Chapter 7

6.1K 98 0
                                    

“So ano nang gagawin mo?” tanong sakin ni Gab. Nakajacket nako ngayon. Bwiset na ulan kasi yun eh, nabasa tuloy ako ng di oras.

“Pupuntahan ko sya.”

“Are you sure about this?”

Tiningan ko sya ng masama. “You think kaya ko pang magbiro sa ganitong sitwasyon? OK ka lang?”

“Sabi ko nga. Gusto mo samahan kita?”

“Wag na. Maabala pa kita.” I walked away. “By the way, pwede na kayong lumabas dyan sa pinagtataguan nyo, aalis na ako.”

Lang’ya rin tong mga kaibigan kong to eh. Nagtago ba naman sa mga sulok ng room; nakikichismis ata. Akala naman nila hindi sila madaling makita. Mga engot talaga.

Ano na kayang nangyari sa Alec na yun? Kinakabahan ako. Baka may nangyari nang masama sa kanya. Hindi ko kakayanin yun. Kung saan-saan ko sya hinanap. Hanggan sa napadpad ako sa isang, ewan ko kung anong tawag dun, parang bar pero probinsya style? Yung bar na hindi naman talaga bar? Basta ganun. Open kasi sya kay kitang-kita yung nasa loob.Wholesome naman. Wala namang nude girls o kung ano. Duh? Hindi ko naman sinabing *toot* di ba? -_-

Lumapit ako doon upang magtanong. (Char, my Tagalog is so deep. Nakita nyo si Adele? 😂)

“Excuse me po Kuya. Pwede po bang magtanong?”

“Sure. Ano yun, Hija?”

“May nakita po ba kayong lalake na ganito kataas? Tapos, matangos po yung ilong, gwapo, tsaka, makinis yung kutis?”

“May dala ka bang picture nya?”

“Ay! Oo po, meron po.” I said sabay abot nung picture namin na wallpaper ng phone ko. “Here.”

“Ahh... Oo, nakita namin to kanina. Nakiinom pa nga yun kanina eh.”

“Talaga po? San po sya nagpunta?”

“Uh, eh, kaano-ano mo ba sya Ineng?”

“Bo-“ Oo nga pala, hindi pa kami official. Ngayong gabi pa sana kasi hindi nya ako sinipot eh. “Kaibigan nya po.”

“Ah, ganun ba? May nakasama yung babae kanina eh. Baka girlfriend nya yun.”

Girlfriend? No, baka lasing lang tong Mamang to. That’s impossible. He promised me that he’ll wait. Hindi yun magagawa sa akin ni Alec.

“H-ho? S-san po sila nagpunta?”

“Hindi ako sigurado hija, pero baka pauwi na rin yun sa kanila kasi kaaalis nya lang eh.”

“Sige po Kuya. Maraming salamat po.”

“Walang anuman.”

Habang naglalakad ako, hindi ko mapigilang mainis. Naiinis ako kay Alec kasi hindi nya ako sinipot tapos wala naman palang emergencyng nangyari sa kanya. Naiinis ako dun sa Mama kasi kung anu-ano yung pinagsasasabi nya. Pero pinakanaiinis ako sa sarili ko kasi naniniwala ako dun sa mga sinabi nung Mama kanina. Dapat hindi ako maniwala eh. Pero hindi ko maiwasang magduda lalo pa’t hindi nya sinasagot yung mga tawag ko.

Habang halos kausapin ko na ang sarili ko dahil sa sobrang inis, may narinig akong sound. Parang may namo-moan or something. Syempre kinabahan ako. Baka mamaya may zombie pala sa paligid eh. So nagpalinga-linga ako until parang may nakita ako sa likod ng puno. Dahan-dahan akong lunapit habang nagsa-sign of the cross. Wag naman sana akong kainin ng creature na’to. Marami pa akong gustong marating.

Nung nakalapit na ako, sobrang nagulat ako sa nakita ko. I wasnt expecting it. I wasn’t expecting to see him. Shit! Alec is doing it with someone! I gasped kaya napatingin sila sa akin at natigil yung milagrong ginagawa nila.

“S-sorry.” I just said and ran away. Maistorbo ko pa sila eh.

Pero gago lang talaga yung Alec na yun. Nag-effort ako ng bonggang-bongga tapos ganun pala yung gagawin nya? Siraulo pala sya eh. Kung atat na syang makaganun, edi sana hindi na nya ako niligawan. Sana pala nagrent nalang sya ng sex slave. For all I know baka kaya lang sya pursigidong manligaw sa akin kasi gusto nya lang makuha yung Virginity ko eh. Neknek nya. Hindi ko yun ibibigay ng basta-basta noh?! Leche sya!

“Bhebe girl!”

“Bwiset na lalake.” Bulong ko.

“BHEBE GIRL!” sigaw nya. Mas binilisan ko naman yung paglalakad ko.

“ICE!” hinila nya ako. Yucks, feeling ko ang dumi-dumi nya. Feeling ko, mahahawa ako sa kadumihan nya kapag hahawakan nya ako. “It’s not what it looks like.”

I just raised an eyebrow. Medyo madilim pero may enough na light para makita nya yun.

“I... I was just making out with her.”

I faked a laugh. “Wow! So if makita mo akong nakikipag make out sa iba, ok lang pala sayo? As long as we’re not having sex?! I never knew you’re such an asshole!”

“Ngayon galit ka? Eh ikaw nga tong nakikipaglandian sa best friend mo eh. Kunwari magbestfriend kayo pero yun pala, may relasyon na pala kayo.”

“At pinapasa mo sa akin yang katarantaduhan mo? Pati, what the hell are you talking about? Anong problema mo kay Gab?”

“Narinig ko yung usapan nyo kaninang umaga. Nakita ko ring pinuntahan mo sya. Gaano katagal nyo na akong niloloko ha?” sumigaw sya. Never ko pa syang narinig na sumigaw o magalit ng ganito. Maybe it’s because of the alcohol. Pero at least alam ko na yung totoong kulay nya.

“You know what? You’re an asshole.” I just said sabay alis.

“Wait, I’m still talking to you.” He grabbed me.

“Ano ba! Let me go!” Nagpupumiglas ako pero ayaw nya pa rin akong bitawan.

The next thing I knew, he was kissing me already.  Hindi sya yung kiss na sweet at passionate. Ito yung kiss na harsh at alam mong ginawa lang dahil sa galit. Biglang dumating si Gab at inwat ito. Sasapakin na nya sana si Alec but I stopped him.

Lumapit ako sa kanya and I slapped him hard. “This is for stealing my first kiss.”

I slapped him harder. “This is for accussing me of having an affair with my best friend. For not trusting in me.”

I slapped him one more time. Yung sobrang lakas talaga na feeling ko nag-echo sa buong Tagaytay. “And this is for cheating on me and making me believe that you really love me.”

Lumayo ako sa kanya. “Kung hindi lang sana makitid yang utak mo, eh di sana nalaman mong para sa’yo yung pinag-usapan namin. Muntik na kitang masagot. Pinaghandaan ko tong gabing to! I even cooked for you kahit hindi naman talaga ako bagay sa kusina. Pero lahat ng efforts, lahat ng pinagdaanan natin, nasira lang dahil dyan sa kaengotan mo. Maybe we’re really not meant for each other.”

Aalis na sana ako nang may naalala ako. “And one more thing.” Luapit ako sa kanya and kicked him where it hurts the most. Napa-Awww sya. Buti nga sa kanya. Nagiging monster talaga ako pag galit. “That’s for being a jerk and for ‘JUST’ making out with that slut.” I said bago tuluyang umalis.

Shit! I just got my first kiss. Oo nga’t ang ganda ng scene kasi starry night, kahit kauulan lang, malamig ang hangin at malapit kami sa nature, pero yung mismong kiss eh hindi naman sweet. Wag nalang uy! Bwiset talaga!

A Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon