Chapter 5

7.8K 84 2
                                    

Super duper fast forward na itey. Last day na namin dito ngayon. I think I don’t need to tell you what happened during our vacation. Nothing unusual really happened. Everything, including the, uh, medyo madalas na, uh, hindi pagkakasundo nina Alec at Gab ay very usual.

So eto na... I and the love of my life are under the comfort of this very marvelous mango tree while watching the fascinating beauty of sun rise. O di ba? Ang OA ng scene? XD

“Parang kelan lang nung una tayong nagkakilala Bhebe Girl noh?” Alec.

“Oo nga eh. Naalala ko pa yung patpatin mong katawan nun. Hahahahahaha.”

“Nahiya naman ako sa kasexyhan mo dati.”

“Bakit ba? Cute naman ako nung chubby pa ko ah? Kaya mo nga ako naging crush nun eh. Eeeeeehhhhhhhhhh.”

“Pero ngayon mahal na kita.”

Sa totoo lang, kinikilig ako. Pero syempre dapat di ko muna yun ipakita. Mamaya ko nalang sya isusurprise. <3

“Uh, Bhebe Boy, may sasabihin sana ako sayo eh. Pero mamayang gabi na. Hindi ko kasi alam kung pano to sabihin eh.” Kunwari matamlay ako nyan. Buwahahahaha.

“Hindi ba pwedeng ngayon mo na lang sabihin?”

“Mamaya na. Ayokong maapektuhan tong araw na to.”

“Ah, sige. Uh, Bhebe Girl, alis muna ako. May bibilhin lang ako saglit.”

“Sige Bhebe boy, ingat ka.” I smiled.

Anniversary namin ngayon. Oo, hindi kami pero may anniversary kami. Magulo ba? Hindi naman, uso na kaya yan ngayon :P Few years ago, naging magkaibigan kami. Yun yung time na una ko syan pinansin at nagkausap kami ng hindi related sa school. Feeling ko nga parang kahapon lang yun eh. Pero kinikilig pa rin akong isipin na hanggang ngayon nandito pa rin sya; naghihintay na gawin naming official yung pagiging kami. Hahahahahaha, nagfi-feeling High School ako O////O

By the way, I’m gonna tell you a secret. Mamayang gabi nga pala, sasagutin ko na sya. Oh di ba? Ang galing kong umarte kanina? Actually kasabwat ko dito si bestfriend. May inihanda akong surprise para sa kanya. Ako pa nga mismo ang magluluto eh. I’m so excited na talaga.

Kanina ko pa tinitext tong si Gab pero hindi pa rin nagrereply. Ugh. Kainis. I need to make sure that  everything’s fine. Ayokong maging epic fail ang pinakamagandang gabi sa buong buhay ko. I know kadalasan boy yun nageeffort ng ganito. Pero hindi naman siguro magiging malaking kasalanan kung ako naman ang gagawa nito ngayon di ba? Besides, he does not know a single thing about this.

Anyhoo, tatawagan ko na lang tong magaling kong bestfriend. At dahil ako ang may napakalaking pangangailangan sa kanya, kelangan kong magpakabait.

“Hello?”                

“Hi Gab :)”

“What?”

“Uh, I just want to make sure kung tuloy pa rin ba yung plano natin mamayang gabi?”

“Of course. Ilang ulti mo na yang paulit-ulit na pinapaalala sa akin kaya imposibleng makalimutan ko yan.”

“Hehehe. Thank you so much. You really are so adorable. That’s why I love you eh.”

Umismid sya. O di ba? Hindi ko sya kaharap pero alam na alam ko kung anong nangyayari sa kabilang linya. “May kelangan ka lang eh.”

“Hahahaha. Hindi naman. Masama na bang maglambing sa’yo ngayon?”

“Tsk. Sige na. Pumunta ka na rito at nang masimulan mo na ang pagluluto.”

“Yeah, I’m coming. Stay there ok? I’ll be needing you.”

“Of course, you know nothing about cooking kaya mo ko kailangan. Good luck nalang talaga sa Alec na yan.”

I hanged up. Andami pang satsat eh. Pasalamat sya I need to be good for the sake of my lovelife. Hihihi. Ambait ko talagang bestfriend. *O*

Paalis na ako nang nakita ko si Alec na nakasandal sa puno sa likuran ko.

“U-uh. K-kanina ka pa?” I stammered. Baka narinig nya yung pinag-usapan namin ni Gab, mahirap na. Baka yun pa ang magpa-epic fail sa surprise ko.

“Yes.”

“Uh, did you ano? Uh...”

“No. I did not hear anything.”

“Uh, hehehe. Akala ko ba may pupuntahan ka?”

“...”

“Uh, sige Bhebe boy, mauna na ko. Labyu.” I said and ran. Matagal ko nang gustong sabihin yun eh. ^_________________^ Sorry, di na ko makapaghintay. 😄

~~~

“Ang tagal mo ah?” Si Gab.

“Eh kasi naabutan ako ni Alec dun. Kinabahan nga ako eh. Akala ko narinig na nya yung usapan natin.”

“Hindi ka kasi nag-iingat.”

“Pero hindi nya naman narinig eh.”

“Tch. Ewan ko sa’yo. Plano mo naman to eh. Although hindi ko talaga balak na suportahan ka dito pero wala akong magagawa kasi bestfriend kita.”

“Awwww... Thank you talaga bestfriend.. I super duper love you.”

“You only say that when you need something from me.”

“Eeeeehhh... Nagtatampo na ang bestfriend ko. Okay lang yan. Labs naman talaga kita eh. Hindi lang ako showy.” I winked at him.

He just stared me then shook his head. “Whatever. Ayusin mo nalang kung anong dapat mong ayusin. You don’t want an epic fail right?”

“Yup! *o*”

A Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon