Chapter 23

4K 64 0
                                    

“Gab, are you sure na ok ka lang? Kanina ka pa talagang balisa dyan eh. Have you killed someone? Are the cops looking for you or what?” Nakakaparanoid na talaga ‘tong si Gab.

“H-ha?” ‘Tamo, nauutal-utal pa. -_-

“Wala. Tsk. Tara na nga.” I dragged him to hell. Joke. Tawa kayo, dali. -_-

After 0.000000000000001 second, nakarating na kami sa garden. Bilis noh? Hindi ko rin alam kung ba’t nandito kami.

“Ah, Gab. Bumalik nalang pala tayo sa loob. Mali yata yung pagkakarinig natin kay Tita Clarisse. Wala namang tao dito eh. O baka napaaga lang tayo.” I said habang lumilinga-linga sa paligid.

“No. We’re where we should be.”

“Eh?” Napalingon ako sa kanya. “Sininghot mo na naman lahat ng usok ng tambucho noh?”

“Ha?” He frowned. Medyo nawala yung nervousness nya saglit. Nadistract yata sa joke ko. Er, was that even a joke? -_-

“Wala. Narinig ko lang yan sa kaklase ko nung college. ^____^V Pero seryoso, anong pakulo ‘to? Si Ate Isabelle talaga, kahit birthday, ginagawa nyang date. She really is a hopeless romantic.” I said, pointing to the roses around us. Ang romantic kasi ng paligid eh. Parang hindi naman pang birthday party ‘to kun’di pang-Valentine’s Day.

“I... Uh... Hoooo” He sighed.

“Gab? Ok ka lang? Gusto mo ipa-mental  na kita?” O_O

“Alam kong hindi ka naniniwala sa forever.”

“EH? Anong konek nun sa sinabi ko? Pati, sino namang nagsabi nun?” I frowned.

“Patapusin mo muna ako, pwede?” He was looking pale.

Nag-nod nalang din ako even if I wasn’t sure kung anong nangyayari.

“Pati ako, hindi rin ako sigurado kung totoo ba yun eh. Pero gusto kong malaman kung totoo ba yun. And if it really does exist, I want to spend it with you.”

Sheemayyy. Parang alam ko na ‘to ah. -_- Ito ba yung part na biglang lalabas si Joey de Leon sabay sasabihing ‘Nasa Wow Mali ka.’?

“Hindi ko alam kung anong meron at mangyayari sa future. Hindi ko rin alam kung anong isasagot mo sa itatanong ko. Pero one thing is for sure, I want to marry you.”

Sabi ko na nga ba e- wait, what? Pakiulit?

“Diana Isabelle Smith, pwede ko bang palitan ang apelyido mo?”

Eh kung bangasan ko kaya to? Ano bang problema nya sa family name ko? Maganda naman ah. -,-

“Pwede bang apelyido ko na rin ang maging apelyido mo? Takte, hindi yata benta sa’yo. Bwiset talaga ‘to si Brylle. Kung anu-ano ang tinuturo sa akin. Where were we? Ah! Uh, Ice, I want to be the man who’ll kiss you in front of the altar. I want to be the man you’ll spend the rest of your life with. I want you to be mine. Kasi ako, matagal nakong sa’yo. Ayokong maging ama lang ng magiging anak natin. Gusto ko ring maging asawa mo. Ice, please marry me.”

O_O Naloko na. Anong isasagot ko? Complicated na nga yung sitwasyon, mas pinacomplicated nya pa. Bakit nya to sinasabi sa akin? Gusto ng puso kong um-oo pero alam ng utak ko na hindi ang dapat na sagot.  Maraming akong dapat na iconsider, hindi lang ‘tong nararamdaman ko. Pa’no pag nalaman nya na hindi pala talaga ako buntis? Pa'no kung masyado pa palang maaga para sa amin ang ganyang bagay. Yes, 20+ na kami. But that doesn’t mean that we’re old enough. Marami pa kaming hindi nae-experience. Sabi ng prof namin nung college, before deciding, dapat timbangin mo muna ang lahat-lahat. Lahat ng pupwedeng mangyari, dapat mo munang isipin. Pero sabi naman ni Mommy, sundin ko raw kung ano ang sinasabi ng puso ko. Sabi nila, hindi raw madali ang pag-aasawa. Marami rawng mga pwedeng mangyari na never mong inisip na pwede palang mangyari. Pero sabi ni Dad, when it comes to love, you have to take risk like what he and Mom did. Sino bang dapat kong paniwalaan? Ano bang dapat kong sundin? Ang pinaniniwalaan ko, o ang sinisigaw ng puso ko?

I took a deep breath.

This is it.

I have decided.

Hindi ako sigurado sa desisyon ko. I have no idea kung tama ba ‘tong gagawin ko.

I looked at Gab. He was staring at me. His brown eyes were desperate, like they’re begging me to say yes.

I touched his cheeks. I looked into his eyes and smiled. Kasabay ng pagngiti ko ay ang pagpatak ng mga luha ko. “I-I’m sorry Gab.”

A Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon