Chapter 13

5.4K 83 0
                                    

“ICE! Kahit kelan talaga napakabatugan mo!”

“Tsk.” Yan na lang ang nasabi ko. Pero syempre nilakasan ko ang volume ng headset ko para hindi ko marinig ang pang-iistorbo ng nilalang na ito. Bahala sya inaantok pa talaga ako.

“HOY!”

“Anak ka ng nanay mo! Ano ba? Natutulog pa yung tao eh. Hindi ka talaga marunong rumespeto.” Pang-aaway ko sa kung sinong nilalang man to.

“Bumangon ka na nga dyan. Aalis na tayo.”

And with that, napaupo ako bigla. O_O Si Gab?

“What the hell are you doing here?” I shouted. Sino ba namang hindi magugulat? Paggising ko bigla nalang sya yung makikita ko? Hindi pa man din ako nakakarecover sa sinabi ni Mommy kahapon. -,-

“Sinusundo ka.” He said like it’s the most usual thing on planet Earth. Well, it was. Nung mag bestfriend pa kami. I mean, magbestfriend pa rin naman kami ngayon pero alam nyo yun? Basta, alam nyo na yun.

“Where are we going?” I asked.

“Stop playing that game. Tita told you already. Alam ko yun. Kaya kung ako sa’yo, tumayo ka na dyan. Kung gusto mong matulog ulit, dun ka nalang sa condo matulog. Nandun na rin yung ibang gamit mo dun; pinadala na ni Tita.”

-_- Parang excited an excited si Mommy na palayasin ako ah? May hinanakit sya sa akin? Ganun? -_-

“Tsk. As if I have a choice.”

“Tsaka bilisan mo kasi may review pa ako mamayang hapon. Umabsent na nga ako ngayong umaga eh. Ba’t kasi kelangan pa kitang sunduin.”

“Hoy lalake, hindi ko sinabing sunduin mo ako. Hindi kita pinilit na sunduin ako dito kaya umayos ka dyan.”

“Tsk. Magbihis ka na nga.” He said and walked away bitbit yung kape nya.

Anyare sa lalakeng yun? Sarap sapakin eh. -,-

At wala na nga akong ibang nagawa kundi ang magbihis. Akala ko pa naman next week pa ako lilipat dun. May paalis-alis pa kasing nalalaman sina Mommy eh. Napaaga tuloy ang pag-evacuate ko.

Ang boring namang kasama nitong lalakeng to. Sobrang tahimik. Sabagay, we have nothing to talk about naman. Pero hindi lang talaga ako sanay. Dati kasi, nag-aasaran kami sa loob ng sasakyan eh. Tapos ngayon... It’s so sad to think na because of that incident, everything has changed. I treasure our friendship a lot. Syempre mahirap para sa akin tong ganito. Pero kung tutuusin, hindi nya naman kelangang gawin to eh. Sinabi ko naman na sa kanila na ok lang sa akin na pumunta sa Melbourne kasama tong baby tapos dun na kami magsi-stay permanently. Pero di ba hindi sya pumayag? It’s their choice, not mine. Choice nyang pahirapan ang sarili nya kaya wala syang karapatang umasta ng ganyan. Ginusto nya to kaya panindigan nya. Kainis talaga to. 😒😒

Feeling ko ang bagal-bagal ng oras. Nasa Alabang pa rin kami ngayon. Tsk. Grabe pa yung traffic. Anong oras kaya kami makakarating ng Makati nito? Makapag-Spotify na nga lang. At dahil sa ganda ng boses ng ex kong si Ed Sheeran, (kidding) nakatulog tuloy ako.

“Captain America? Kelan ka pa natutong lumipad?” I said habang nakapikit pa rin yung mata ko.

Nananaginip ako, I know that. Halos gabi-gabi ko kayang napapanaginipan yung mga superheroes ng marvel. Lalo na ang my labs kong si Captain America. Tapos minsan pa si Hulk. Wala lang, naaaliw lang ako pag nagagalit sya, ang cute-cute eh. *o* Hihihihihihihi

“Awwww...” biglang may pumitik sa noo ko. “Anong problema mo Capt... Aaahhhh!!!!!!!!!!!!! Put me down! Put me down!” Nagpupumiglas ako. Pa’no ba naman kasi, buhat-buhat nya pala ako. Akala ko pa man din si Captain America pa rin ang nagbubuhat sa akin eh.

“Shut up, will you?”

“Ba’t mo ba ako binubuhat?” Galit na naman. Siguro alam nyo na kung sino sya. Parang si hulk lang eh. Di ba sabi nya dun sa The Avengers, “I’m always angry.” Ganyang-ganyan si Gab ngayon. Mas cute nga lang si Hulk kahit kulay green pa sya. -3-

“Eh kasi ang hirap mong gisingin. Nasa 4th floor pa yung unit natin plus one hour nalang, magre-review na kami. Alangan namang hintayin pa kitang magising?”

Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

“I said put me down!” I shouted. Nakakahiya na kasi. Pero yikes, unit namin daw. Parang bagong kasal lang? Ugg. Ano ba tong iniisip ko. -_-

“Do you really want me to put you down right here? Right now? Masasaktan ka pag ginawa ko yun.”

Is it just me or parang may meaning pa behind those words? Uggggg... Masyado na naman akong nag-aassume. =_=

“Ah eh...” ih oh uh? Ano bang dapat sabihin kuu? Huehue.

“Tsk.”

Then pumasok na kami sa elevator at dun na nya ako binaba.

“Kung hindi lang talaga ako takot na makunan ka, binagsak na talaga kita dun kanina.”

Okay. Mananahimik nalang ako. Nakakatakot naman tong isang to. Lagi nalang galit these days, pansin ko lang. Hindi ko naman sya inaano ah? -,-

Syempre nanahimik na ako sa loob ng elevator. Mahirap ichika tong kasama ko. High blood masyado eh.

A Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon