CHAPTER 1

251 5 0
                                    


Kisha's POV

"Grrr. Wth! Bakit di ko makuha yung sagot?!"

Nandito ako ngayon sa mall at naglalaro ng 4 pics one word together with my gwapong bestfriend na si Jun.

"Baka naman 'gestures' yan. Try lang kasi ng try. Umiinit agad ulo mo e, pano nalang kung magkaboyfriend ka?" Sabay kuha ng phone sa mga kamay ko.

"Bakit naman napasok yang issue na

yan dito? Tsaka wala akong balak mag-boyfriend. Isa lang ang gusto ko at kilala mo yun." Sabay subo ng isang piraso ng potato fries.

"Eh pano kung yung taong nakadestined sa'yo eh hindi siya?" He ask without looking at my face.

"Well I dont care." I frowned at him

"Alam mo --"

"Di ko pa alam."

"May mga bagay na hindi nakalaan para satin, minsan naman yung mga taong nakadestined pala satin ay nasa tabi-tabi lang." His eyes are still looking at my phone.

"Sus. Humuhugot tayo ah. Anong meron? inlove ka? Ay sorry, BH ka pala hahaha" sabay tawa ng malakas.

"Di noh. Oh ayan! Tama pala yung 'gesture' e. Uso kasi mag-isip. Tara na nga. Libot pa tayo. Nakakaurat dito." bigla siyang tumayo at binigay sakin yung phone.

"Owkeeey. May sume-segway." Pang-aasar ko at bigla naman akong hinila kaya muntik ko nang mabitawan ang phone ko.

"Uy dahan-dahan. Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko."

"Ok lang. Gusto mo palitan ko pa yan ng iphone e." Pagmamayabang niya habang hila-hila pa rin ako. Umayos ako at pumunta sa gilid niya.

"Di nga?! Oh dali. Ibagsak mo na" pilit kong binibigay sa kanya yung cellphone ko pero ayaw niya naman kunin. Kala niya kasi iisipin kong biro yung sinabi niya. Matagal ko nang gustong magkaroon ng iphone, pero dahil kuripot ako, 'di ako bumibili nun.

"Joke lang noh. Ang yaman-yaman mo di ka makabili ng iphone."

"Yaman lang. Makayaman-yaman ka naman e. Iba na yon. Tsaka alam mo naman na may foundation akong hinahawakan diba? Mas ok na yun kesa magsayang ako ng pera sa pagbili ng iphone."

"Oo na. Ikaw na mabait. Tara sa bookstore, may bibilhin akong libro." pumunta kami sa bookstore nang hawak niya ang mga kamay ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang gustong kumawala sa katawan ko dahil hawak ng lalaking tinatangi ko ang mga kamay ko ng mahigpit. Sa tingin ko, hindi ito pagkagusto lang, kundi pagmamahal na. Oo, mahal ko na siya noon pa man pero ang kilala niyang gusto kong lalaki ay si kevin, ang blockmate ko. And as far as I know, hindi pa siya nakakamove-on sa ex-Girlfriend niya na pinagpalit siya sa isang mayaman na lalaki. I mean, mas mayaman na lalaki. And it hurts, you know!

Speaking of the angel, nakasalubong namin si Kevin na papunta din sa bookstore na pupuntahan namin.

"Uy Kevin. Hi!" Kumaway ako kay Kev na siya namang pagbitaw ni Jun sa kamay ko.

"Hi Guys! Kamusta?" He greeted me with his killer smile.

"Ok lang naman. Papunta ka rin sa bookstore?"

"Yeap. May bibilhin kasi akong libro."

"Ah. Tara sabay kana samin. Bibili din kami ng libro e." *smile*

Pumasok kaming tatlo sa loob at naghanap ng libro. Si Jun biglang nanahimik, di ko alam kung bakit. May Mood swing syndrome talaga 'tong taong 'to.

Pagtapos namin bumili lumabas na rin kami.

"Gusto mo sumama samin? Tutal dalawa lang naman kami e." Tanong ko kay Kevin habang naglalakad.

My Bestfriend, My Lover ♥ [Completed]Where stories live. Discover now