Pssst! M.N bigyan kita ng limang piso patahimikin mo nga si ma'am, aga-aga ang daldal na. . . Lecture dito lecture duon, pero ganun naman talaga yung trabaho niya so pagbibigyan ko nalang si ma'am. Sayang din yung limang piso no iipon ko nalang.
Grabe ang bigat-bigat pa ng mata ko, ang sarap pang matulog. Aliwin mo nga na lang ako M.N. Psh, ahh ano kayang magandang ipangalan sayo? Tutal Math Notebook ka naman so pwede kitang tawaging MaNo? or MaNot? haha ang sagwa naman next tym nga na lang..
May naisip na ako. Try ko nga nalang i LOVERS yung pangalan namin. . . tinuruan ako kahapon ni Buknoy sabi niya i add ko lang yung mga katumbas na mga numbers tapos pag umabot ng 75+ yung score, lovers daw talaga kami. Excited na tuloy ako try ko nga.
Jhenizze Daniela Shitsuki full name niya tapos ako naman Skyler Mon Dimaculangan. Hindi ko nga maintindihan kong pano naging Botchok yung palayaw ko, ang weird no? So eto na.
L O V E R S
2 1 0 4 1 3
3 1 4 5 4
4 5 9 9
9 14 18
23 32
55%
Dear M.N,
May alam ka pa bang ibang laro katulad niyan? Basag trip kasi tong Lovers eh -_____-.
Lubos na nagsisisi sa kanyang pangalang kulang-kulang,
-Botchok
- - - - - - - - - - - - - -
(A/N: Happy 400+ reads, salamat sa pag-aaksaya niyo ng panahon sa walang kakwentang storya ni Botchok ^__^)
YOU ARE READING
Ang Math Notebook ni Botchok ( Diary )
Short StoryDear Math Notebook, Gawin na lang kitang diary ha, sayang kasi eh walang laman. - Botchok
