Prologue

280 23 5
                                    

This is unedited version that contains loopholes, cringe, and insensitive parts, but I don't want to delete because it serves as my proof that shows my improvement in writing. I want to look back at this as the year passes by. Bare with this one, please.

---

Zach’s Outlook

“Two tall cups of caffè cappuccino for Zach!” Isang matinis na boses ng babae ang tumawag sa pangalan ko na sinundan pa ng dalawang beses na pagbatingting ng bell.

Kinukulob ng tunog ng pagtama ng ulan sa bubong ng coffee shop na ito ang aking tenga. Tumayo na ako sa pagkakaupo sa malambot na upholstery at lumapit sa barista.

Biglang tumunog ang phone ko kaya naudlot ang pagkuha ko sa supot. Nakasulat sa maliit na screen ng cellphone ko ang pangalan ng aking nanay. “Salamat!” magiliw na bati ng barista at nginitian ko lang siya. Sinagot ko na ang tawag ng nanay ko na alam kong nag-aalala na sa mga oras na ito.

“Opo Mama, pauwi na po ako!” I answered my mother with lies after I get the brown paper bag marked with the green logo of this coffee shop.

Narinig ko ang pag-ismid niya mula sa kabilang linya, “Kilala kita Zach, alam kong ilang araw na kayong may problema ni Melody,” napailing na lang ako dahil hindi ko pa rin siya nalusutan.

“Kilala n’yo talaga ako Ma, pero sige aaminin ko na po, pupunta po ako sa kanya ngayon,” ngumiti ako habang naglalakad palabas at pinagmamasdan ang brown bag sa kaliwa kong kamay, “Alam ko pong maaayos ‘to sa mabuting usapan!” napangiti naman ako sa guard dahil pinagbuksan niya ako ng glass door.

Madilim at maulan na paligid ang sumalubong sa akin paglabas ko. Mga sasakyang mabagal sa pagtakbo dahil basa ang daan, mga taong unahan na makahanap ng sisilungan at iba’t ibang kulay ng payong. Natanawan ko na ang pinsan kong nakasakay sa kaniyang puting SUV at kumaway sa akin.

“Basta anak kapag natapos ka d’yan, umuwi ka na agad,” paalala niya at tumango ako kahit hindi naman niya nakikita, “Opo nanay, ‘wag na kayong mag-aalala sa anak n’yong pogi!” bigla akong nanginig dahil siguro sa lakas ng ulan o sa kahanginan ko.

Ibinigay pa ni nanay ang mga paalala niya tsaka niya ibinaba ang telepono. Humakbang na ang mga paa ko palapit sa pinsan kong suportado ako sa gagawin ko ngayon. “Handa na ba si ‘Handsome Lover Boy’ aber?” pabiro niyang tanong habang nakalusot ang kalahati ng katawan sa bintana ng kotse, “Kanina pa, my man!” ginaya ko naman ang tono niyang pang-western cowboy.

Isinuksok ko na ang phone sa bulsa ng faded jeans ko bago sumakay sa passenger seat sa unahan. Inayos muna namin ang seatbelt sa aming katawan bago umpisahan ni Henry ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Habang nasa biyahe ay unti-unti na ring humihina ang malakas na ulan. Kung gaano kabagal ang pagpapatakbo ni Henry ng sasakyan ay siyang kabaliktaran sa’kin dahil sa bilis ng pag-tibok ng puso ko. Parang hand clock ang wiper sa windshield na nagsasabing kailangan ko nang ayusin ito na dapat sana’y matagal ko nang ginawa bago pa mahuli ang lahat.

“Natapos mo na ba ‘yung homework ko sa calculus?” tanong ni Henry na ang tuon ay nasa kalsada pa rin. “Kanina lang, bago ako pumunta sa coffee shop!” sagot ko na hindi pa rin makatingin sa kanya nang matulala na ang buong sistem ko.

“Pinsan, chill! Bakit mo naman kasi pinatagal pa ng isang linggo?” he asked me and laugh just to ease my nervous. I slowly shaked my head and then looked at him, “Bro, she needs time to think something daw, kaya pinagbigyan ko!” maiksing sagot ko sa kanya at napagtantong tama s’ya, kahit ganun nga ang sinabi n’ya, hindi ko na dapat ‘to pinatagal pa.

Flavors of Your Love 01: Suddenly Brewed OneWhere stories live. Discover now