Chapter 40: Moving on

Start from the beginning
                                    

Tumingin sya sa mata ko na parang pinipilit basahin kung nag sasabi ako ng totoo. Sinalubong ko sya ng tingin para ipakita na okay na ako. Madiin kong hinawakan ang  cellphone sa kamay ko at pinigilan na kagatin ang lower lip ko dahil baka mahalata nya na nag sisinugaling lang ako.

“Okay, naniniwala na ako na okay ka. “ Hinawakan nya ang pisngi ko. “Pero tawagan mo pa rin kami if you need anything.”

“I will,” Nakahinga ako ng maluwag. “Thanks.”

“Come on, hatid na kita sa inyo.” Yakag nya saka kami lumabas ng council. Mag katabi kaming nag lalakad. Naramdaman ko rin ang mga tingin ng mga tao sa paligid. Iniisip kasi nila na may relasyon kaming dalawa ni Rico dahil nga wala na si Yuan pero hindi ako ganun, dahil kung alam lang nila na bawat araw si Yuan lang ang laman ng isip at puso ko ay hindi nila ako huhusgahan.

Pag hatid sa bahay ay naligo ako at binuksan ang laptop para gawin ang mga assignments, reports, at kung ano ano pa. I need to keep myself busy para hindi ko maisip si Yuan. Para hindi ako umiyak. Para hindi ako masaktan.

Napatingin ako sa pangalan ni Meg ng mag pop-up ang name nya. Tinanong nya kung gusto kong manuod ng gig nya ngayon gabi. Mag tatype sana na ako ng ‘Nextime nalang’ pero agad ko yung binura at sinabi ko na pupunta ako. Pag katapos nyang sabihin kung saan ang bar ay nag paalam na kami sa isat-isat. Pinatay ko din ang laptop at sandaling humiga ng kama at tumingin sa side table kung saan nandoon ang frame ng picture ni Yuan.

“Yuan, what should I do?” Tanong ko sa picture nya. “They’ve all moved on, pero ako hindi ko magawa, pakiramdam ko na stuck up ako sa araw na sinabi mong  babalik ka pag katapos ng isang lingo pero tatlong buwan na ang lumipas…” Pumiyok ang boses ko at nag init ang mga mata ko. “Miss na miss na kita.” Tinakpan ko ng kamay ang mga mata ko kahit na alam ko naman nawalang nakakakita sa pag durusa ko.

Ang sakit. Ang sakit sakit pero kahit anong gawin ko hindi ko kayang alisin yun. Habang tumatagal din ay nasasanay ako sa sakit.

Tahimik akong umiyak hanggang sa wala na akong mailuha saka ako tumayo at naligo para mag ayos para puntahan ang gig ni Meg. Hindi naman ako pinag bawalan ng mga magulang ko, parang mas natutuwa pa nga sila dahil ngayon lang ako ulit lumabas ng bahay. Sa loob ng tatlong buwan ay puro school at bahay lang ako.

“Take care anak..” Bilin ni Mama pag kahatid sa akin sa kotse. 

Tumango ako at ngumiti saka pinaadar ang sasakyan. Nasa daan na ako ng mag text si Meg kung nasaan na raw ako. Nag text back ako sa kanya na malapit na ako. Alam kong delikado ang ginawa ko pero ginawa ko pa rin. Simula ng mawala si Yuan naging reckless na ako. Binilisan ko ang takbo at sumigaw ng malakas. Ito ang unang beses na nakapag drive ulit ako ng solo.

Pag dating sa bar ay marami akong nakitang school mates kaya hindi naging mahirap sa akin ang makihalubilo. Panay din ang bati sa akin ng mga nakakakita sa akin. Tumingin pa ako sa paligid para hanapin ang table nila Meg at ng makita ko yun ay agad akong lumapit sa kanila.

“Z! I’m glad you came.” Bunga ni Meg saka ako niyakap.

Secret loversWhere stories live. Discover now