manong oh.” Binigyan nya si Manong ng 200. “Keep the change.”

“Choss. Apir tayo ulit Manong.” At nag-apir nga kami ulit ni Manong Ice Cream. Uto-uto nga eh. Hahahahha.

Habang naglalakad kami palabas ng mall, may mga nakakasalubong kaming mga bata na may nilalantakan ng ice cream. Sympre nagte-thank you sila sa akin at nags-smile naman ako.

“Mukhang alam ko na kung anong ginawa mo. Sabi ko na nga ba balak mong ubusin ang pera ko eh.”

I just grinned. Halata pala? XD

“Buti nalang mayaman ang ama ng magiging anak natin. 😏”

Dugdug. Dugdugdug. Dududugdugdug. Leche. -____-

A Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon