Chapter 43: It's just a dream

13.8K 319 41
                                    

 

Yuan

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Zia ng makita ako pero ilang minuto lang ay napalitan yun ng takot. Oo takot, takot na bumalot sa buong mukha nya, siguro akala nya ay isang akong multo.  Masama akong nakatingin sa kanya. Kinagat nya ang ibabang labi nya, ginagawa nya lang yun kapag kinakabahan sya at hindi malaman kung anong dapat gawin. Ibig sabihin ay hindi nya mapag pasyahan kung multo ba ako or tao.

Napaatras sya ng humakbang ako paabante ng isang beses. Mukhang natatakot pa rin sya pero hindi naman malaman kung tatakbo or mananatali lang sa kinakatayuan nya. She looks hopeless and scared—of me. Biglang nabuhay ang galit ko ng maalala ko ang eksenang nakita ko sa kotse ng lalaking nag hatid sa kanya. Gusto kong hatakin kanina si Zia pero alam kong hindi pwede. Hindi pa panahon para malaman ng mga tao na buhay ako.

Huminga sya ng malalim at tumayo ng diretso sa harap ko. “Yu-Yuan, I know that this is not real. You are not real. You can’t be real.” Wika nya sa sarili nya na parang wala ako sa harap nya. Mukhang nag paprocess pa rin ang utak nya kung papaniwalaan ang nakikita or isasawalang bahala nalang. Umiling ako at humakbang pa ng isa paabante, isang hakbang pa atras naman ang ginawa nya.

“Yuan, if you want to say something, you can tell me.” Encourage nya na parang anytime soon mawawala nalang ako na parang bula. Muli akong lumapit at ngayon ay konti nalang ang pagitan ng mga katawan namin. Napatingala sya sa akin at nag tama ang mga mata namin. Nahigit ko ng bahagya ang paghinga ng maamoy ko ang perfume nya sa ilong ko. Ang bango nya kahit na galing sya sa pag tatrabaho sa foundation. Oo kanina ko pa sya binabantayan at kanina pa rin ako nag aalab sa galit sa tuwing makikita ko sila ng lalaking yun na masaya at nag tatawanan habang nag aayos sa stage na ginagawa nila kanina.

Napalunok sa at nanlaki ang mga mata.”You’re not real…” Sambit nya saka iniwas ang tingin sa akin. Hinawakan ko ang baba nya gamit ang isang kamay ko at muling nag tama ang mga mata namin.

“I wanna kill that guy for hugging and kissing you” Mahina pero puno ng galit ang boses ko. I traced her lips with my thumb and put my other arms around her waist. Pinag dikit ko ang mga noo namin at muli kong naamoy ang natural scent nya na nag papapikit sa mga mata ko.

“Yuan, please, please tell me I’m dreaming.” Pimuyok ang boses nya. “Tell me I’m dreaming.”

Hindi ako nag salita at dahan-dahang sinakop ang labi nya at maalab syang hinalikan. Ilang sandali syang hindi gumalaw bago ko naramdaman ang pag tugon nya sa halik. Hinawakan ko sya sa batok para lalong lumalim yun. Yumakap ang mga kamay nya sa balikat ko at pumulopot sa batok ko.

“Ate?” Sigaw ni Zam kaya napabitaw kami at agad ko syang hinawakan sa kamay at bibig para hindi sya tumili. Nag tago kami sa gilid ng gate. “I’m sure I saw someone here? OMG! I am being hauted? Anabelle! Please not me!” Tili nya bago nag tatakbo sa loob.

Saglit pa akong nakiramdam bago ko binitawan si Zia na walang imik at nakatingin lang sa akin. Alam kong hindi nya alam kung paano mag re-react sa mga nangyayari. Mukha syang tinawag ng teacher na sagutin ang isang mahirap na math problem pero hindi nya alam kung paano.

Hinawakan nya ang noo. “This is just a dream, yeah I know better…” Kausap nya sa sarili na parang wala akong sa harap nya. Hindi ko alam kung matatawa ako or maiinsulto dahil parang gusto nya pang panaginip nalang ako at hindi totoo.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon