12 | Reaching-in-Tandem

26 5 0
                                    

Dani's Outlook

"Sure ka Dani, hindi muna ako maglalagay sa position ng secretary?" tanong sa'kin ni Fatima mula sa kabilang linya, "Oo Pat! Hayaan mo muna 'yan na bakante!" sagot ko habang nilalaro sa'king mga daliri ang comforter. "Thursday na ngayon Dani, need na 'yan bukas ni Prof. Armenta, ikaw na ang bahala ah?" tugon niya at tumango ako kahit 'di naman n'ya nakikita, "Okay Pat, magre-ready na ako para pumasok!" wika ko at nag-paalam na kami sa isa't tsaka ko ibinaba ang phone.

Kahit hinehele pa ako ng kama at gusto ko na lang ihilata ang katawan ko maghapon ay may kailangan akong pasukan na school. Tumayo na ako ng hindi man lang inaayos ang kama at nagpunta na sa banyo. Ilang minuto ay lumabas na rin ako at nag-umpisang bumaba.

"Hon, may problem sa company natin kaya kailangan kong pumunta ro'n mamaya!" dinig ko na ang makapangyarihang boses ng nanay ko kahit pa pababa pa lang ako, "Then what they did?!" tanong ng tatay ko at hindi ko na naintindihan 'yung sunod nilang pinag-usapan. Dahan-dahan at kalmado akong nag-martsa papunta sa kainan, pagdating ko ro'n ay tanging kalansing lang ng pagtama ng kutsara at tinidor sa plato ang maririnig.

Tumapat sa'kin ang mata ni mommy na pailalim. Isang kurap ng mata lang nangyari ang lahat at umiwas na rin s'ya, hindi ko na 'yun pinansin pa at dumiretso na ako sa paglalakad papunta sa counter. Pero nang matapat ako sa kanya ay isang kamay ang nagpahinto sa'kin sa paghakbang, sa mala-kidlat na pangyayari, hindi ko na malayan ang malakas na pagtama ng palad sa kaliwa kong pisngi.

"How dare you! Is that your another way of rebelling to me?" para bang may kuryenteng dumadaloy sa mukha ko at ilang segundo kong 'di naramdaman ang sarili kong pisngi. "Dani what was the picture that you've been viral?! Fooling around with not just one but two man?! How floozy you are?!" hinahabol ko ang aking hininga ng tumingin sa kanya, may malalapad namang palad ang umalalay sa'kin sa likod, "Claire ano ka ba?! Sana kinausap mo ng maayos 'yung bata!" umalingawngaw rin ang sigaw ng tatay ko sa buong kusina, "Nicholas, ilang beses ko nang kinausap ng mahinahon 'yang batang 'yan pero 'di naman natututo!" hangga't kaya ko ay pinipigilan ko ang aking mata sa pamamasa.

Tumapat sa'kin ang hintuturo n'ya, "Lagi mo na lang ba akong ilalagay sa kahihiyang bata ka?! Palagi na lang ba tayong ganito, Dani ah?!" namumula na ang kaniyang mukha pero ako ay patuloy pa ring nilalabanan ang bigat, "I ashamed you Danica! Ano na lang sasabihin ng ibang tao, lalo na sa opisina natin?! 'Yung ginagalang nilang boss ay may pariwarang anak, hindi lang lasengga, malandi pa!" parang bang sinusuka ng tenga ko ang naririnig n'ya, hindi ko na nakayanan ang bigat ng aking hininga at sunod-sunod nang kumawala ang luha sa'king mata.

I swayed my shoulders and the palms that are there was gone, I faced my mom overwhelmed by pain but I choose to hide it on my unreal smile, "Ikaw Mom, ganyan ka na lang din ba?! 'Yung iniisip na lang nila ang mahalaga sa'yo, 'yung sasabihin na lang nila lagi ang inaalala mo?!" they gave me the moment of silence while my voice is thunder, "Mom, paano naman 'yung nasa utak ko?! Pa'no naman 'yung nararamdaman ko?! Ano 'yun, wala na, bahala na?!" she locked her eyes into something behind me.

"Ako 'yung napahiya, ako 'yung nasaktan at pinulaan! Pero bakit 'yung opinyon pa ng iba ang mas mahalaga sa'yo, 'yung sasabihin pa nila 'yung inaalala mo!" she still not responding even my voice are higher than her ego, "Minsan man lang ba Mom, tinanong mo ako kung ayos lang ba ako? Ano'ng nararamdaman ko sa mga panahong nalugmok ako?! Kamusta na ba ako, kaya ko pa ba?!" now her eyes was pointed on me. "That's because pangalan natin ang laging nakasalalay sa mga palpak mong desisyon! Pangalan ng pamilya at ng coffee farm natin ang nakakabit sa mga kahihiyan na ginagawa mo!" she still managed to scold me with her junky dispositions, "Hiyang-hiya rin ako sa t'wing lalaitin at pag-uusapan ka nila! Hindi ko kinakakayang marinig na idina-down ka ng ibang tao!"

Flavors of Your Love 01: Suddenly Brewed OneWhere stories live. Discover now