12 | Reaching-in-Tandem

Start from the beginning
                                    

"Eh 'di ipagtanggol mo 'ko! Ipaglaban mo naman ako kahit minsan Mom!" napatiklop ang bibig n'ya, mabilis niyang iniliko ang mga mata n'ya papalayo, "Kahit minsan lang Mom, ako naman 'yung panigan mo! Kilala mo ako, na kahit anong pagre-rerebelde, pag-iinom at bulakbol ang gawin ko, hinding-hindi ko kayang pumatol sa lalaking kung sino-sino!" walang tigil ang kamay ko sa pagpunas sa'king mata. "Kahit minsan lang Mom, ako naman 'yung paniwalaan mo! Ako naman 'yung panigan mo!" tumayo ako ng tuwid at itinaas ang aking noo, "Kasi Mom, pagod na pagod na akong ipaglaban 'yung ako sa sarili kong ina para lang makuha 'yung simpatyang ibinibigay dapat ng kusa!" malabong-malabo na ang nakikita ng namamasa kong mata.

"I've never wish you to be my mom because He only gave me to you! But you know what, I don't think I can still manage to be your child!" mahinahon at puno ng sakit ang mga salitang 'yun, mabilis na paghabol ng hininga ang ginagawa ko habang papatalikod sa kanya. Humakbang na ang mga paa ko paalis pero napatigil ito ilang hakbang pa lang, "Yeah! We're just same, I don't ever wanted to be mom of unruly and rebellious child," para akong sinasaksak ng paulit-ulit sa mga naririnig ko, "Sana nga 'di na lang kita naging anak at 'di mo na lang ako naging nanay! Para wala tayong problemang ganito!" tila may kung anong bumara sa lalamunan ko at lalo akong nahirapan sa paghinga. Naging sunod-sunod ang patak ng luha ko kaya mabilis na humakbang ang paa ko para makaakyat.

"Claire stop! Dani, I'll talk to you!" narinig kong sumigaw 'yung tatay ko pero hindi ko na s'ya pinansin at patuloy lang ako sa pag-akyat. Hindi ko alam kung paano ko nakayanang humakbang kahit nanginginig ang tuhod ko, namalayan ko na lang na nandito na ako sa'king kwarto. Do'n bumagsak ang tuhod ko kasabay ng mga luhang hindi mabilang. Napaupo na lang ako sa panghihina lalo na sa mga huling sinabi ng nanay ko. "Dani, open the door!" hindi ako nagawang gambalain ng mga sunod-sunod na katok.

Sana nga 'di na lang kita naging anak at 'di mo na lang ako naging nanay! Parang sirang plaka na paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko 'yung mga sinabi n'ya. Napakapit ako sa'king dibdib sa pag-asang mapigilan nito ang pagsikip ng hininga ko. Gusto kong magwala pero sobrang naghihina ang katawan ko. Sumisigaw ang utak ko pero ang sarili ko lang ang nakakarinig. Halo-halo na lahat ng pagod, sakit, galit at lungkot. Ang sakit na, nakakapagod nang maging si Dani!

Chelsea's Outlook

"Basta, ako na ang bahalang mag-isip sa appetizer bukas! Text ko na lang 'yung mga kailangan ah?" sabi ko sa'king mga blockmates, "Sige Chelsea! Don't forget 'yung mga kailangan, mahirap nang magkulang para sa course nating BSHRM!" napatango naman ako sa sagot ni Marian.

Nag-paalam na kami sa isa't isa, humakbang na ang mga paa ko paalis dahil mahuhuli na ako sa next class. Papunta na sana ako sa next building ng matanawan ko sa may kalayuaan ang hindi naman dapat nandito sa department namin. "Onse, anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko ilang metro lang ang layo sa kanya pero mukhang 'di n'ya narinig at patuloy lang s'ya sa paglingon sa paligid, "Onse, uhugin, Zach!" sa pagtawag ko sa pangalan n'ya, do'n n'ya lang ako nakita.

Kumulubot ang mukha n'ya dahil narinig na naman n'ya 'yung pangit na tawag ko sa kanya, ako na ang humakbang papalapit sa kanya dahil mukhang wala naman s'yang balak na lapitan ako. "Bakit ka nandito sa HRM? Hinahanap mo ako?!" tanong ko sa kanya at pinitik n'ya ang noo ko, "Mama mo hinahanap ko! Galing lang ako d'yan sa Filón Tree, eh baka makasalubong ko si Dani kasi 'di ba, kakausapin ko na s'ya tungkol sa napag-usapan namin ni Henry!" napataas-baba naman ako ng ulo dahil sa rason n'ya. "Baka nakauwi na, hapon na rin kaya! 'Di ba, morning session 'yun?!" wika ko habang iginagala rin sa paligid ang tingin, "Hindi! Sabi sa'kin ni Wendy, tumatambay pa 'yun dito ng matagal!" sagot niya at lumilinga rin s'ya sa paligid.

"Pero teka Onse, sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo?! Makikipag-tulungan ka kay Dani para lang mahanap si Flynn Rider na kahit mismo 'tong university eh nahihirapang hanapin s'ya?!" tinaasan n'ya lang ako ng balikat, "Hindi ko naman 'to gagawin para sa kanya, kung 'di para kay Henry! Ilalapit ko lang naman 'yung pinsan ko, mahanap man namin o hindi si Flynn Rider, wala na ako do'n!" tumango na lang ako dahil mas maayos naman 'yung sinabi n'ya.

Flavors of Your Love 01: Suddenly Brewed OneWhere stories live. Discover now