Chapter 26: Two weeks relationship

23K 406 39
                                    

Zia

Nakangiti ako ang tabingi dahil hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga tanong ng co-members ko sa student council. May meeting kami ngayon para sa next project namin, pero kailangan muna namin makalikom ng pondo para magawa namin yun. Ang naisip namin gawin ay isang fashion show, madali lang naman sana yun, dahil marami naman dito sa school ang pwede namin makausap para mag participate, pero nag survey kami sa buong campus kung sino ang gusto nilang makita sa fashion show. Ang isa sa mga nangunguna sa  botohan ay ang basketball team na madali lang naman na pakiusapan kaya lang, ang isa rin sa mga nangunguna na gustong nilang makita ay ako kasama si Yuan, na hindi ko talaga kayang gawin. Hindi naman ako model, saka bakit ba masyado sensationalize ang relasyon namin.

“Zia, please pumayag kana.” Pilit ni Mandy ang auditor namin.

“Ayoko. Hindi ako model, baka mapahiya lang ako.” Tanggi ko pa. Kanina pa nila ako pinipilit pero hindi talaga ako napayag.

“Zia, para naman ‘to sa council saka ano naman masama na rumampa ka sa stage eh  fiancé mo naman yun kasama mo.” Wika ni Callix ang treasurer namin.

“Oo nga, nakakakilig kaya yun.” Singit ng muse namin na si Carly, at kakambal ni Callix

“Ayoko talaga, siguro si Mimi nalang, pwede pa saka si Meg, tutal sila naman yung may celebrity status dito sa university.”

“Pero kayo ni Yuan ang gustong makita ng lahat.” Banat pa ni Callix.

“Saka wala na rin naman si Luigi, kaya ikaw na ang acting president namin ngayon, dapat lang na gawin mo ito para sa council.” Dagdag pa ni Carly. Bigla ko tuloy naisip si Luigi. Umalis sya bago matapos ang semester na ‘to, malapit na rin naman mag bakasyon, pero bigla syang nawala at alam kong ako ang dahilan.

“Please Zia, pumayag kana.” Dueto nilang lahat.

Nabaling ang atensyon namin ng bumukas ang pinto. Tumaas ang kilay ko ng makita ko si Yuan. Ganito lagi ang routine namin, susunduin nya ako dito sa council at sabay kaming uuwi. Halos dalawang linggo na ang relasyon namin at marami ng nangyari sa loob ng mga panahon na yun. Isa na nga ang palagi kaming sabay na umuuwi.

“Hindi pa tapos ang meeting nyo?” Tanong nya saka lumapit sa akin at binigyan ako ng halik sa noo. Nakita ko naman ang pag ngiti ng mga tao sa harap namin. Sa totoo lang, naiilang pa rin ako kapag nagiging sweet si Yuan sa harap ng maraming tao pero hindi ko naman sya mapigilan, dahil kahit ilang beses namin yun pag usapan, hindi nya talaga kayang alisin, kaya wala na rin akong nagawa.

“Hindi pa.” Sagot ko.

“Ahh, sige, hintayin nalang kita sa labas.” Akmang aalis sya ng pigilan sya nila Mandy.

“Yuan, papayag ka ba kapag nag model si Zia?”

“Huh? Bakit mag momodel ba sya?” Tanong ni Yuan. Humawak ako sa noo ko. Mukhang hindi talaga nila ako titigilan.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon